Alaga ng Prinsepe

866 23 8
                                    

Ang drawing po sa taas ay drawing galing kay yoshiro_hoshi maraming salamat po dito at sana po dumami pa ang drawings nyo.. Whhhaaaaaaa... ganda talaga eh. >,<

sana po mapagbigyan niyo ako ng sa cover ko. hehehe..

Heto na ang next chapter.

======<3 <3 <3======

Dalawang Haring Nagmahalan

-Pangatlong pag-ibig

Alaga ng Prinsepe

Tatlong araw ang nakalipas, hindi lumabas ng silid na iyon si Lukas. Natatakot siyang baka may makakita sa kanya sa ganoong kalagayan. Hindi pa rin siya nagbibihis mula noon dahil hindi siya makaalis sa may kama. Pakiramdam niya'y ang dumi-dumi niyang nilalang at nakayakap lamang siya sa kanyang sarili habang kakaunting kumot lamang ang tumatakip sa kanyang pag-aari. Nasa ibaba rin siya ng kama at nakahilig doon, katapat ang mismong pintuan ng silid kaya kung sinoman ang pumasok sa silid ay mamumula kapag nakita na siya sa ganoong posisyon lalo na kung kakilala niya ang darating at makikita siya-isang hari ng mga bandidong parang ginahasa ng sangkaterbang mangangaso.

Mabuti pa rin ang kapalaran sa kanya dahil walang nangyaring ganoon.

Nakapikit lang siya at naalala ang mga nangyari tatlong araw na ang nakakaraan. Hawak pa rin niya ang gamot at isinusumpa ang kapangahasang ginawa sa kanya ng lalaking iyon. Pilit niyang sinasabi sa sarili na mali na magpadala sa taong nagtataglay ng mala-anghel na mukha at mukha ng taong gusto niyang mapangasawa. Gusto niyang kalimutan ang lahat, ang kamuhian si Yael at nagawa naman niya iyong itatak sa kanyang isipan.

Ilang sandali pa'y tumayo na rin siya at ginalugad ang lugar habang kumot lamang ang nagsisilbing tapis sa kanyang katawan. Nakita niya kung gaano kalawak ang lugar na tinutuluyan niya. Nakita rin niyang walang kahit sinong narito kaya naisip niyang isa nga ito sa pahingahan ng lalaking lumapastangan sa katawan niya.

Matapos niyang pumasok sa isa pang silid ay nakita niya ang isang lugar na kailangang-kailangan niya. Ang silid palikuran. Bumubuhos ang mainit-init na tubig mula sa talon na maliit lamang at bumabagsak sa animo'y ginawa ng tao bilang isang batis ng mainit na tubig. Hindi rin nalalayo sa lugar na iyon ang isang kahoy na batya at mga habong maari niyang ipanglinis sa katawan. Nakita rin niya ang isang bagay na pwede niyang paglabasan ng sama ng katawan, ang mismong palikuran.

Inumpisahan na ni Lukas ang paglilinis niya sa kanyang katawan. Hindi rin siya nagtagal sa palikuran at nagpunta na siya sa batis upang maligo at linisin ang katawan.

Parang karayom na tumutusok ang init ng tubig dahilan para mapapikit siya at mapatingingala sa asul na kalangitan.

Bakit? Bakit kailangan kong pagdaanan ang ganitong kaganapan? Bakit kailangan kong danasahin ang ganitong kahihiyan. Sigurado akong ako'y kaniya lamang nililinlang. Humanda ka Jing, sisiguraduhin kong mapapatay na kita sa sandaling malaman kong mali ang sinasabi mo tungkol sa mangyayari sa aso. Naisip ni Lukas matapos ay binasa ang kumikinang sa itim na buhok.

Hindi na rin siya nagtagal sa paliligo at muling itinapis ang kumot. Bumalik siya sa silid kung nasaan ang kanyang kasuotan at doon nagsuot muli ng damit. Maaliwalas na ang kanyang pakiramdam at wala man sa bukabularyo niya ang salitang ngiti ay napangiti siya sa hindi niya malamang dahilan.

Siguro dahil sa sandaling ito'y maari na siyang kumain at magliw-aliw gamit ang pera niya mula sa pagiging hari ng mga bandido kaya naman agad siyang tumakbo paalis ng lugar at nagpunta sa bilihan ng mga mensaherong agila.

Dalawang Haring Nagmahalan (2014)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon