Dalawang Haring Nagmahalan
-Ikapitong Kabanata
Kagitingan at pamamaalam
Sa dalawang araw na nakakulong si Lukas ay ginagawa naman ni Yael ang lahat para maialis siya doon ng patas at ayon sa batas ng Danton.
"Anong ibig mong sabihing hindi maari ang gusto ko?!" pabagsak na iginalaw ni Yael ang kamay sa lamisita sa bandang kanan ng kanyang silid kung saan siya ikinulong ni Sean. "Ako hari ng Danton, Sean at hindi ako makakapayag na patuloy mo akong ikinukulong dito. May sarili akong kagustuhan at hindi ko sinusuway ang ano mang batas!" galit na sabi nito sa lalaking nagpasimula ng gulo.
"Ikaw ang hari kamahalan. Tapos na doon ang paliwanag ko." Lalo lamang nagalit doon si Yael at kinuha ang isang bote ng alak at itinapon kay Sean. Tumama iyon sa balikat ni Sean dahilan para mapatigil siya sandali sa pag-alis sa silid pero hindi na siya lumingon pa at nagpatuloy na lang sa paglalakad.
Nagagalit si Yael. Kahit anong pag-iisip niya'y hindi niya pa rin malaman kung anong dahilan ng lahat ng ito. Kung bakit inilagay sa kulungan ang taong iniibig niya't maging siya ay hindi maaring dumalaw dito. Hindi niya ring malaman kung sino ang sumalungat sa kaniya at sinadyang ikulong siya sa sariling silid. Naiisip niyang si Semion iyon dahil siguradong may gusto rin ito sa kanyang Lukas pero may kung anong gumugulo sa kanya. May hindi pa siya nakikita sa sitwasyong ito at kung paano nangyayari ang ganitong bagay.
"Pakawalan mo ako! Ako ay prinsepe ng Danton at kung hindi mo ako papakawalan, madali kong masasabi sa mga tagapamahala na sinataktan ninyo ako't maari kayong makulong habang kayo'y nabubuhay." Pananakot mula kay Semion na ikinangiti ni Yael habang nakaupo doon.
Ilang sandali pa'y nakapasok na rin si Semion at nakita niya si Yael na halos sirang-sira na. Hindi na kasing kinang ng dati, maputla na parang walang dugo. Gulo ang mahabang buhok at halos nakalihis ang damit. Nakatingin sa kanya ang mga mata subalit walang kulay iyon at malamlam lang na parang hindi talaga sa kaniya nakatingin.
Agad na paluhod na yumakap si Semion sa paanan ni Yael para magbigay-galang at pati na rin sabihing alam niya ang pinagdadaanan nito.
"Kuya ko. Anong mahabagin ang makakapag-alis sa iyo sa ganitong dusa?" nakalagay ang kaliwang pisngi ni Semion sa mga hita ni Yael habang nakayakap pa rin sa bewang ng kapatid.
Noon lamang nagawang maging malambot muli ng puso ni Yael. Pakiramdam niya'y nakaramdam siya ng kasiyahan sa mga salitang iyon ng nakababatang kapatid. Kilala niya si Semion at alam niyang hindi magagawa ni Semion ang ibinibintang niya kanina kaya balik muli siya sa umpisa.
"Masaya akong ayos ka lamang kapatid ko." Malambing na sabi ni Yael na kahit masakit para kay Semion ay tinanggap niya. Alam niyang hindi ganito ang kuya noon kaya nasasaktan siya. "Gusto kong hilingin mo sa akin na kunin si Lukas sa mga kulungang iyon. Nangako ako sa'yo ng kahit ano hindi ba? Nangako ako na kung ikaw ang hihiling ay tutuparin ko.
Ngayon ako nakikiusap sa'yo Semion. Kunin mo doon ang mahal kong si Lukas. Iligtas mo siya at gawing tagasilbi. Paki-usap ko sa'yo kapatid ko, hilingin mo iyon sa akin at ibibigay ko. Paki-usap."
Walang nagawa si Semion kundi ang yakapin si Yael. Alam na niya nitong nakaraang dalawang araw na may relasyon nga ang kuya niya at ang lalaking minamahal niya. Pero heto ngayon ang kapatid niya hinihiling na kunin niya mula roon ang taong minamahal nilang parehas at alam ni Semion na umaasa ang kapatid na walang ano mang mamamagitan sa kanila ng kaniyang minamahal.
Masakit dahil hindi niya magawang sabihin. May naisin siyang makuha nga si Lukas sa kanyang kapatid kaya wala siyang balak tumanggi subalit mapagtataksilan niya ang kapatid kapag ganoon. Sobrang sakit na ganito ang nararamdaman ni Semion. Nahahati sa hangaring makuha si Lukas at sa pagiging tapat kay Yael.
BINABASA MO ANG
Dalawang Haring Nagmahalan (2014)
Historical FictionAno ba ang PAGMAMAHAL? Ito ba ay para sa magkaibang kasarian lamang? Ito ba ay para sa isang hayop, bagay o tao? Ano ang basehan ng mga ito? Ano ang susi para makuha ito? Ito ay tungkol sa dalawang HARI na may magkaibang antas sa lipunan; isang hari...