11- Litrato

427 13 33
                                    

Dalawang Haring Nagmahalan

-ika labing-isang kabanata

Litrato

Habang nasa barko'y nagawang kalikutin ni Yael ang damit ng binata at mula doo'y nahulog ang isang litrato. Isang magandang babae isang lalaki at isang batang nakatalikod na may mahabang buhok. Pinagtakahan niya ang litrato pero ipinaliwanag iyon ni Yukito.

"Iyan ay litrato ng aking ama at ina at ako ang batang may mahabang buhok sa kanilang likuran. Na mangha ako sa binatang nasa gawing likuran namin subalit hidni naabot ng litrato. Iyon ang unang araw na nalaman kong nagmana ako sa aking ama."

Tinitigan ni Yael ang litrato at saka kinamanghaan ang naging itsura ni Lukas noong ito'y nabubuhay pa. DI tulad noong siya ang kasama nito'y mayroon na siyang kumikinang na mga mata. Masaya ang bawat ngiti kasama kaniyang pangalawang minamahal.

"Narinig ko sa kanilang dalawa na kamukha si Ina ng taong nasa kuwento ni ama at ngayong nakita na kita, totoo nga ang sinabing iyon ni ama." Hindi makapaniwala si Yael sa naririnig mula sa binata.

Hindi maubos sa kaniyangisipan na siya pa rin ang minamahal ni Lukas hanggang sa pagpili nito ng pakakasalan at mapapangasawa. Labis na saya ang kaniyang nararamdaman pero mabilis nawala ng halikan siya ni Yukito sa mga labing iyon. Halik ng isang baguhan na walang ano mang saplot sa katawan.

Mabilis na umalis si Yael sa halik na iyon at pinagpatuloy ang pagbibihis. Ilang sandali pa'y dumating ang isang kawal at napatakip sa kaniyang katawan si Yukito habang iniiabot ng kawal kay Yael ang isusuot ni Yukito.

"Isuot mo ito, malapit na tayong dumaong." Tanging nasabi nito at pinanuod magbihis ang anak ni Lukas. Sa kaniyang panunuod ay hindi pa rin mawala sa kaniyang isipang parehas nga ang mag-amang Lukas at Yukito.

Dumaong na ang barko ng Hari ng Danton sa isang daungan sa tsina. Nakatingin ang lahat ng mamamayan doon kasunod ng pagbaba ni Yael Jing Song kasunod lamang si Yukito Nishii suot ang kasuotang tulad ng suot ni Yael liban na lamang sa nasa balikat nitong tanda na siya'y hari ng tsina.

Iba ang pakiramdam ni Yukito habang tinititigan sila ng mga tao sa baba ng barko.

"Kinakabahan ka?" tanong ni Yael dito pero walang naisagot ang prinsepe ng mga Yamato. "Hindi mo dapat iyan pagtuunan ng pansin. Kailangan mong maging ligtas sa ngayon." Hahawakan sana ni Yael ang kamay ni Yukito ng maalala niya si Lukas at hindi niya naituloy ang gagawin. Sa halip ay nauna na lang siyang bumaba habang ang ilan sa mga kawal ay pilit silang itinatago sa sambayanan.

"B-Bakit kailangan mo akong iligtas?" tanong ni Yukito ng makasakay sila sa kalesang may bubong at tabing sa bawat pagitan. Dahil sa kalesang iyon ay lalong nagtaka ang mga tao sa paligid may ilan pang nagbubulungan ung sino ang nasa loob ng opisyal na kalesa ng kamahalan.

"Alam mo ang sagot sa tanong mo." Malamig na sagot ni Yael at tumingin sa labas, hindi kayang makita ang anak ng taong pinakamamahal niya lalo pa't alam niyang may ginawa siyang pagtataksil kay Lukas dahil sa pakikipag-isang katawan niya sa anak nitong si Yukito na hanggang ngayon ay wala siyang balak alamin ang pangalan.

"Pero bakit? Bakit ang dahilan ng pagliligtas mo sa akin ay dahil lang anak ako ng aking ama? Iniisip mo bang isusuko ko sa'yo ang sarili ko katulad ng ginawa niya noon dahil sa pagmamahal niya sa iyo?" hindi napigilan ni Yukito ang galit niya sa pagkakataong iyon. May kung ano sa puso niya na nagagalit sa sitwasyon subalit hindi niya matukoy kung ano iyon.

Kunot ang noo niya at nakatitig ng masama kay Yael kahit na hindi ito nakatingin sa kaniya. Ilang sandali pa siyang nakatitig dito saka lamang siya hinarap ni Yael at nagtagpo ang parehas na inis nilang mga mata.

Dalawang Haring Nagmahalan (2014)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon