Chapter Three

415 15 1
                                    

Blake's POV

        NAIINIS na si Blake sa makulit na babae na sa kasalukuyan ay inaalalayan siya paalis ng bar. Ayaw pa niyang umalis dahil hindi pa siya tapos magpakalasing. Or maybe that was an understatement of the word. Yes, he was already drunk to the point that he can’t stand straight anymore. But then he just wants to grieve for the love that he had lost today. Nakipagbreak na kasi si Shey sa kanya, ang tanging girlfriend na sineryoso niya. He had met her through a family friend when they were second year college. They instantly became friends and after a few months of dating, they officially became a couple.

        Their relationship never became private. Pareho kasi silang sikat sa unibersidad nila. Shey is the cheerleader of the squad and he is the captain of the basketball team. All eyes were on them though sanay naman sila sa atensiyon. Lately lang ay nagpaka low-profile na siya dahil gusto na niyang gawing tahimik ang private life niya. Pero hindi pala ito ang gusto ni Shey. She said that she loves to keep all the attention that she gets and kapag hindi siya sumang-ayon dito ay makikipaghiwalay na ito sa kanya. Of course, being the lovesick puppy that he was, he agreed to what she had said.

        Months passed and he thought their relationship was sailing smoothly. Until two days ago, Shey approached him saying that she was already tired of their relationship, that she had found a new boyfriend and that he can return to his playboy life. Siyempre ay nagulat siya sa mga sinabi nito. Hindi niya inaasahan na ganoon ang gagawin nito sa kanya. Hindi kasi siya naniniwala sa mga kaibigan niyang nagsasabi na may kasamaang tinatago ito. Medyo nadelay na nga lang ang kanyang planong pagpapakalasing dahil may kailangan pa kasi siyang tapusin na schoolwork.

        Isang tapik sa pisngi ang nagpabalik sa isip niya.

        “Uy may dala ka bang ID?” tanong ng makulit na babae.

        Hindi siya sumagot dahil hindi na siya makapag-isip ng maayos sa sobrang kalasingan. Ito pa lang ang unang pagkakataon na nalasing siya nang husto. Hindi kasi siya basta-basta nalalasing dahil mataas ang alcohol tolerance niya. Marahil ay masama talaga ang loob niya dahil sa biglaang pag-iwan sa kanya ni Shey.

        Sa halip ay tinitigan na niya lang ito at hinayaang magsalita.

        “Ano ba? Bakit hindi ka sumasagot? Kainis naman oh. Kailangan ko nang umuwi dahil hinahanap na ako sa amin. Nasaan ba iyong ID mo? Hindi kasi kita pwedeng ihatid ng walang ID. Masyadong exclusive iyong subdivision ninyo. Hindi tayo basta-basta makakapasok.” tuloy-tuloy na litanya nito.

          But he just kept on staring.

        Infairness, the girl is a beauty. She has honey-colored eyes, long eye lashes, petite nose and rossy-red lips.

        Bakit parang ang sarap halikan ng mga labi niya??

        Mabilis niyang pinalis ang diwang iyon.

      "Hello?? May kausap ba ako??” narinig niyang tawag ulit nito.

        Ikinaway-kaway pa nito ang kamay sa harap niya upang makuha ang atensiyon niya.

        Nagmamakaawa na tinignan siya nito.

        “Nasaan na iyong ID mo? Uy sumagot ka naman para maihatid na kita sa inyo. Please?”

        Ngunit hindi na niya nasagot ito dahil tuluyan na siyang iginapos ng antok.

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Lia's POV

        BUMUNTONG-HININGA na lang si Lia ng mapansin niyang tulog na ang kanyang kinakausap. Sobra na siguro itong lasing kaya hindi na nito nakaya. Nasa loob na kasi sila ng taxi at kasalukuyan silang papunta sa bahay ni Blake. Siyempre ay alam niya kung saan nakatira ito dahil iisa lamang subdivision sa kanila ang talaga namang sobrang higpit ng security dahil puro sobrang  mayayaman ang mga nakatira roon. Pagkarating sa gate ay agad silang sinita ng guard.

        "Ma'am saan po ang punta ninyo?" tanong nito sa kanila.

        

        "Sa mga Llamanzares po. Ihahatid ko po iyong lalaking anak nila. Si Blake po."

        Lumapit ito sa taxi at tinignan si Blake na ngayon ay natutulog na.

     "Wala po bang I.D. si Sir Blake? Bawal po kasi talagang magpapasok kapag walang pinakitang I.D."

        Umiling siya.

        "Wala po eh. Napag-utusan lang po kasi akong ihatid si Blake sa kanila kasi nalasing po siya sa isang bar kung saan ako nagtatrabaho. Hindi po ba pwedeng kahit ngayon lang ay papasukin niyo kami?"

        "Pasensya na po Ma'am. Bawal po talaga. Baka kapag ginawa ko iyon ay ako naman po ang matanggalan ng trabaho."

         Huminga siya nang malalim. Hindi niya talaga ito mapilit.

        "Naiintindihan ko po. Salamat na lang po."

        Binalingan niya ang taxi driiver at sinabi ang address ng bahay nila.

        I guess wala akong choice kung hindi iuwi ang mokong na 'to!

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

        

After AllWhere stories live. Discover now