Chapter Twenty Three

471 9 4
                                    

Happy Reading!

May Rated SPG scene ito.

Read at your own-risk.

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Lia's POV

        MAGKAHAWAK-KAMAY silang mag-asawa na pumasok sa mall. Mamimili sila ng mga gamit na kanilang gagamitin para sa batch reunion ng asawa sa darating na Linggo. Noong una ay ayaw niya talagang sumama dito dahil bukod sa hindi naman sila pareho ng kurso ng asawa ay wala siyang kilalang iba sa mga kaibigan nito kung hindi sina Liam at Kent. Pero naging mapilit si Blake. Ang sabi nito ay mamimiss daw siya nitong nang sobra kapag hindi siya nito nakita sa loob ng tatlong araw. Kaya heto sila ngayon. 

        "Hon what do you want to buy first?" tanong ng asawa sa kanya.

     "Unahin na muna natin iyong pagkain like chips. Pagkatapos ay mga toiletries at damit naman ang bibilhin natin."

        Hinalikan siya nito sa ulo.

        "Aye aye captain."

        Pagkarating nila sa supermarket ay agad silang dumiretso sa snacks section. Agad na kumuha ng malalaking Lays, Ruffles, Doritos, Pringles at Picnic ang asawa. Samantalang siya ay kumuha naman ng mga chocolates at candies. Hindi sila bibili ng pagkain dahil ang sabi ni Blake ay mayroon naman sigurado silang dadatnan pagkarating sa Amanpulo. 

        Binalingan niya ang asawa na mukhang wala pa ring tigil sa pagkuha ng pagkain. Punong-puno na nga iyong cart nila na ang laman ay mga junk foods. Paborito kasi ni Blake ang mga iyon. At take note ah, iyong mga imported na junk foods lang ang kinakain nito. Ayaw niya ng Ridges na kung tutuusin ay kapareho lang ng lasa ng Ruffles. Mas masarap daw kasi kapag imported.

        Pinalo niya ang isang kamay nito ng makita niyang kukuha na nanaman ito ng isang malaking Pringles.

         "Aray naman hon. Masakit iyon ha." Hinimas-himas nito ang kamay.

         Pinandilatan niya ito.

        "Talagang masasaktan ka kapag hindi ka pa tumigil diyan. May tatlong Pringles ka na rito Blake Calvin. Hindi mo naman mauubos ang mga iyan. Idagdag mo pa iyong dalawang Picnic, apat na Ruffles, limang Doritos at  anim na Lays. Aba may balak ka yatang pakainin ang buong batch niyo ng mga ganyan?"

        He pouted.

        "Honey naman. Alam mo naman na share tayo sa mga ito 'di ba? Kaya nga dinadagdagan ko pa. Mahirap na baka magutom ka. Pinaka-ayoko pa naman sa lahat ay ang nagugutom ka."

        Pinalo niya ito sa braso. Napangiwi naman ito sa sakit.

     "Ang sabihin mo baka magutom ka. Huwag ka nang kukuha Blake. Maawa ka naman sa mga kidneys mo. Tara na at magbayad na tayo." Sumusukong sumunod na lang ito sa kanya.

     Ilang oras na rin silang nagmamall at nakabili na sila ng toiletries. Kasalukuyan siyang tumitingin ng mga swimwear. Nauna ng bumili ang asawa niya. Siya na lang ang hindi tapos. Habang tumitingin siya ng mga shorts ay bigla siyang tinawag ni Blake.

        "Ito hon oh maganda! I'm sure bagay na bagay sa'yo 'to."

        Itinaas nito ang hawak na two-piece red swimsuit. Nakangisi ito nang malapad.

After AllDonde viven las historias. Descúbrelo ahora