Dalawang Haring Nagmahalan
-ika-dalawampu't tatlong Kabanata
Ikaw at Ako
Yukito Jing Nishii
Mataas ang sikat ng araw. Kasalukuyang madami ang mga cherry blossoms sa kalsada ng Amajo at ganoon din ang mga tao dito. Dalwampong taon na rin mula noon. Mukha na akong matanda ngayon at ganoon din ang taong mahal na mahal ko. Mainit ang sikat ng araw at halos pagpawisan ako habang nakadungaw ako sa aking bintana at tinitingnan ang mga mamamayan ng Yamato.
"Ohayou gusaimasen!" sigaw ko sa kanilang lahat at kinawayan nila ako na sinasabihan din ako ng magandang umaga.
Napakasaya ng aming buhay sa lugar na ito. Nagtatago pa rin ako bilang isang lalaking nagmamahal sa kapwa nya lalaki pero sa pagkakataong ito hindi ko ginawa ang kamalian ng aking ama. Heto ako't masaya kasama ang mga mahal ko, hindi bilang isang prinsepe kundi bilang isang tao.
Si ina, nagkaroon ng panibagong anak na babae kay ama bago pa man ito tuluyang umalis sa aming bansa para pumunta ng tsina at doon na manirahan. Nakakatuwa ang kapatid kong babae na palaging nasa palasyo at hindi pupwedeng dumalaw dito kaya minsan dinadalaw ko sya doon kasama ang taong mahal ko, si Xing Ping Song.
"Ayos ka lang ba snow?" kasabay ng ngiti ko ang pagsinghot ko ng medyo malamig na hangin at pakiramdam ko'y dahan-dahan iyong nangyayari kasabay ng pagharap ko sa taong mahal ko.
"Bell." Nakangiti kong binanggit ang tawag ko sa kanya. Di tulad noon, maikli na ang buhok nya at nakataas ng tulad ng sa akin.
Uso ngayon ang buhok na halos kalahati'y kalbo at may nakapatong doon na buhok. Mga mandirigma ang madalas may ganitong buhok pero pinili naming gawing ganito ang buhok namin. Tanda ng tapos na kami sa kaguluhan sa aming mga buhay.
Kapatawaran ang tanging sulusyon sa mga kasalanang nagawa namin. Mahirap mang tanggapin, magpatawad at makalimot; pinilit namin iyong isantabi para sa sarili naming pagmamahalan. Masakit, naroon pa rin ang sugat ng nakaraan, ang kataksilan at kasinungalingan pero heto kami matapos ang dalwampung taon, magkasama at masaya sa isa't-isa.
"Anong ginagawa mo? Bakit ganyan ang suot mo? Parang may dadaluhan kang kasiyahan." Natatawa ako ng kaunti dahil suot nya ang kasuotang isinusuot lamang ng mga maharlika kapag may espesyal na kaganapan.
Ilang sandali pa'y lumapad ang ngiti nya't umakbay sa akin. Alam ng mga tao dito na sya lang ang kasama ko, pinakilala ko syang pinsan ko sa aking ina at hindi naman halata sa kanya ang pagiging tsino dahil sa bagong buhok nya. Nakakagalak na tanggap sya ng bayang ito at masaya kaming nakakalabas. Yon nga lang hindi pwedeng maghawak ng kamay. Tangging akbay at pasimpleng yakap lamang.
"Dahil kailangan ng Nippon ang kanilang prinsepe at nagkataong ako ang mensahero ng reyna kaya pinapapunta nya doon ang panganay nyang anak." Nahawa na rin ako sa malapad nyang ngiti.
Kakaiba talaga ang mahal kong ito, si Bell na noo'y alam kong hindi ko magugustuhan ay narito sa aking tabi't nanatiling aking iniirog. Isang lalaking tumaggap sa akin kahit na naibigay ko na sa kanyang amang tiyo ang aking sarili'y nagawa nga nya akong tuluyang tanggapin.
Alam ko sa sarili ko na blood is thicker than water. Alam kong may tampo pa rin sya sa akin dahil sa pagtarak ko ng aking sandata sa kanyang tiyo, dahilan na rin para sumama sya sa akin dito sa Yamato. Pinilit kong hindi maging pabigat sa kanya. Pinilit kong kunin muli ang pag-ibig nya na palagi palang nasa akin lamang.
Alam kong may hinanakit pa rin sya sa akin at ganoon din naman ako sa pamilya nya pero tulad nga ng sinabi ko, isinantabi namin iyon para sa aming pagmamahalan. Minsan naiilang ako sa kanya pero agad nya akong yayakapin at ipapadamang wala na sa kanya ang sakit na dulot ng digmaan noon sa Danton.
BINABASA MO ANG
Dalawang Haring Nagmahalan (2014)
Narrativa StoricaAno ba ang PAGMAMAHAL? Ito ba ay para sa magkaibang kasarian lamang? Ito ba ay para sa isang hayop, bagay o tao? Ano ang basehan ng mga ito? Ano ang susi para makuha ito? Ito ay tungkol sa dalawang HARI na may magkaibang antas sa lipunan; isang hari...