Dalawang Haring Nagmahalan
-ika labing-limang kabanata
Gulantang na Hari
Naglalakbay na ang hari sakay ng kalesa na may bubung at may mahigit dalawampung kawal sa paligid niya. Tatlong oras ang byahe sakay ng kariton papunta sa mismong sentro ng tsina kung nasaan ang hari ng mga hari. Ang namumuno sa buong tsina. Lahat ay yumukod sa kaniya at prinoprotektahan siya. Marami ang dumalo na kawani ng mga bayan at lugar sa loob ng tsina at isa na nga doon ang hari ng Danton na si Yael Jing Song. Si Haring Song ang nagsisilbing pinakamataas sa lahat ng mga haring naroroon kaya maituturing siyang kanang kamay ng tunay na hari.
Gayon pa man, sa pagupo ni Yael sa kaniyang nakatakdang upuan napansin niya ang isang lalaking namumukhaan niya. Ang lalaking iyon ay walang iba kundi ang lalaking bumuhat sa kaniya noong nagpanggap siyang babae at nagpunta sa bundok ng Lu Cabuenios.
Muling naalala ni Yael ang mga kapusukan niya noong kabataan niya maging kung paano niya hawakan si Lukas ng mga sandaling iyon. Kung gaano siya nasiyahan sa katawang iyon na siya ang nakauna. Sa katawang hanggang ngayon ay pinananabikan niya kahit na nakuha na ng loob niyang wala na ito't si Yukito na ang nais niyang makasama.
Nakatingin ng masama sa kaniya ang lalaki na para bang kasalanan niya kung bakit nagkaroon ng digmaan o kung bakit nawala ng tuluyan ang hinirang nilang hari.
"Mukhang magkakakilala na kayo." Ani ng Hari ng Tsina. Pasimpleng sumulyap si Yael sa lahat ng nakapaligid sa mahabang lamesa at sa nakikita niya'y lahat ay may kakilalang kaaway noon o hindi nagugustuhan.
"Anong ginagawa ng magnanakaw na ito dito kamahalan?!" tanong ng prinsepe ng Xi Yuan at dinuro ang lalaki sa katapat niya.
"Mawalang galang na kamahalan subalit kung ang lalaking ito rin naman ang nasa aking harapan, bubunutin ko na ang aking espada at siya'y kikitilan!" subat naman noong katapat ng prinsepe.
Ganoon na rin ang mga sagutan ng iba pa habang dadalawang pares na lang nina Yael, Deito, Far Lin, at Henzo ang hindi nag-iingay bagay na ikinangiti ng hari.
"Mukhang kalmado pa rin ang mga bandido ng Lu Cabuenios at Guang Jing na alam kong may alitan din sa Hari ng Danton at sa Hari ng Imperio." Ani ng Hari na siyang ikinatahimik ng lahat.
Ang mga hari at bandido na halos alisin na ang sandata sa kanilang kaluban(lalagyan ng espada) ay natahan at naupo na lamang. Pinagmasdan ang apat na taong pinatutungkulan ng hari.
"Narito ako bilang pinuno ng Lu Cabuenios. Tutulong kami para sa kaligtasan ng tsina kung saan dapat ay hindi na nagkaroon pa ng digmaan kung sakaling alam naming may mamagitan sa taong nasa aking harapan sa aking sariling hari." Pikit matang sabi ni Deito sa kamahalan at hindi na tumingin pa sa sino man. Buong pagmamalaki ang pagkakasabi niya noon na para bang sila ang totoong may kasalanan para sa digmaan subalit may parte sa kaniyang sinabi na ipinapatungkol niya sa kamalian ng haring nasa kaniyang harapan ng karelasyunin nito ang sarili niyang hari na si Lukas.
"Ano namang masasabi mo doon, hari ng Danton?" mukhang naintindihan na ng haring si Yael kung bakit sila pinatawag ng hari ng tsina at iyon ay dahil kailangang maging buo ng bawat sulok ng bansa.
Tumingin si Yael sa hari, nagbigay galang at tumingin din sa mga nakapaligid sa lamesa't nagbigay din ng galang bago siya tuluyang magsalita.
"Ang nakaraan ay dapat ng kalimutan. Iyan ang palagi kong naririnig kamahalan. Pero sa pagkakataong ito, mukhang kailangan nga talagang Harapin ang katotohanan. Noong una akong tumapak sa bundok ng Lu Cabuenios. Ginawa ko lamang iyon dahil sa Chivalry. Gusto ko lang magparusa sa mga taong lumalapastangan sa batas at sa aking pamumuno. Alam kong hindi ko sakop ang lugar na iyon pero ang haring si Far Lin ang nagbigay sa akin ng karangalang galugadin ang lugar ng mga bandido. Hindi rin naman lingid sa aking kaalaman na ang tinuturing na hari ng bandido ng aking lugar ay si Henzo ang namumuno at nagkaroon din sila ng alitan noong panahong nakilala ko ang mga bandido ng Lu Cabuenios.
BINABASA MO ANG
Dalawang Haring Nagmahalan (2014)
Historical FictionAno ba ang PAGMAMAHAL? Ito ba ay para sa magkaibang kasarian lamang? Ito ba ay para sa isang hayop, bagay o tao? Ano ang basehan ng mga ito? Ano ang susi para makuha ito? Ito ay tungkol sa dalawang HARI na may magkaibang antas sa lipunan; isang hari...