Ang Bandido at Maharlika

699 24 12
                                    

Dalawang Haring Nagmahalan

-Pang apat na pag-ibig

Ang Bandido at Maharlika

Sampung araw na ang lumipas matapos magkita nina Semion at Lukas subalit hindi pa rin maalis sa isip ng prinsepe ang mukha ang mga labi nito. Paulit-ulit niyang nakikita ang mukha ni Lukas sa kanyang isipan at naisip niya na sana'y nagawa  niyang itanong ang pangalan ni Lukas noong may pagkakataon siya.

Nakapangalumbaba ngayon si Semion Jung sa isa sa mga bintana malapit sa mahabang daan ng palasyo. Ang palasyong iyon ay kasing ganda ng lahat ng palasyo sa Tsina na pinaliligiran ng mga may natanging kagandahan at kakisigan. Kung saan isa sa mga hinahangaan ay ang natitirang prinsepe na si Semion Jung.

Nasa tulalang sandali pa rin si Semion habang nakatanaw sa malayo kaya hindi nito napansin ang mga dumaang nakatatandang kapatid. Dahil sa pagwawalang bahala ni Semion ay agad siyang itinulak ng isa sa mga nakakatandang kapatid at napatalon siya sa kabila ng bintana. Nadumihan ang kanyang berdeng kasuotan at ikinatawa iyon ng tatlong nakakatandang kapatid niya.

"Masyado kang maraming iniisip kamahalang Jung, mabuti pang magpahinga ka muna sa putikan." Nakataas ang isang kilay, sinabi iyon ni Chin Sue Song ang pinakamatanda sa mga babae niyang kapatid.

Tulad ng kasuotang pang sinaunang tsina ang mga kasuotan ng kanyang mga nakakatandang kapatid malalaki at mahahaba hanggang paa ang kasuotang iyon. Halos magkakamukha rin ang mga kapatid dahil sa koloreteng inilalagay sa kanilang mukha, gayon pa man ay magaganda pa rin ang kanyang mga kapatid.

"Pagpasensyahan niyo na mga kamahalan, binibing Chin Sue, Fei Tsun at Lin Fang. Hayaan niyo't hindi ko na uulitin ang kalapastanganang ginawa ko." Nakayukong sabi ni Semion habang nakaluhod pa rin sa putikan.

"Sige na, magbihis ka na't ipinatatawag ka ng kamahalan, subalit huwag mong kakalimutang isalapid pa ang kanang parte ng buhok mo bilang kalapastanganan sa amin." Mataray na sabi ni Fei Tsun habang nakatakip ang mahabang manggas ng damit niya sa kanyang labi.

"Masusunod, kamahalan." Tangging sabi ni Semion at magkakasunod ng umalis ang mga nakakatandang kapatid. Kasunod din ang mga bulungan ng mga katulong ng mga prinsesa na naawa sa kalagayan ng binatang prinsepe.

Nakayukong tumayo si Semion at inayos muna ang sarili saka dali-daling nagpunta sa kanyang silid upang magbihis. Hindi tulad ng kanyang mga nakakatandang kapatid na babae wala siyang kahit na isang katulong sa paliligo o paghahanda ng isusuot. Tanging tagalinis lang ng silid na bihira niyang makita ang kasama niya sa araw-araw at mga kawal ng palasyo na palaging nasa labas ng kanyang pintuan.

Minsan na niyang sinubukang kausapin ang isa sa mga iyon pero pinapatalsik lang ng mga nakatatandang kapatid na babae ang kawal na kinausap niya kaya minabuti na lamang niyang mapag-isa. Gayon pa man, sa tingin ni Semion ay isa sa mga kawal ang palihim na nakikipagsulatan sa kanya upang sabihin lamang na naghanda na ito ng isusuot ni Semion o 'di naman kaya'y handa na ang pampaligo nito.

Palagi niyang pinasasalamatan ang sumusulat sa kanya at minsa'y nagbibigay siya ng pera subalit hindi ito tinatanggap ng sino mang sumusulat sa kanya.

Mabilis na naligo si Semion sa malamig na tubig hindi siguro alam ng kung sino mang sumusulat sa kanya na nabasa siya ng putik, gayon pa man masaya siya na hindi ito alam ng taong sumusulat sa kanya dahil baka mapahiya lamang siya dito. Mabilis na nagbihis si Semion at pinuntahan si Yael habang nakasalapid na rin ang kanyang buhok sa pangalawang pagkakataon. Nagbigay galang siya kay Yael subalit pagpansin agad ang natanggap niya mula dito.

"Bakit nakaganyan ang buhok mo?" bago pa man makapagpaliwanag si Semion ay sinabunutan na siya ni Yael at inalis ang pagkakaterintas ng kanyang buhok. "Hindi mo kailangang sundin ang mga sinasabi nila." Hinawakan ni Yael ang balikat ni Semion ng sabihin niya iyon. Puno ng pagmamahal ang kanyang mga titig. Kasama na rin ang pag-aalala sa nangyayari sa kanyang mga kapatid.

Dalawang Haring Nagmahalan (2014)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon