Diwata

338 15 3
                                    

Dalawang Haring Nagmahalan

-Ika siyam na pagmamahalan

Diwata

Sa murang edad ni Yukito'y nakita niya ang kaguluhan ng kanyang mundo noong siya'y nasa Yamato.

Habang nakatingin sa labas ng isang kubo sa lugar na pinagtataguan nila kasama ang isang mapagkakatiwalaang kaibigan ng kanyang ina'y nakatanaw siya sa kalangitan. Pinagmamasdan ang mga bituwing huli niyang nasilayan sa noong pyesta kasama ang kaniyang ama. Ang amang nais niya ngayong ipaghiganti sa taong pumatay dito na sinabi ng kaniyang ina na isang taong tagaDanton, bansa ng Tsina.

Labing anim, iyon ang kaniyang kasalukuyang edad subalit sa edad na sampu ay namayapa na ang kaniyang ama. Gustuhin man niyang pumunta sa Danton, hanapin at kitilan ng buhay ang taong pumatay sa kanyang amang hari ay hindi niya magawa, wala siyang impormasyon, tauhan at kaibigang makakatulong sa kanyang pag-alis sa lupang sinilangan ng kanyang ina. Ang Pilipinas.

"Mabuti pang matulog ka na't marami pa tayong gagawin bukas. Hindi ka prinsepe dito pakatatandaan mo iyan. At sa pagkakataong ito ikaw si Juan Bonifacio ang aking anak sa namayapa kong asawa." Tiningnan lamang ng binatang prinsepe ang babaeng dating kasamahan sa pagtitinda ng tela ng kaniyang ina na ngayo'y siya na daw ina nito. May kasungitan itong taglay lalo pa kapag nangungulit siya dito noong kabataan niya subalit sobrang bait nito at nais lamang siyang mapabuti.

"Maraming salamat sa pagaalaga sa akin Inay Cariniosa subalit hindi mo maiaalis sa akin ang pagaalala kay ina habang narito ako't malayo sa kaniya." Puno ng sakit, pangungulila at pananabik ang mga salitang sinabi ni Yukito na ngayon ay Juan Bonifacio matapos tingnan sandali ang babae saka muling bumalik sa pagdungaw sa kahoy na bintana.

"Sya na't matulog ka. Alam mong hindi nais ng iyong inang mapuyat ka. Magagalit din ang iyon ama." Babala ng ginang subalit naikuom muna ni Yukito ang kamao saka pahapyaw na ngumiti at dumerestsyo sa kanyang silid.

Hindi tulad ng kanyang silid sa palasyo, labis na lamig ang kanyang nadarama ngayon. Pinagpatong-patong na lamang ni Cariniosa ang mga kumot at tela para maginhawahan si Yukito sa kanyang malamig na gabi kaya naman kinabukasan ay labis na pasasalamat ang ipinahatid ni Yukito kay Cariniosa sa pamamagitan ng mga yakap.

Noong umaga ring iyon ay tinuruan ng mga taga baryo si Yukito kung paano magtanim. Alam ng lahat na ito ay isang prinsepe at dahil lahat ng narito ay malaki ang pasasalamat sa ina ni Yukito na si Consorcia o mas kilalang Mimiko; lahat ay sumumpa na hindi magtataksil sa ngalan ng reyna ng Yamato.

Bwan pa ang lumpas ng nagpasama si Cariniosa kay Yukito na pumunta sa bayan. Sa panahong iyon ay gamay na gamay na ni Yukito ang punto, pananalita at himig ng mga taga Pilipinas at madali na rin niyang naiintindihan ang mga pananalita ng mga ito.

Bawal man sa isang Yamato ang maikli ang buhok ay nagawa na rin niyang ipaputol ang mahabang buhok na iyon. Umaasang wala ng kahit anong bahid ng pagiging hapones ang nasa kaniyang mukha subalit dahil sa kaniyang kulay ay may ilan pa ring nakakapansin kaya naman ganoon na lamang ang kagustuhan ng lahat na pagbabarin sa init ng araw si Yukito at sa wakas nga'y nagawa nilang maitago ang prinsepe ng Yamato hanggang nagsidatingan na ang mga mananakop sa bansa.

Dumanak ng dugo sa bawat bayan. Takot ang nararamdaman ng mga taga baryo kung nasaan si Yukito. Noong gabing sila na sana ang susugurin ng mga taga ibang bansa ay may isang diwatang puti ang buhok ang lumapit sa kanilang nayon. Maluwag ang kanyang kasuotang kulay puti at walang kaparis ang angking kagandahan.

Lahat ay namangha subalit natakot si Cariniosa sa maaring katauhan ng diwata. Ngumti lamang ang diwata at patuloy na nakatitig kay Yukito. Inihaba nito ang kamay at nagsalita sa lengwaheng hindi naintindihan ng karamihan habang si Yukito nama'y naiintindihan iyon.

"Sumama ka sa akin. Ililigtas kita." Iyon ang sabi ng diwata.

Parang nahumaling sa ganda ng diwata ang prinsepe at sa paningin ng mga taong hindi nakaintindi ng lengwahe. Samantalang ang prinsepe ng Yamato ay napapaisip kung posibleng ang taong ito ay taga-Tsina. Hindi kasi ito naniniwala sa mga pamahiin at mga diwata kaya gayon ang pag-iisip niya.

"Sumama ka sa akin at magagawa kong ipakita sa iyo ang matagal mo ng inaasam. Paki-usap." Muling sabi ng diwata na siyang ikinaalarma ni Cariniosa ng humakbang palapit si Yukito.

Mabilis niyang hinila ang braso ng prinsepe.

"Protektahan niyo ang prinsepe." Utos nito kaya kahit takot ang mga kalalakihan ay nagsiharang sila sa harapan nito.

Naglabas ng espada ang diwata at ikinagulat iyon ng lahat. Nangatog ang mga tuhod at ang ilan ay napaupo sa lupang kanilang sinasaka.

"Kung gusto mo silang mabuhay, sumama ka sa akin." muling sabi ng diwata na ngayo'y desperado ng makuha siya dahilan para ikinakuom ni Yukito ang kaniyang kamao sa galit patungkol sa mga sinabi ng diwata.

Alam ng prinsepe ang makakabuti kaya hindi na siya nagdalawang isip at hinarap ang tagapangalaga.

"Inay Cariniosa. Ang hangad ko'y inyong kaligtasan kaya sasama ako sa kaniya. Kung gusto rin niyo akong maligtas ay kailangan kayong sumang-ayon." Agad na umalma ang mga mamamayan ng marinig nila ang sinabi ng prinsepe.

"Hindi maaari. Magiging alipin ka nila at baka hindi na makabalik pa." Kunot-noong sabi ng isang aleng nagturo sa kanya kung paano magtuyo ng mga nahuling isda.

"Ang iyong kaligtasan ang mas mahalaga kaya kahit isakripisyo namin ang aming buhay ay gagawin namin." Mula naman iyon sa isang matipunong magsasaka.

"Hindi. Hindi ko hahayaang dumanak ang dugo dahil lamang sa akin. Nangangako siyang hindi kayo sasaktan kapag sumama ako sa kanya." At sinabi nga ni Yukito sa salita ng diwata ang tungkol sa kaligtasan ng kaniyang mga kanayon.

"Pumapayag ako." Saad naman ng diwata kaya tumango si Yukito at humakbang muli. Nakahakbang lamang siya ng tatlo ng may isang dalagang kulot ang mahabang buhok na kulay tsokolate ang umakap sa kaliwang baraso niya.

"Paki-usap manatili kang ligtas. Hindi ko alam ang gagawin ko kung sakaling masawi ka." Salubong ang mga kilay ng dalaga at maluha-luha na ng sabihin niya iyon.

Tumango si Yukito. Masyado siyang napalapit sa dalaga't may pagtatangi na siya para rito pero kahit masakit na iwan ito'y marahan niyang inalis ang mga kamay sa mga braso niya't hinalikan ang noo ng babae. Pumikit lamang ang babae kasunod ng pagtulo ng kanyang mga luha. Dinama ang halik ng prinsepeng alam niyang hindi na muli pa makikita. Nasasaktan sa sandaling pagkakataong kakarampot na naibigay para sa kanilang dalawa.

"Hulyeta, ako'y nangangakong magbabalik para sa iyo." Bulong ni Yukito sa salitang hapones na siyang hindi naintidihan ng babae. Akala nito'y isang good luck words lamang iyon mula sa prinsepe.

Kinuha na ni Yukito ang kamay ng diwata at tumakbo sila pakanan, papunta sa kakahuyan hanggang marating nila ang malawak at malaking ilog kung saan konektado sa dagat pasipiko. Doon ay may naghihintay na isang maliit na bangka at sa dagat nama'y ang isang malaking barko na pag-aari ng hari ng Danton.

Walang kaalam-alam ang prinsepe ng Yamato na ang diwatang sumundo sa kanya ay walang iba kundi ang hari ng Danton na si Yael Jing Song ang lalaking patuloy pa ring umiibig sa kanyang ama hanggang sa ngayon.

--------------12-10-2015 8:02 PM

Vote and Comment.

Sorry medyo maikli sana worth it.

Hulaan niyo kung anong mangyayaring kasunod. ^w^

~runesaito

#kehxrune

F<61

Dalawang Haring Nagmahalan (2014)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon