Kamatayan

319 11 4
                                    

Para kay RenaiSeban ang chapter na ito dahil gusto niya at hiniling niya ito.. matawad mo sana ako kung 30% ko lang nasunod ang gusto mo.. naawa ako sa kanya eh. Hehehe.. Napapaisip pa ako kung gagawan ko ng madugong pagkamatay yung tao kaya lang... ayoko sa horror eh. (Consider blood as horror) lol. XDDDD


Maraming Maraming salamat at kung okay lang sana magawan mo ng sarili mong version ang killing part para sa character na iyon. ^__________^ aabangan ko  kung gagawan mo o hindi. Maraming Salamat. ^_____^


Dalawang haring Nagmahalan

-ika-dalawampu't isangKabanata

Kamatayan

Nakatutok ang mga sandata, napalibot ang iba't-ibang klase ng mga kakampi ng Yamato. Maging ang mga bandidong pinamumunuan ni Lukas noon ay narito din at nakapaligid sa mga kawal ng Danton. Kitang-kita na ang sinosuportahan nila ay ang mga Yamato at hindi ang mismong mga kababayan nila dahil sa pamumuno at pagliligtas nila sa kanilang haring si Lukas laban sa mga tao dito sa palasyo ng Danton.

"LUMABAN KA! Tumayo ka't labanan mo ako!" sigaw ni Yukito habang nakatutok pa rin ang espada sa hari ng Danton.

"Yukit—" naputol ang sasabihin ni Lukas ng makita niya ang kaniyang asawa na nakalugay ang mahabang buhok at nakatingin sa kaniya. "Mimiko." Tanging nasambit ni Lukas habang nakatingin sa reyna ng Yamato. Nasa mukha pa rin niya ang bakas ng kanyang mga luha habang nakatingin sa kanyang asawa.

"Mukhang maayos ka naman dito at kasama pa ang taong mahal mo." Kita sa mga mata ng reyna na ikinahihiya niya ang hari ng Yamato dahil sa mga luha sa mata nito.

Alam ni Mimiko na may kalambutang taglay ang kanyang asawa hindi naman niya naisip na iiyak ito sa harap ng maraming tao.

"Wala ka na ba talagang kahihiyang natitira? Shirotani?" dumagundong ang mga salitang iyon sa buong nasasakupan ng palasyo kasama ng malalim na paghinga ng reyna dahil sa pagpipigil ng galit. Subalit walang nagawa iyon para mapigilan niya ang sariling sampalin ang nakaluhod na asawa.

Nagsalita ng hapones si Mimiko at agad na sumugod ang mga ninja. Umikot sila sa ere ng tatlong beses at lumapag sa gitna ng bilog para lang kunin si Lukas at maitakbo agad ito palayo sa lugar. Ganoon na lamang ang naging gulat ni Yael sa pangyayari kaya mabilis niyang binunot ang espada ng isa sa mga kawal at akmang hahabulin ang ninja ng harangangan siya ni Yukito.

"Lukas!" sigaw pa nito pero iniikot ni Yukito ang sandata at nakiramdam na sila kung sino sa kanilang dalawa ang unang susugod. Pasalin-salin ang tingin ni Yael kay Yukito at sa tumatakbong mga ninja.

Ilang sandali pa'y sumigaw ang hari ng Danton. "Ping! Kunin mo si Lukas!" sigaw ni Yael pero ng tumingin sa lugar kung nasaan si Xing Ping ay wala na ito doon dahil tumatakbo na rin ito papunta sa itinatakas na hari.

"Ako ang kalaban mong hayop ka!" sigaw ni Yukito at unang sumugod sa hari.

Nagtama ang mga sandata nila at pilit na itinutulak ni Yukito ang sandata sa mas nakakatanda sa kaniya. Dalawang kamay ang paghawak ni Yukito sa kaniyang sandata at halatang hirap na hirap sa pakikipagtagisan ng lakas habang si Yael naman ay hindi makikita ng kahinaan sa kaniyang mukha kundi pag-aalala habang isang kamay lamang ang pinapanghawak niya sa kanyang espada.

"Hindi ko gustong saktan ka Yukito." Saad ni Yael pero lalo lamang nainis si Yukito. Itinulak ni Yukito ang mga espada nila at saka siya tumalon palayo subalit nanatili ang pamatay na titig sa hari.

Dalawang Haring Nagmahalan (2014)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon