Ang Tatlong Reyna ng Danton

289 10 3
                                    

Dalawang Haring Nagmahalan

-ika labing-apat na kabanata

Ang tatlong Reyna ng Danton



Kinaumagahan isang katok sa pintuan ang gumising sa natutulog na si Yael.

"Kamahalan? Kamahalan mahuhuli na po kayo. Ipinatatawag po ng Hari ng buong Tsina ang lahat ng mga opisyal at Hari ng nasasakupan niya sa punong Kapitolyo." Bahagyang malakas ang boses ng lalaking tagapangasiwa. Ang lalaking ito ang tagapangasiwa na madalas natatakasan noon ni Yael noong bago pa lang siya sa pagiging Hari ng Danton.

Sandaling naginat-inat si Yael saka tiningnan ang binatang natutulog sa tabi niya. Sandali lamang itong gumalaw para magpalit ng posisyon saka mahimbing pa ring natutulog. Napangiti doon si Yael at umalis sa pagkakatakip ng kama ganyon pa man, natigilan siya sa nakita niyang dugo sa kama. Alam niyang naging marahas siya kay Yukito matapos niyang magawang paluwagin ang butas nito dahilan para masira ng husto si Yukito pero hindi ito nagreklamo.

Kaba at panandaling takot ang dumaan sa mukha ng hari pero mabilis iyong nawala ng kumatok muli ang tagapangasiwa. Ilang sandali pa'y narinig na rin niya ang boses ng punong Ministro.

Isa pa itong matandang ito. Kadarating ko lang kung anu-ano ng pinapagawa sa akin. Bakit ko nga ba ulit tinanggap ito? Ah, dahil ako ang natatanging tagapagmana.

Inayos na niya ang panloob niyang kasuotan saka lumabas ng silid.

"Kapuputok pa lang ng umaga, ang aga mo na agad pumutak tanda." Asar na sabi ng Hari pero napingot agad siya ng Matandang Ministro dahilan para mabigla ang punong tagapangasiwa at paalisin siya ng Ministro. Hindi naman ito agad na umalis dahil kailangan niyang maibigay sa hari ang mga kasulatan at nakita iyon ng punong ministro dahilan para kunin agad ito ni Yael para paalisin ang nasabing katiwala. Hawak pa rin ng ministro ang tenga niya at inalis lamang ng tuluyang makaalis ang taong iyon na sanay rin naman sa mga ganoong pangyayari sa pagitan ng hari at nagsisilbing ikalawang ama nito na punong ministro.

"Hanggang kailan ka ba magbabata-bataan sa harap ko kamahalan?" asar na wika nito na ikinangisi ng hari at umakbay sa matanda.


"Hanggang buhay ka, gusto kong magpaluho mula sa iyo." Masayang wika nito.


Magbabakasyon na talaga ako ng matagal. Isip-isip ng matanda.

"Bilisan mo ng gumalaw at kailangan mo ng magpunta sa sentro." Utos nito pero sumimangot lang ang hari na para bang nagbabalik sa pagiging bata dahil isang matandang mahal na mahal niya bilang ama ang kaniyang nasa harapan.

"Pero kadarating ko lang kahapon isa pa'y gusto kong makasama ang dala kong bisita." Paangal nito pero sinamaan lamang siya ng tingin ng ministro dahilan para saaman din niya ng tingin ito at mapabuga na lang ng hangin ang nasabing matanda. Sa huli kasi'y si Yael Jing Song pa rin ang hari ng Danton at kung totoo ang kaniyang hinala sa magiging pulong siguradong siya ang susunod na hari ng buong Tsina.

"Kahit kailan ka talaga Jing. Mabilis ding matatapos ang isang araw doon sa sentro. Kailagnan kayo ng hari dahil sa digmaan at kung hindi ka pa maliligo baka ako na kumuha diyan sa bisita mo't iregalo ko sa hari sa pag-alis ko." Walang imik na binuksan at sinaraduhan ni Yael ang pintuan at wala pang isang minuto ay lumabas din ito dala ang mga bagong kasuotan at umakbay sa ministro papuntang palikuran.

"Tara na baka mahuli pa tayo. Tulungan mo akong maglinis ng katawan." Usal nito at ang ministro mismo ang inutusan niyang maglinis ng katawan niya.

Dalawang Haring Nagmahalan (2014)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon