Isang Ama

291 10 2
                                    

Dalawang Haring Nagmahalan

-ika labing-anim na kabanata

Isang Ama

Shirotani Nishii "LUKAS" PoV

"haah.. Hah... Ha..." pagod na pagod ako. Pilit hinahabol ang hininga habang pinipiglan ang sarili na maibaba ang likuran kung hindi'y matutusok ako ng nagtitilusang bagay sa kama.

Ang hirap, ang sakit ng bawat araw na nasa poder ako ni Semion. Naalala ko pa ang nangyari sa anim na taong nakalipas, noong oras at lugar ng digmaan kung saan dapat ay wala ako kung hindi ko lang narinig na si Semion mismo ang namumuno sa pagsugod sa aming bayan. Naalala ko pa ang nakaraan na parang kahapon lamang.

Araw ng linggo, lahat ay abala sa pagsugod. Hinanap ko ang aking pakay si Semion Jung Song. Ang nakababatang kapatid ng aking mahal at nakita ko rin naman siya sa dagat ng dugong galing sa walang buhay na katawan ng magkabilang partido.

"Semion! Anong dahilan at narito kayo? Hindi mo pa rin ba matanggap ang tungkol kay Harrie?" nalilito ako noon, naguguluhan, nagtataka kung bakit natuloy pa rin ang pagsugod gayong umaasa akong sasabihin ni Semion sa kaniyang pagbabalik sa Danton na wala na kaming balak lumaban lalo pa't may anak na ako't kailangan ko itong palakihin sa mundong walang kahit anong gulo. At isa pa'y kinalimutan ko na ang tungkol sa droga at kung sino man ang nagpakalat noon ay sila na nina Jing ang bahalang lumutas pero walang nangyari, narito siya't nakikipagdigma. Pinalaki ang di pagkakaindihan at kaniyang ginatungan dahil sa nararamdaman para sa aking pamangking si Harrie.

"Sinungaling ka, sinungaling ang mga Yamato. Hindi nasabi sa akin ni Harrie na may asawa na siya rito, iniwan mo na rin si kuya at nagkaroon ka na ng anak!" nagulat ako doon. Hindi ko alam kung paano niya nalaman ang tungkol sa aking pagkakaroon ng reyna at pagkakaroon ng anak dito. Labis kasi namin iyong inilihim sa sambayanan kaya imposibleng may makaalam, hanggang sa maalala ko ang isang babae na kahawig ni Jing. Tingin ko'y kapatid iyon ni Jing na pinapunta niya dito dahil sa pag-aalala. "Oo alam ko na! Pero hindi ko sinasabi kay kuya dahil labis na siyang nalulugmok ngayon! Hindi mo alam kung anong pinagdadaanan niya ngayon!" gigil na siya ng mga sandaling iyon. Hawak ang espadang puno ng dugo.

"Hindi mo naiintidihan. Kahit si Harrie ay hindi nalamang may babaeng naghihintay sa kaniya rito at nagsasabing aksedente niyang nabuntis bago siya magpunta ng tsina." Paalala ko pero umiling ito't nagawa akong suntukin sa tyan. Sandali akong natigilan at dahil sa biglaang pagresponde ng mga kawal ko at mga kawal niya'y nagawa niyang itarak sa aking tagiliran ang kaniyang espada. Daplis lamang subalit naging malaking sugat pa rin iyon noong magtagal na.

Sinunog nila ang buong lugar. Nasunog ang mga katawan ng parehas na hanay sa pagitan namin. Narinig kong sumigaw ang aking asawa pero hindi ko na nagawa pang tumingin sa kaniya dahil sa sakit na naramdaman ko sa suntok na iyon ni Semion. Malaki ang kamao nito't hindi na nakakapagtaka dahil hindi naman siya purong taga tsina.

Nagising na lang ako noon sa isang barko. Nakita kong muli ang mukha ng taong nagpakaladkad sa akin noong mga sandaling nagkakasiyahan na kami ni Jing. Noong gabing nagawa naming sabihin sa isa't-isa ang totoo naming nararamdaman. Pero sa ginawa ng taong ito, sa mga pamamaraan niya nasira kaming dalawa ni Jing. Naghiwalay hanggang sa malaman ko ang katotohanang walang kinalaman ang aking mahal sa mga droga't mga bagay-bagay dito sa tsina. Na hindi lamang siya ang hari na namumuno kundi marami sila't hindi siya ang dahilan ng mga doga't pang-aalipin kundi ang ibang hari at ang pamamalakad bago pa man siya maging hari.

"Sigurado akong hindi siya masisiyahang makita ang lalaking yan." Saad nitong lalaking ito kay Semion. Parehas silang nakatalikod sa akin pero alam ko kung paano sila tumindig kaya kilala ko sila kahit nakatalikod.

Dalawang Haring Nagmahalan (2014)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon