Dalawang Haring Nagmahalan
-ika labing-dalawang kabanata
Bagong Kaibigan (Pinsepe ng Digmaan)
Nagmamadali subalit may angkin pa ring kagandahan ang halos patakbo ng paglalakad ni Haring Yael Jing Song papunta sa kaniyang pangalawang kapatid na babae na si Fei Tsun na nakapanganak na raw ayon kay Xing Ping na panganay ni Chin Sue. Nang makarating siya sa silid ay agad na nakita niya ang taong itinuring niyang kaibigan, kapatid, at ang taong nagtaksil pa rin sa kaniya nitong nakalipas na halos dalawampung taon. Si Sean na asawa ng kaniyang ikalawang babaeng kapatid na si Fei Tsun.
Ama ng sanggol na isinilang at asawa ng kaniyang kapatid na si Fei Tsun.
"Kamahalan." Pagbati ni Sean kahit na alam niyang hindi pa rin siya napapatawad ng hari sa kalapastanganang ginawa niya noon. Lalo pa ngayong napagtugma-tugma na niya ang lahat ng nangyari sa nakalipas na anim na taon.
Kung bakit ganoon na lamang ang mukha ng lahat ng tao na nakaligtas sa digmaan at kung bakit hindi nila sinabi ang nangyari sa digmaan sa pagitan ng Yamato at mga tagaDanton.
Maging ang kamatayan ng kaniyang pinakamamahal na Lukas sa kamay mismo ng pinakaiingatang kapatid na si Semion.
"Kamahalan~" pakantang iniabot ni Fei Tsun ang kamay sa hari at lumapit naman ito sa kapatid. "Babae ang aking pangay." Pahayad nito na may labis na kagalakan.
Tiningnan ni Haring Yael Jing ang bata at napawika ng, "Xing Suei Lah." Nakangiti at parang nagpupuri si Fei Tsun ng tingnan niya ang asawang si Sean. Ang mga binanggit ni Yael Jing Song ay mga tagong salita na parating sinasabi nito sa mga batang kapatid na babae. "Malakas, Matapang, Mapagkumbaba. Tulad niyong tatlong mga kapatid ko." Puno ng labis na kasiyahan ang puso ni Yael at makikita na iyon sa pagtitig niya sa bata at sa malaking ngiti sa kaniyang labi.
"Naalala kong ang mga salitang iyon ang dahilan ng aming mga pangalan ayon sa namayapa nating ina. Ang Xing ay para kay Chin Sue na may taglag na kalakasan simula pagkabata, ako naman ang pinapatungkulan mo sa Suei na ang ibig sabihin sa iyo ay Matapang. Halos hindi mo ako kinakaitaan ng isang sandali na nasa ganitong sitwasyon, nakaratay dahil sa pagod ng panganganak." Tumango doon si Yael Jing Song. Alam niya ang totoong kasarian ng kapatid niyang si Fei Tsun na mayroong pagtatangi sa mga babaeng tagasilbi pero sa huli'y parehas nilang nakita ni Sean ang iisang daan at doon nagsimula ang kanilang pag-iibigan.
"At ang Lah na para sa iyo'y ang ibig sabihin ay mapagkumbaba tulad ng tahimik nating kapatid na si Lin Fang. Ang natatangi sa aming tatlo na hindi pinagbuhatan ng kamay si Semion." Tumango muli si Yael at sinundan ang salitang binitawan ni Fei Tsun.
"At si Lin Fang ang isa ngayon sa pinagkakatiwalaan ng ating kapatid." Hinawakan ni Fei Tsun ang kamay ni Yael na nakalagay sa kanang kamay niya saka ngumiti ng marahan.
"Hanggang sa muli, aking kamahalan." Masayang wika nito at ipinikit ang kaniyang mga mata.
"Hanggang sa muli... Fei Tsun Song. Reyna ng digmaan." Tanging naiwika ni Yael at pinalabas na siya ng silid. Sumunod din sa kaniya si Sean at doon kinausap ang hari.
"Nagpapahinga lamang siya kamahalan. Matatag ang aking asawa at nagmana siya sa inyo sa parteng iyon." Papuri ni Sean na bahagyang ikinatuwa ng hari.
"Salamat Sean. Pakibantayan siya habang natutulog madalas siyang magkaroon ng kakaibang panaginip. Binabati kita sa iyong pagiging ama." Tumango doon at nagpasalamat si Sean saka bumalik sa loob ng silid para bantayan ang asawa.
Naisip ni Yael na puntahan si Semion sa kaniyang silid upang kausapin ito patungkol sa katotohanang kaniyang nalaman.
Samantala, ang prinsepe ng Danton at tagapagmana na si Xing Ping ay naglalakad na papunta sa silid ng Hari upang tingnan ang kalagayan ng prinsepe ng Danton. Marahan niyang binuksan ang pintuan ng mapansing wala pang ilaw ang loob ng silid ng hari. Tanghali man ay madalim ang silid ng hari base na rin sa nais nito kaya kinuha niya ang lampara at ito'y sinindihan.
BINABASA MO ANG
Dalawang Haring Nagmahalan (2014)
Narrativa StoricaAno ba ang PAGMAMAHAL? Ito ba ay para sa magkaibang kasarian lamang? Ito ba ay para sa isang hayop, bagay o tao? Ano ang basehan ng mga ito? Ano ang susi para makuha ito? Ito ay tungkol sa dalawang HARI na may magkaibang antas sa lipunan; isang hari...