Chapter Twenty Eight

539 11 2
                                    

Thank you for the votes and reads! I really appreciate them! (Insert tears of joy) ^.^

Happy reading!

Warning: Bad Words ahead.

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Blake's POV

TAHIMIK niyang pinagmamasdan si Lia na ngayon ay nakahiga sa hospital bed. Matapos itong mahimatay ay ipinaadmit ito ni Doctora Sandico sa hospital para raw makapagpahinga ito nang husto dahil daw sa mukhang nastress talaga ang asawa sa mga ibinalita rito.

Hindi niya alam kung ano ang nangyari kanina. Hindi niya alam kung bakit nasabi niya ang mga salitang iyon. Noong nalaman nila na hindi naman buntis si Lia ay determinado siya na tulungan itong makarecover pero noong sinabi ng doctor na may posibilidad na hindi na sila magka-anak ay nawala iyong drive niya para suportahan pa ito. Hindi naman kaila sa kanilang dalawang mag-asawa ang sobra niyang kagustuhan na magka-anak and thinking that he will never become a father brought him so much anger and fear. 

Lumaki siya sa isang buo at masayang pamilya. Even though he is always a pain in the ass, his parents treated him with so much love. Kaya gusto rin niyang maibigay ang ganoong klaseng pagmamahal sa mga magiging anak sana nila ni Lia. But how can he give love to those "uncertain" and "not yet possible" children?

"Blake..." narinig niyang tawag ni Lia sa kanya. Hindi maikakaila na talagang nagdala ng lungkot sa asawa ang mga nangyari kanina. But nevertheless, she is still beautiful.

"Hey. Huwag ka munang tumayo. Kailangan mo munang magpalakas. Nastress ka raw ng sobra sabi ng doctor." Paalala niya rito.

She started crying. "I'm sorry hon. Hindi ko alam na may diperensiya ako. I should have taken good care of myself more. I'm so sorry..."

He just sat beside the hospital bed and looked at Lia. Hindi niya alam kung bakit hindi man niya makuhang hawakan ang kamay nito o kaya ay punasan ang mga luha na ngayon ay naglalandas sa magandang mukha nito na madalas niyang gawin kapag umiiyak ito.

"Tama na Lia. Huwag ka ng umiyak. Mas maganda nga na nalaman natin agad ang sakit mo e." He replied in a cold voice.

Nakita niya ang takot sa mga mata nito. "W-w-hat do you mean? Hindi mo naman ako iiwan 'di ba?"

Hindi niya ito sinagot.

She started crying franctically. "Blake please naman. You won't leave me right hon?"

And he was again struggling to find the answer to the her question. "I.....don't know."

"Blake....please...." Nagtangka itong tumayo at lumapit sa kanya. And she was really hysterically crying and having a difficult time to breathe. Kaya naman nagdesisyon na siyang tumawag ng doctor. The doctor immediately sedated her and told him that she won't wake up until tomorrow. 

After that, he found himself drinking in a bar with Liam and Kent.

"So ano namang problema mo ngayon pre? Bihira na lang tayong magkita. Kaya naman nagulat ako when you called us." Malokong tanong ni Kent sa kanya.

"Oo nga Blake. And surprisingly, buti at humiwalay ka kay Lia. How is she pala?" ani Liam.

"That's the problem. No, scratch that. That's my problem. She is sick." Sabay lagok sa hawak niyang beer.

"What happened?" Napalitan ng pag-aalala ang mukha ng mga ito.

"She has PCOS. She will undergo some medications but there is still a possibility that she will never get pregnant." Para yatang sumakit ang lalamunan niya pagkatapos sabihin iyon. At hindi iyon dahil sa beer na iniinom niya.

After AllWhere stories live. Discover now