Chapter Ten

346 13 3
                                    

Happy reading! This is a very long chapter (I think?)  Para hindi na kayo nabibitin! Hahaha

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Lia's POV

        KINAKABAHAN na inilibot ni Lia ang paningin sa malawak na hardin. Nasa may gilid siya ng stage ngayon at kasalukuyang hinihintay si Blake. Sinabi kasi ni Papa Anton na iaanunsiyo na nito ang kanilang engagement. Ilang minuto rin niyang pinagmasdan ang hardin ng mga Llamanzares. Maganda ang pagkakaayos sa lugar. It was transformed into a fairytale-inspired garden. Maraming upuan at mesa ang inilagay. Puno rin ng bulaklak ang paligid. Masasarap din ang mga pagkain na inilapag sa may buffet table. Marami-rami na rin ang mga bisita at alam niya na pawang mayayaman at may position sa lipunan ang mga iyon.

        Natigil ang kanyang pagmamasid nang makita niya si Blake at ang mga magulang nito na papalapit sa kinatatayuan niya. Nagtama ang mga mata nila ng lalaki. Wala siyang mabasa na kahit anong damdamin sa mukha nito.

        

        “Hello my dear fiancée.” bati nito sa kanya sa malamig na tono.

       Idinikit pa talaga nito ang bibig sa tainga niya. Hindi tuloy niya maiwasang manginig. Mas malamig pa kasi sa yelo ang pagbati nito sa kanya.

        Nilapitan sila ni Mama Cynthia. “Come here hijo at hija. Let’s announce your engagement.” Hinila na sila nito paakyat sa stage.

        Unang nagsalita si Papa Anton. “Thank you for coming here today. Alam naman natin na graduation party ito ng aking unico hijo. Pero mayroon pang isang dahilan kung bakit namin idinaos ang pagtitipon na ito.” Nakangiting tinawag nito ang kabiyak.

        Humarap ang dalawa sa mga tao at sabay na nagsalita.

        “We are so pleased to announce that our son, Blake Calvin will be married soon.”

        Malakas na nagpalakpakan ang mga tao.

        Tinawag ng mga ito si Blake. “And here is his beautiful fiancée, Lia.”

        Sabay hila sa kanya sa harapan. Nahihiyang yumuko siya.

        Nanigas siya nang maramdaman ang pagpulupot ng mga braso ni Blake sa katawan niya.

      “You smile my dear fiancée. Let’s show the people that we are very happy and very much in love with each other.” bulong nito sa kanya.

        Nanlalaki ang mga matang hinarap niya ito. Naroon na nanaman ang galit sa mga mata nito. Iyon nga lang ay alam nitong itago iyon.

        Naghiyawan ang mga kaibigan ni Blake dahil sa ginawa nito. Hindi niya alam kung matutuwa siya o maiinsulto sa paraan ng pagtingin ng mga ito sa kanila. ‘Di yata ay alam na ng mga ito ang nangyari sa kanila?

After AllOù les histoires vivent. Découvrez maintenant