Hi po sa inyong lahat.. sana mapatawad niyo ako dito lalo na dahil wala talaga akong climax. yaan niyo.. mahahanapan ko rin ito ng paraan, sa ngayon.. ito muna. <3 <3 thankies
Dalawang Haring Ngmahalan
--ikalalabin-walong kabanata
Importante ka
Bumigat ang mga paghinga, walang naalis na titig, nanghihina pa rin ang katawan ng isa habang ang dalawa'y nagpapalitan ng titig. Ramdam sa lamig ng gabi sa hanging umiihip at tangging tinig ng mga kuliglig ang sumasabay sa indayog ng lamig. Nangangamba si Deito, natatakot si Lukas pero walang ibang dapat tingnan kundi ang nasasaktang kamahalan.
Isang haring di makapaniwala sa kaniyang nasa harapan, walang iba kundi ang hari ng Danton, si Yael Jing Song.
"Imposible. P-Pa-papanong... bakit?" di makapaniwalang sabi ni Yael matapos ng ilang sandali pero hindi nagsalita si Lukas sa halip ay humawak siya sa damit ni Deito. Natatakot sa posibleng gawin ng hari ng Danton at mas natatakot na tumawag ito ng mga kawal at silang dalawa'y saktan kasama ng kaniyang mga kasamahan sa pagiging bandido pati ang prinsepeng kaniyang anak sa Yamato.
"Hindi mo alam na narito siya?" takang tanong ni Deito na inilingan ni Yael. Tiningnan ni Deito si Lukas at nakita niyang hindi maganda sa kaniya ang presensya ni Yael pero hindi ito kumibo at nakipagtitigan pa rin kay Jing. Nakipagpataasan sa hari ng bayang kaniyang kinatatayuan. "Kung ganoon siya lang ang sanhi ng lahat ng ito. Plinano niya ang lahat." Halos bulong na lamang iyon ni Deito kaya nagtanong si Yael.
"Sino? S-Sinong may gawa nito? Si Semion ba? Bakit narito ka Lukas? Bakit sinasabi nina Semion at Sean na patay ka na? Pati ang anak mo'y sinabing patay ka na ayon sa asawa mong reyna? Pinaglalaruan nyo ba akong talaga?!" salubong ang mga kilay ni Yael. Napakagat siya ng kaniyang labi. Nasasaktan siya sa kaniyang nawawari at ayaw tanggapin ang katotohanang namamasdan sa kaniyang harapan.
"Walang kinalaman dito si Yukito, Jing. Wala siyang alam. Paki-usap gagawin ko lahat ng gusto mo pakawalan mo lang ang anak ko." Pilit na bumaba si Lukas at humawak sa damit ni Yael sa may paanan nito para ipakita ang pagkukumbaba niya.
"Aming hari." Biglang nasambit ni Deito ng makita ang ginawa ng kaniyang hari pero hindi ito umalis sa pagkakadapa sa lupang mamasa-masa."Pakiusap Jing. Nakikiusap ako, huwag mo ng idamay pa dito ang anak ko. Huwag mo siyang sasaktan pati ang mga kasamahan ko nakikiusap ako." Tumulo ang mga luha ni Lukas. Nasasaktan habang naiisip na may nangyari na nga sa pagitan ng kaniyang anak at ng taong mahal na mahal niya.
"Hanggang ngayon ba, ganiyan pa rin ang tingin mo sa akin? Isang walang pusong nilalang at kayang gawan ng masama ang isang binatilyo? Hindi ba't dapat ako ang magalit sa'yo dahil sa ginawa mo? Sa mga paratang mo't pag-iwan sa akin?
Lukas, tao rin ako. Nagseselos, nasasaktan, nanghihina." Napailing si Yael doon at saka lumuhod para yakapin si Lukas. "Labis ang pagmamahal ko sa'yo Lukas. Walang ibang makakahigit noon. Akala ko'y totoong wala ka na kaya ako nagtatanong iyon din ang dahilan kaya nagawa kong mahalin ang anak mo. Hindi dahil sa pamalit siya sa'yo kundi nakikita kita sa kaniya. Patawarin mo ako sa parteng iyon aking Lukas at sana naman huwag mo na akong tingnan na para bang kaya kong saktan ang mga taong malalapit sa'yo aking mahal." Yumakap si Yael kay Lukas matapos ng mga sinabi niya't pinangalawahan ni Deito ang mga sinabi niyang iyon.
"Totoo iyon Kuya. Binantaan namin siyang papatayin namin siya pero wala lang iyon sa kaniya. Siya pa ang nagsabing patayin namin siya kung sakaling nagsisinungaling siya sa sinabi niyang patay ka na't narito ang inyong anak. Kaya ngayong alam naming buhay ka, karapatan kong patayin na siya." Pakunwaring bubunutin ni Deito ang kaniyang espada pero agad na yumakap si Lukas kay Yael dahilan para maupo ito sa putikan.
BINABASA MO ANG
Dalawang Haring Nagmahalan (2014)
Historical FictionAno ba ang PAGMAMAHAL? Ito ba ay para sa magkaibang kasarian lamang? Ito ba ay para sa isang hayop, bagay o tao? Ano ang basehan ng mga ito? Ano ang susi para makuha ito? Ito ay tungkol sa dalawang HARI na may magkaibang antas sa lipunan; isang hari...