Ang Dinastiya ng Datong ay namuno ng tatlong daang taon.
Pinamunuan ng may kapayapaan, kaayusan at mabuting kapalaran ang buong bansa simula ng mamuno ang pinakabatang emperor na si Yael Jing Song. Naging mas maunlad at mapayapa ang pamumuhay ng mga tao kaysa sa nahuling hari. Dahil dito naging maayos na rin ang kanilang pamumuhay.
"Panginoon, magtatakipsilim na po." sabi ng isang alalay niya sa kaniyang tungkulin, isa itong tagapangasiwa sa palasyo. Nakasoot ito ng pang ministrong kasootan sa panahon nila. Nakasuot din ng sombrero na sumisimbolo na kasama siya sa pamahalaan.
Lumapit pa ang lalaki sa madalas upuan ng kamahalan sa kanyang silid at nakita niyang may isang papel na naglalaman ng sulat mula sa Hari.
"Pupunta ako sa Jigan, mga dalawang buwan hanggang anim na buwan bago ako makabalik. Ang gawain sa korte ay hahawakan muna ng gobyerno pansamantala." ito ang nakasaad sa liham.
"WHHAAAAA... TUMAKAS NANAMAN ANG MAHAL NA HARI!!" Nag-aalala na sigaw nito.
"Wala kang kailangang ika-bahala lalo pa't hindi ito ang huling beses na ginawa niya." Napabuntong hininga ang kadarating na matandang gumagabay sa hari noon pa.
"Sa limang taon niyang pamamahala, sampung beses na siyang tumakas. Patuloy lang naman ang pag-unlad ng bansa dahil sa galing ng kanyang pamamalakad at pamumuno." (nakakaabala... inaantok na ako) "Hindi ko din alam kung anong nasa isip ng dating hari at ibinigay niya sa batang prinsipe ang pamumuno gayong ang gusto lang naman nito ay magpakasaya palagi." (gusto ko ng pumunta sa mapayapang lugar ngayon) isip-isip pa ng matandang tagapamahala.
Sa kabilang dako, sa pinuntahan ng bagong emperor.
Isang magarang sasakyang pandagat ang naglalakbay ng 'di kalayuan sa bahay na nakatayo sa tubig.
Isang lalaki ang nakatayo sa unahan noon. Makinang at maganda ang puti nitong buhok. Lahat ng mga babaeng nakakasalubong ng sasakyan ay natutuwa at waring kinikilig sa kanilang nakikitang kagandahan. Itinatakip nila ang mga magagandang pamaypay nila sa kanilang mukha upang bahagyang itago kilig sa kagandahang taglay ng lalaki sa sasakyan.
Isang gwapong lalaki na kulay kayumanggi ang buhok ang nagpunta sa likuran ng nakatayong may puting buhok.
Ang taong iyon ay ang mahal na hari mismo na nakasakay sa magarang bangka subalit hindi nila iyon nalalaman.
"Ah, sinabi ko na sa iyo Sean na matuto ka sa madalas mong nakikita. Mas malakas ang kapangyarihan ng pagyanig lalo pa sa lugar na ito." pagtukoy ng hari sa paggalaw ng bangka habang nakatingin sa kayang abutin ng kanyang tanaw. "Kita mo, kanina pa ako nakatindig ng isa't kalahating oras sa parteng ito," pagtukoy pa niya sa unahan bangkang kinatatayuan niya. "hindi man lang ito nagwawala sa galaw ko."
Nakita ng mga tao sa malaking bahay ang kagandahan ng hari sa magarang bangka at labis silang nabighani noon.
Ilang sandali pa'y hindi na nila namalayang may tumatalon na pala mula roon patungo sa kanilang kinatatayuan.
"huh?"nagulat ang isang lalaki at balak abutin ang ksama.
"Ay naku!" Wala namang nagawa ang isang babae dahil nabigla sya sa nangyari sa katabi niyang pinagbubulungan ang mga dayuhan.
"Ngayon naiintindihan ko na kung bakit gustong-gustong ibigay ng hari ng Han (another country) ang Qian Mountain sa kanyang pinakamamahal na lalaki" pabulong na usap ng isang lalaki sa katabi nya. Bahagya pa siyang lumilis para hindi mapansin ng tinutukoy sa bulungan. "Dahil, meron pala talagang lalaki na may kakaibang kagandahan at magbibigay ng kasiraan at pagkawasak sa isang bansa o syudad man lamang."
BINABASA MO ANG
Dalawang Haring Nagmahalan (2014)
Historical FictionAno ba ang PAGMAMAHAL? Ito ba ay para sa magkaibang kasarian lamang? Ito ba ay para sa isang hayop, bagay o tao? Ano ang basehan ng mga ito? Ano ang susi para makuha ito? Ito ay tungkol sa dalawang HARI na may magkaibang antas sa lipunan; isang hari...