Chapter Twenty Four

327 7 2
                                    

After 123456789 years nakapag-update din!

Happy reading! 

Sorry for the wrong grammar and spellings. xoxo

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Lia's POV

        NAKATINGIN lang na pinagmamasdan ni Lia ang mga kabatch at kaibigan ng asawa habang pinagkakaguluhan ng mga ito ang bagong dating. Ang asawa naman niya ay parang tuod na nakatayo sa tabi niya at tinititigan lang rin si Shey.

        "No girl. You know that even though you are already so late, like super duper major late, you will always be welcome. Ikaw kaya ang forever gorgeous and super hot cheerleader ng university natin." Narinig niyang sabi ng isang naroon.

        Tumawa naman si Shey. "I know right. Sorry if I'm late. Ang dami ko pa kasing inasikaso eh."

          Iginala nito ang mga mata sa paligid at nang makita sila ay muli itong nagsalita. 

      "So kumpleto pala ang buong batch. Even our busiest basketball superstar is here."

        Lumapit ito sa kanila at binati si Blake. Para ngang wala siya sa tabi ng asawa habang binabati ito.

       "Hi babe......errr.....Blake. Long time no see." Tumingkayad ito at hinalikan ang pisngi ng asawa.

           Mukhang doon lang natauhan si Blake.

        "Ahmm...hi babe." ani ng asawa.

        Tila naman sinuntok ang puso niya pagkarinig sa sinabi ng asawa. Parang hindi man lang narealize ni Blake na tinawag niyang "babe" si Shey.

        Tumawa nang maarte si Shey. "You really missed me huh Blake? You called me babe even if your wife is standing next to you. I am so flattered. Sabi ko na nga ba at hindi mo ako basta-basta makakalimutan."

        Napalakas ang pagkakasabi nito kaya malamang ay narinig iyon ng lahat. Namayani ang buong katahimikan. Tila hinihintay ng lahat ang gagawin ni Blake. Siya naman ay gusto ng umalis doon dahil malapit ng bumagsak ang mga luhang kanina pa niya pinipigilan.

        Bumaling sa kanya si Blake at halatang-halata ang pagkagulat, guilt, at pagkalito sa mukha nito.

       Tumikhim ito. "Uhmm.. This is my wife, Lia. Lia, si Shey. Kabatch namin." 

        Inabot niya ang kamay sa babae pero hindi man lang ito nag-abalang kunin ang kanyang kamay. Instead she wrapped her hands around her husband's arm. 

        "Oh I know. You are the rebound wife. And I am the ex-girlfriend. And maybe the woman he still loves." Nauuyam na sabi nito.

        She looked at her from head to toe and disgust is written all over her face. "And I now know why Blake is still in love with me. He likes sophisticated girls. Not some Plain Jane like you. I bet you could not even give him a very good f*ck."

        Sasagot na sana siya pero naunahan siya ni Blake.

     "Enough Shey. Sumosobra ka na yata. Wala kang karapatang pagsalitaan ng ganyan ang asawa ko. Let's go Lia." Hinila siya nito para bumalik sa villa nila.

After AllWhere stories live. Discover now