Makita kang Muli

384 16 3
                                    

Dalawang Haring Nagmahalan

-Ika sampung kabanata

Makita kang Muli

Yael Jing Song

++++++++++++++++ <3 <3 <3 <3 <3 Yael Jing Song <3 Lukas Cabuenios <3 <3 <3 <3 <3++++++++++++++++

Puso'y nagdurusa, nangungulila. Iniisip ka 'pag nag-iisa. Inaalala mga sandali nung tayo ay magkapiling. Ikaw ang gabay sa habang buhay. Ikaw ang ilaw sa gabing mapanglaw, tanging ikaw.

Ipaglalaban ko ang ating pag-ibig. Maghintay ka lamang ako'y darating. Pagkat sa isang taong mahal mo ng buong puso, lahat ay gagawin. Makita kang muli. Makita kang muli.

++++++++++++++++ <3 <3 <3 <3 <3 Yael Jing Song <3 Lukas Cabuenios <3 <3 <3 <3 <3++++++++++++++++

Kay tagal na. Naalala ko pa iyong mga sandaling nagpunta ako sa iyong bundok at nagpanggap na babae. Naalala ko pa na parang kahapon kung paano ako magalit sa iyo dahil sa karumaldumal na krimeng ginagawa mo sa mga kababaihan. Mga kababaihang hindi mo naman pala hinahawakan kahit kailan dahil mga tauhan mo ang gumagawa noon. Sadya lamang inihahanap ka nila ng mapapangasawa subalit labis na nagiging mapili ka hanggang makita mo ang aking taglay na kagandahan.

Labis akong nangungulila sa iyo aking Lukas. Hindi mo lang alam kung gaano ako nanabik sa iyo. Hindi ko na magawang kumain ng maayos dahil tanging ikaw lamang ang aking nasa isipan pati na ang iyong kaligtasan.

Kamusta ka na ba riyan? Masaya ka na kaya sa piling taong lubos na magpapaligaya sa iyo? May mga anak ka na bang nagmana ng sariling kagandahan mo o ang lalaking iyon na taga sa inyo ang naging katuwang mo sa bawat gabing wala ako? Aking Lukas, kung hindi ba ako ang hari ng Danton ay iibigin mo ako higit ng pagmamahal ko sa iyo? Lukas... Aking Lukas.

"Kamahalan malapit na po tayong dumaong sa bansang Pilipinas." Tumango ako sa aking kawal ng sabihin niya iyon.

Pamula ng gawin ni Sean sa akin ang ganoong klaseng pasakit ay hindi ko na siya pinagkatiwalaan. Naiiwan siya palagi sa palasyo upang bantayan ang aking mga babaeng kapatid sa tuwing ako'y aalis para maglibang. Alam ni Sean ang pasakit na ginawa niya sa akin dahilan para ako'y palaging umalis upang mawala sa isipan ko ang aking mahal subalit walang pagbabago, tanging si Lukas lamang ang hinahangad ng aking puso.

Ilang beses ko ring nakikitang malungkot si Sean kapag nakikita akong naglilibot sa palasyo, malamlam ang mukha at walang ganang mabuhay. Wala na ring nakakakita sa akin at ang nakababata ko ng kapatid na si Semion Jung Song ang gumagawa ng mga pagpapasya. Alam din ng aking mga kapatid na babae ang nararamdaman kong sakit at dahil ako'y minamahal nila ng labis ay nakikipagtulungan na sila ngayon kay Semion.

Kung sakaling mayroon mang mabuting naidulot ang kalungkutan kong ito, iyon ay ang pagiging isa ng aking mga kapatid.

Nangyari na rin ang malawakang digmaan at nagawang makapunta ng Yamato sina Sean at Semion kasama ang mga kawal at sundalo. Nagwagi sila sa laban subalit ang sinabi nila'y may isang babaeng pinuno ang mga Yamato na labis ang aking liksi at galing at kung hindi mali ang impormasyong nakalap nila, iyon ay ang asawa ng Hari ng Yamato.

Habang sinasabi ni Sean sa akin ang impormasyong iyon ay may lungkot sa kanyang mga mata. Gusto kong malaman kung ano iyon subalit wala na akong tiwala sa kanya. Inalam ko rin ang katotohanan sa aking kapatid at sinabi lamang niyang napatay nito ang hari ng Yamato na siyang asawa ng tinutukoy na babae.

Hindi nakatingin sa aking mga mata noon si Semion kaya hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung bakit ganoon ang kilos ng dalawa. Pinagmasdan ko rin ang mga nakaligtas sa digmaan at nakita kong lahat sila'y ganoon ang tingin sa tuwing ako'y makikita.

Dalawang Haring Nagmahalan (2014)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon