Chapter Twenty Two

320 11 1
                                    

Happy reading!

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Lia' s POV

        NAG-ISTAY pa silang dalawang mag-asawa ng isang linggo sa Paris. Paano ba naman ay sobra yatang nasabik sa kanya ang asawa niya. Hindi na sila halos lumabas sa kanilang suiite. Minsan nga ay ayaw pa ni Blake na umalis sila sa kama. She can happily say that at this point of their relationship, ang ginagawa nila gabi-gabi ay hindi na lang 'having sex'. Well marahil para sa asawa niya ay ganoon iyon dati. Pero pagkatapos ng moment nila sa ibaba ng Eiffel Tower, ang mga sumunod na eksena sa pagitan nila na nagaganap sa kama ay mas intense, mas mainit, mas daring, at mas kapapanabik. Kung noon ay PG-13 lang ang ginagawa nila ngayon ay Rated X na! And it is not having sex, it is now making love. Ngayon niya pa lang talaga masasabi na iba pala kapag alam mong mahal ka rin ng taong mahal mo. Now, she can feel that Blake truly loves her. And she is just so happy.

        "Are you okay?" tanong ni Blake sa kanya.

      Pauwi na sila sa kanilang bahay. Kakagaling lang nila sa airport. Balak pa sana nilang dumaan kina Mommy Cynthia ngunit ito na mismo ang nagsabi na magpahinga na lang sila. Isa pa ay pagod din sila sa biyahe.

     "Yes hon. I'm fine. Medyo masakit lang ulo ko at medyo nahihilo ako. Hindi lang siguro ako sanay ulit na makasinghap ng maruming hangin. Sa Paris kasi fresh air, dito sa atin, polluted air na."

        Tumawa ang asawa.

        "Ikaw talaga. Naku hon jetlag lang iyan. Tatlong linggo rin naman tayong wala rito kaya siguro nanibago ang katawan mo. Oh baka naman buntis ka na?" Tinaas-taas nito ang dalawang kilay.

        "Nako ah. Excited ka naman masyado.  Ang bilis naman ng mga alaga mo kung ganoon. Tsaka hindi naman natin agad malalaman eh."

        "Well you can't blame me hon. Excited na talaga akong magka-baby. Inaraw-araw na nga natin 'di ba para agad-agad ay may lumitaw na resulta? Mamaya pagka-uwi isa pa ha? Para naman sure na sure na tayo."

        Hinampas niya ito. 

        "Ang pervert mo talaga! Wala ka ng inisip kung hindi iyan."

     "Well you can't blame me. Gusto ko talaga ang panganay natin ay honeymoon baby. Maganda iyon hon. Tapos papangalanan ko siyang Paris Eiffel Sanchez Llamanzares. Oh 'di ba ang ganda? Kasi made in Paris siya at inspired ang Mommy niya sa Eiffel Tower kaya siya nabuo."

        Natatawa na lang siya sa mga sinasabi nito. Kahit siya ay excited na ring magka-baby. Kahit bata pa lang sila ay alam niyang kaya na nilang dalawa ni Blake ang maging magulang lalo pa ngayon na nagmamahalan na talaga silang dalawa.

        Pagkarating sa penthouse ay agad siyang dumiretso sa kanilang kwarto at humiga roon. Maya-maya lang ay pumasok na rin si Blake.

       Umupo ito sa gilid ng kama at hinaplos ang kanyang pisngi.

        "Masakit pa ba ang ulo mo?"

        Tumango-tango lang siya bilang sagot.

      "Heto ang biogesic. Iyan na muna ang inumin mo. Alam ko ay safe iyan. Kahit sa buntis ay pwede."

    Agad naman niyang ininom iyon. Naramdaman niya ang mga labi ng asawa sa kanyang noo.

After AllWhere stories live. Discover now