Happy reading!
Short chapter lang 'to. ^-^
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Lia's POV
HINIHIPAN at tinitikman ni Lia ang sabaw ng nilagang baka na niluluto niya para sa asawa. Gusto kasi niyang siguraduhin na masarap iyon dahil paborito iyon ni Blake.
They are now married for almost a year now and their relationship still remains the same. Wala pa rin pagbabago ang pagtrato ni Blake sa kanya----malamig, sarkastiko, at may bahid nang galit. Though minsan ay pinapansin naman siya nito at madalas ay nangyayari iyon kapag nasa mansiyon sila at kasama ang mga magulang nito.
Ginugulo na rin sila ng pamilya nito lalo na si Kath dahil hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin siya nabubuntis. Excited na kasi ang mga ito na magkaroon ng apo at pamangkin. Hindi naman niya maibibigay ang pinakaaasam na pamangkin at apo ng mga ito dahil nga hindi siya mahal ng asawa. Ni hindi nga siya nito matitigan nang matagal, paano pa kaya iyong mahalin siya nito? Siguro ay ito na ang sinabi ni Blake sa kanya na gagawin nitong miserable ang buhay niya sa piling nito. At pakiramdam niya ay unti-unti na itong nagtatagumpay. She is now hurting and unhappy. Gayun pa man ay pilit pa rin niyang pinapatatag ang sarili. Hindi siya susuko. Alam niya balang araw ay mamahalin rin siya ng asawa.
“Ma’am saan ko po ilalagay itong mga plato?” tanong ni Janine sa kanya.
Ito ang kasambahay nila na stay-in sa penthouse. Pinadala ito ni Mama Cynthia noong nakaraang buwan dahil nag-aalala ito sa kanya. Baka raw masyado na siyang napapagod sa mga gawaing-bahay. Mabait ito at halos kasing-edad niya lang kaya nagkasundo sila agad.
“Ilagay mo na lang diyan sa may mesa. Kumuha ka na rin ng mga baso at mga bowl.” utos niya rito.
Lumapit ito sa kanyang niluluto.
“Wow Ma’am! Ang bango naman po nang niluluto ninyo. I’m sure magugustuhan po iyan ni Sir Blake.” ani nito.
Isinalin niya ang nilaga sa isang lalagyan.
“Sana nga Janine. Pinaghirapan ko pa naman ito.”
Nag-eeffort kasi siya these past few days dahil mas dumalang na ang pag-uwi nang maaga ni Blake. Kung umuwi man ito ay madaling araw na at tulog na siya. Marahil ay ayaw nito ang mga niluluto niya kaya kumakain na lang ito sa labas. Minsan din ay hindi na ito umuuwi sa penthouse. Hindi naman nagsusumbong si Janine sa mga in-laws niya kaya hindi tumitigil si Blake.
“Oo naman po. Pumunta pa nga po kayo sa mansiyon para lang magpaturo kay Ma’am Cynthia ng ganyang putahe. Alam ko maaappreciate ni Sir iyan. Talaga pong mahal na mahal niyo si Sir Blake noh?”
Nginitian niya ito. “Sobrang mahal Jha. Gagawin ko ang lahat para lang mapasaya siya.”
"Sigurado rin ako Ma'am na mahal na mahal din kayo ni Sir. Sigurado ay hindi niya lang maexpress yung pagmamahal niya sa iyo. Baka nahihiya siya sa inyo Ma'am. Ayieee."
Sana nga Janine..
“Oh ayusin mo na iyong mesa. Darating na niyan si Blake maya-maya.” dagdag niya rito.
Tumalima naman ito at inayos na ang mesa. Umupo na rin siya at hinintay ang asawa para makasama niya itong kumain.
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Blake's POV
“PARE, kumusta naman pala iyong plano mong paghihiganti sa maganda mong asawa? Halos mag-iisang taon na rin pala kayong kasal niyan. So, how is it going?” tanong ni Liam sa malakas na boses.
Nilakasan nito ang boses para marinig niya dahil maingay sa paligid. Nasa isang bar kasi sila ngayong magkakaibigan at nag-iinuman. Niyaya niya ang mga ito dahil matagal-tagal na rin mula ng huli niyang nakasama ang mga ito. May kanya-kanya na rin kasi silang trabaho at naging busy na sila these past few months.
Uminom muna siya ng beer bago sinagot ito.
“Well, my plan is going smoothly. I’m pretty sure that my wife will already ask for an annulment anytime now. She’s already pissed at me. I think she is starting to hate me too. Hindi ba naman ako umuwi nang maaga araw-araw at hindi siya kausapin. Tignan ku lang kung hindi pa siya sumuko.” wika niya na dinugtungan niya ng isang nakakalokong tawa.
Si Kent ang nagsalita.
“Blake, I think that’s rude. Dapat hindi mo na pinapahirapan ang asawa mo. Stop your revenge already. Kawawa naman si Lia. I saw the look in her face noong ipinahiya mo siya sa engagement party ninyo. She’s already hurt. You don’t need to hurt her further.” panenermon nito sa kanya.
Tinawanan niya lang ito. Mukhang tinamaan na siya ng mga beer na nainom.
“Since when did you become Lia’s knight-in-shining armor pare? Hayaan mo lang ako. Sa nag-eenjoy pa ako eh. Hayaan mo kapag humingi na siya ng annulment, doon pa lang ako titigil.”
Bumuntong-hininga ito.
“Ikaw ang bahala. Sana ay hindi mo pagsisihan bandang huli ang ginagawang mong paghihiganti. You know your plan can back fire to you. Baka ikaw ang masaktan sa huli. Tandaan mo pare, masakit at mahirap ang karma.” paalala nito sa kanya na sinang-ayunan naman ni Kent.
“Huwag kayong mag-alala. My plan is intact. I’m gonna have my freedom soon.” ani niya sa mga ito.
Sisiguraduhin niya na hindi na magtatagal ang relasyon nila ni Lia. He is dying to be a bachelor again. At malapit nang mangyari iyon.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Harsh much Blake?
YOU ARE READING
After All
Romance"After all these years, ikaw pa rin ang kahapon, ngayon, at bukas ko." - Lia Llamanzares Blake Calvin Llamanzares had always been Lia's dream man. Unang pagkakita pa lang niya rito ay nabihag na nito ang puso niya. Simula noon ay minahal na niya it...