Ang agilang Lukas Cabuenios

1.1K 41 13
                                    

Pabagsak ibinaba ng dalawang bandido ang haring Jing pati na ang heneral. Halos matumba ang heneral sa mabilis na paggalaw.

"Kuya, kuya. Hali ka't tingnan mo ang magandang bagay na dinala namin." Nakangiti ang dalawa habang inaanunsyo iyon ng bandido. Nanatili naman sa natatakot na posisyon ang hari at heneral n'ya bilang pag-arte.

Nawala sa pagtuuturo ng plano ang hari ng mga bandido at bahagyang tumingin sa kanila. Inis naman sa nangyari ang katabi ng naturang hari sa pagpigil na iyon.

Makisig ang lalaki, may mahabang itim na buhok at nakakaakit na labi. Matalim ang kanyang mga mata subalit parang mabait talaga ang kabuuang itsura niya.

"Siya siguro ang agila. Mas mukha pala s'yang desente kaysa sa inaakala ko." naisip ng haring Jing Song habang patuloy na nakatingin sa lalaki. "subalit, ang kanyang pilyong paguugali ay talagang nagpukaw sa mga tao para kasuklaman siya."

"Bakit may kababaihan nanaman?" Seryosong tanong ni Lukas sa kanila. Nakatingin siya kay Yael habang sinasabi ang mga ito.

"Kapatid, ang dalawang ito ay may mataas na antas. Sila ay may talagang tunay na kagandahan." paliwanang ng lalaking may bandana sa uli kasabay pa ng pag-galaw ng kamay niya.

Tiningnan ni Lukas si Sean at saka nagtanong. "Kagandahan?" Nainis naman doon si Sean dahil parang minimenos siya ng hari ng mga bandido.

"H-Hindi 'yan, itong isa." paliwanag muli ng lalaki.

Nanatili lang sa ganoong posisyon si Yael at ng makalapit si Lukas ay agad na napataas ang kamay nito hanggang labi niya. Itinaas ni Lukas ang tela na nakatakip sa mukha nito upang malaman kung totoo nga ang sinasabi ng kasamahan.

"Talaga?"

Noon din ay nakita nila ang kagandahan ni Yael at lahat ng tao doon ay namangha.

Nakatinginan pa sina Yael at Lukas ng ilang sigundo bago may magsalita.

"Kapatid?"

Walang agam-agam na nagbigay ng pabuya ang hari ng mga bandido. "Pabuya." sabi niya na may pagtaas ng kamay at pinakuha ng pabuya ang isang kasamahan. Agad naman nitong binigyan ang dalawa na sobra-sobra ang ngiti.

"Wah, binabati kita kuya! Dahil sa nakakuha ka ng 'di mapapatanyang kagandahan!"

"Ngayon asawa na kita," kinuha niya ang kamay nito para itayo. Nakangiti pa rin ngayon si Lukas hindi mawala sa kanya ang saya dahil sa nakikita. "At wala ng iba pang babae ang makakahigit sa iyo." pagpapatuloy niya.

"Bilis! Ihanda ang salo-salo para sa kasal! Ngayong gabi, Ikakasal na si Kuya!" masayang sabi ng isa sa kanila.

-----

Kinagabihan nagkaroon ng inuman at kasiyahan.

"Alam ba ninyo? Ang asawa ni kuya ay mayroong natatanging kagandahan, narinig ko na noong sandaling lumapat ang kanyang mga titig sa binibini ay tinitigan pa siya nito na parang hindi natatakot." Masiyang kwento ng isa.

"Tama, tama. Ang makita si Kuya na hindi tumatabi sa mga babae ay inakala kong... may mali sa kanya." natatawang sabi ng kausap nung isang lalaki.

Nagtawanan ang lahat ng mga nakarinig sa birong iyon.

Samantala, patuloy lang sa panunuod at pag-inom si Lukas ng may lumapit sa kanya.

"Kuya, ang gabi ng tagsibol ay mahalaga." bulong nito kay Lukas. "Tingin ko kailangan mo ng magmadali at pumunta sa silid ng iyong asawa, ayaw nating pag-intayin ang bagong asawa ng matagal~" waring may paguudyok sa boses nito. Nanatili lang namang ganoon ang reaksyon ni Lukas at tumingin lamang dito. Namula siya ng bahagya sa naisip at hindi naman ito madaling nahalata ng lalaki.

Dalawang Haring Nagmahalan (2014)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon