Chapter Eight

362 13 5
                                    

Tension starts! Uh-oh.. So enjoy and happy reading!

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Blake's POV

        HINDI na mabilang ni Blake kung ilang beses na siyang huminga nang malalim. Hindi pa kasi niya nakakalma ang sarili dahil sa mga nangyayari. At ngayon nga ay kaharap pa niya ang taong nagpasimula ng kaguluhan sa buhay niya.

        “What the hell is happening Lia?!” tanong niya rito.

        Hindi siya nito tinitignan. “I’m sorry. Pero kailangan mong panagutan ang nangyari sa atin.”

        Nagpanting ang tainga niya.

       “What?! Akala ko ba ay napagkasunduan natin na isang lang iyong one-night stand?! That we will just forget about it. Naging magkaibigan pa nga tayo.” himutok niya rito.

      “Oo nga. Alam ko iyon. Pero tama rin sina lolo at lola. Ako ang nawalan. Ako ang nadehado kaya may karapatan akong lumapit sa iyo at humingi ng kasal.” sabi nito sa mariing tinig.

        “Bakit ka ba nagpipilit na maikasal sa akin?” tanong niya rito.

        Ngayon ay medyo kumalma na siya. Pero hindi pa rin naalis ang kagustuhan niyang sakalin ito.

        “Dahil may nangyari na sa atin.” sagot nito sa mahinang wika.

        Muling bumalik ang galit niya.

     “Ano?! Iyon lang kaya ka nagpunta rito at ginulo mo ang buhay ko?! Napakababaw ng rason mo! If I know na hahantong sa ganito, sana hindi na nangyari iyon! Alam mo ba na marami na akong nakaone-night stand pero wala sa mga iyon ang humingi ng kasal! Dahil ba ako ang naka-una sa iyo kaya ka nagkakaganyan?!” sigaw niya rito.

        Halos maglabasan na ang mga ugat sa leeg niya sa sobrang galit. Mabuti na lang at soundproof ang kanyang silid. Kung hindi ay baka kanina pa siya ipinadampot ng mga magulang niya sa mga pulis. Kanina pa kasi siya nagsisisigaw sa labis na frustration at galit. Sino ba naman ang hindi magagalit sa nangyayari sa kanya? Kinukuha lang naman ng babaeng kaharap niya ang pinakaiingatan at pinakamamahal na kalayaan niya!

        Hindi ito sumagot. Maya-maya ay may ideyang pumasok sa isip niya.


       “A--a--are you pregnant?” kinakabahang tanong niya rito.

        Hindi niya alam ang kanyang gagawin kung sasabihin nito na buntis ito. Hindi pa siya handing maging isang ama. Heck! He is just twenty-one years old. Ni hindi pa nga siya nakakapagtapos sa kolehiyo.

        This time ay tinignan na siya nito. “No.”

After AllWhere stories live. Discover now