Dalawang Haring Nagmahalan
-Pang limang pag-ibig
Sa pagitan ng Hari
Umaga ng araw na iyon, ini-unat ni Lukas ang mga braso habang bumabangon. Naginat-inat na para bang isang musmos sa panibagong panahon. Inayos niya ang kanyang kasuotan at inalis ang kumot na nakaharang tumayo upang buksan lamang ang bintanang medyo nakaawang.
Ngumiti si Lukas ng tumama sa mukha niya ang mainit-init na sikat ng araw at doon niya naalalang ito ang ika-sampung araw matapos niyang magpadala ng mensahe kay Harrie gamit ang agila. Dahil doo'y madali niyang tinungo ang palikuran, naligo at nagbihis ng panibagong damit saka pumunta sa labas upang kamustahin ang bakang pinangalanan niyang Yamato. Tulad ng pangalan ng kinakalakihan ng kanyang mga magulang.
"Yamato, magandang u-Harrie? Bakit narito ka saka bakit mo itinali ang baka ko?!" agad niyang hinikit ang likuran ng damit ni Harrie ng subukan nitong tanggalan ng buhay ang kanyang alagang baka na itinali na ni Harrie ang mga paa at may apoy na rin siyang nakahanda sa di kalayuan.
"KAMAHALAN!! Hindi ko inaasahan na ikaw ang nakatuloy diyan." Parang kumikinang ang mata nito ng hawakan sa mga balikat si Lukas.
"Magtigil ka. Kuya pa rin ang itawag mo sa akin. Baka may makarinig sa'yo." Saway ni Lukas saka inalis ang pagkakatali ng kanyang maliit na baka at saka hinimas ang parteng itinali ni Harrie. "Sinaktan ka ba niya?" tanong nito sa baka na ikinakamot lang ng ulo ni Harrie.
"Wala ka pa ring pinagbago Kuya Shir-" tiningnan siya ng masama ni Lukas. "..kuya Lukas. Mahilig ka pa rin sa mga hayop tulad noon." Sabi nito saka lumapit sa kinauupuan ni Lukas para tingnan lang din ang hayop.
"Hindi naman sa pinagbabawalan kita Harrie pero lugar ito ng kalaban at walang dapat makaalam ng katotohanan tungkol sa akin. Umalis ka na rin dito kaagad kapag nakapagliw-aliw ka na. Ibalita mo sa samahan ang mga nangyayari dito at huwag mo silang papakilusin hanggang wala ako." Mahina lamang na bulong iyon pero ipinangangamba pa rin ni Lukas na baka may nakakarinig sa kanila lalo pa't ito'y kabahayan ng isa sa mataas ang tayo sa lupunan. Isang mayaman na tao ang tingin niya kay Jing kaya ganoon na lamang ang pag-iingat niya para hindi ito makarating sa hari ng Danton.
"Sigurado ka bang walang ibang nakakaalam sa kalagayan mo sa lipunan natin Kuya?" tanong ni Harrie na siyang ikinatahimik ni Lukas. "May nangyari bang hindi ko alam? Labis kasi ang iyong pag-aalinlangan." Tanong pa ni Harrie saka humawak sa kamay ni Lukas.
"W-Wala ito Harrie. Basta't umalis ka na dito sa lalong madaling panahon." Hinawakan din naman ni Lukas ang kamay na iyon na nakahawak sa kanyang kamay.
"Subalit kapag ginawa ko iyon ay maari kang mapahamak. Mahalaga ka sa aming lahat kaya ayaw kong mapasama ang iyong kalagayan." Kunot-noong sabi ni Harrie pero umiling si Lukas.
"Ayoko ng madamay ka pa. Hindi ito ang misyon mo Harrie. Bumalik ka na doon at manatili. Importante ka rin sa akin kaya ako nanatili dito. Kung aalis ka na sa Danton mapalagay ang loob ko at makakabalik ako ng may dangal hangga't inaantay mo ako." Paliwanag ni Lukas na ikinapikit lamang ng mata ni Harrie.
Ilang sandaling nakapikit si Harrie at gustohin man ni Lukas na yakapin ito ay pinigilan niya ang kanyang kamay na sana'y hahaplos na sa ulo nito. Ayaw niyang pakawalan pa si Harrie na naging mabuting kaibigan sa kanya pero ayaw rin niyang mapahamak ito kung sakaling magkaroon ng kaguluhan.
Hindi niya dapat malaman. Nawalan na ako ng dignidad at kapatan kong tapusin na ang aking buhay subalit hanggang narito siya. Hanggang umaasa siyang makakabalik kami sa Yamato ng magkasama, kinakailangan ko ang lunas na iyon. Kinakailangan kong makuha iyon para kay Harrie at makabalik kami sa Yamato ng ligtas.
BINABASA MO ANG
Dalawang Haring Nagmahalan (2014)
Historical FictionAno ba ang PAGMAMAHAL? Ito ba ay para sa magkaibang kasarian lamang? Ito ba ay para sa isang hayop, bagay o tao? Ano ang basehan ng mga ito? Ano ang susi para makuha ito? Ito ay tungkol sa dalawang HARI na may magkaibang antas sa lipunan; isang hari...