DHN SPECIAL CHAPTER

312 9 4
                                    

Dalawang Haring Ngmahalan

-Special Chapter

Pampublikong Banyo(2016)

Unang bwan ng taong dalawang libo labing anim, kasalukuyang naghahanda sa muling pagsabak sa pagtatrabaho si Lukas Cabuenios Elalto sa kaniyang napiling larangan. Ang pagiging beterenaryo.

Isinuot na niya ang suit na itim tulad ng madalas niyang ginagawa para siyang si J ng Men in Black movie sa angkin niyang kaangasan. Lahat ng tao sa kaniyang simpleng bayan ay humahanga sa kaniya, nagpupugay lalo pa't ito lamang ang natatanging doktor ng mga hayop sa payak na bayang iyon.

Nakangiti siyang tiningnan ang sarili sa malaking salamin at nakikita pa niya ang sariling nakasuot ng puting lab coat, mask at hand gloves halatang-halatang gusto na niyang puntahan ang pasyenteng baka na manganganak na ngayong araw.

Dali-dali siyang pumunta sa labas ng kaniyng bahay at sumakay sa paboritong sasakyan, ang skate board. Sementado na naman ang daanan at kung hindi naglalakad ang mga tao ay nakabesekleta lamang kaya halos walang polusyon sa lugar na ito. Ilang sandali pa'y nagkawayan na sa kaniya ang lahat ng mga taong bayan, nagagalak na makakita ng isang poging doktor ng mga hayop, walang kasintahan, walang asawa at lalo ng walang anak.

Lahat ay nagnanais magkaroon ng relasyon sa kaniya, mapababae o lalaki subalit wala siyang interes dahil ang interes niya ay nasa mga hayop.

Nakarating na si doktor Lukas sa kaniyang dinayuhan. Nakita niyang parang nahihirapan na nga ang baka kaya dali-dali na niyang isinuot ang mga kailangan niyang isuot. Mask, gwantes, coat maging bota sinuot na rin niya. Ilang sandali pa'y, "Hayan na! Hayan na Margie sige lang hawak ko na ang paa!" natutuwang sabi ni Doktor Lukas saka hinikit ang batang baka.

"MOOOOOOOOOOOOOOOOO" atungal ng hayop saka nailabas ang batang baka na napahiga pa kay Lukas dahilan para magdumihan ito at lumangsa dahil sa batang baka. Iniaayos ni Lukas ang batang baka sa tabi ng ina nito't saka dahan-dahang umalis.

Nanuod ang lahat ng naroon sa unang beses na pagtayo ng batang baka. Ilang sandali pa'y puno na ng mga luha ang mata ni Lukas dahil maayos niyang nailabas ang bata sa pinanggalingan nito at parehas ligtas ang batang baka at ang ina nito. Isang bagay na hindi niya alam kung mangyayari sa kaniya. Ang magkaroon ng isang anak. Kahit na isang lalaking anak lamang.

Binigyang papuri ng mga tagaroon ang doktor ng mga hayop at inayayahang kumain muna o magbihis agad namang tumanggi ang doktor at nagsabing may pupuntahan pa siya kaya dali-dali niyang kinuha ang isang backpack at skateboard saka umalis sa lugar.

"Sayang naman akala ko masisilipan na natin ang doktor." Sabi ng isang dalaga at nagsang-ayunan naman ang mga mamayan ng Farm.


"Tingin ko talaga may naiwang lover yang si doktor Elalto sa maynila kaya ganyan yan." Tsismis naman noong isang lalaking nag-aalaga sa mga kabayo dito sa hasyenda.

"Naku huwag naman sana lahat pa naman tayo nagnanais na mapansin niya." Dasal ng isang byudang babae saka sila nag-alisan.

Samantala ang pinaguusapang doktor ay dumeretsyo sa isang pampublikong banyo sa isang pampublikong parke na hindi na madalas pinupuntahan ng mga tao. Minabuti niyang dito magpunta upang walang sino man ang magnasang manilip sa kaniya habang nagpapalit ng damit. May tubig pa rin ang pampublikong banyo kaya naisipan na ng doktor na maligo dahil may dala naman siyang sabon.

Habang naliligo ito hindi niya napansing may tatlong kalalakihang pumasok sa palikuran ang isa'y dumeretsyo sa isang cubicle at umihi samantalang ang dalawa ay dumeretsyo sa lugar kung nasaan ang doktor ng mga hayop na si Lukas.

Dalawang Haring Nagmahalan (2014)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon