Happy Reading!
Landian mode...este kunwari landian mode nila. Hahaha
#BlakeLiaLandianMode
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Lia's POV
PABALIK na sila ni Blake galing sa “honeymoon” nila mula sa Zambales. Limang araw rin silang nanatili sa resort at sa loob ng mga araw na iyon ay mabibilang ang mga sandaling nag-usap silang mag-asawa. Hindi siya nito pinapansin at kung kakausapin man siya nito ay tungkol lang sa mga maliliit na bagay. Nilibang na lang niya ang sarili sa paglalakad sa tabing dagat, pagkuha ng mga pictures at pakikipagkuwentuhan kina Manang Patring at Alva. Madalas din ay naliligo siya sa dagat. Naalala tuloy niya ang isang pangyayari……
Palabas siya ng banyo sa master’s bedroom ng marinig niya ang boses ni Blake.
“Where are you going?” tanong nito.
Tinignan siya nito mula ulo hanggang paa. Pinamulahan tuloy siya ng pisngi.
Nakasuot kasi siya ng two-piece white swimsuit na desente namang tignan. Balak kasi niyang magswimming dahil maligamgam ang tubig sa dagat.
Tinignan niya ito para mawala ang kabang nararamdaman niya.
“Sa dagat. Saan pa ba? Hindi naman pwedeng sa bathtub ako magswimming ‘di ba?” sarkastikong sabi niya rito.
Umangat ang isang sulok ng bibig nito.
“Pwede rin naman. Hindi nga lang matatawag na swimming iyon.” wika nito.
Seryoso ang mukha nito kaya hindi niya alam kung nagbibiro ito.
Dineadma na lang niya ang sinabi nito. Kinuha niya ang bath robe niya na nakapatong sa kama.
“May sasabihin ka pa ba? Lalabas na ako.”
“You should change. Magshorts ka na lang at magT-shirt. Malaswang tignan ang suot mo. At tsaka wala ka naman sa Boracay para magsuot ng ganyan. Nasa Zambales lang tayo.” ani nito sabay tingin ulit sa kanya mula ulo hanggang paa.
Natawa siya nang pagak. “Aba at kailan ka naman naging concern sa akin? You know what? You should just busy yourself by thinking on how to make my life miserable. Wala ka naman talagang pakialam sa akin ‘di ba? Kaya wala ka ring karapatang bawalan ako sa mga gusto kong suotin. At sa Boracay lang ba pwedeng magsuot ng swimsuit? Kaya nga swimsuit eh. Ginagamit sa pagswimming kahit saan pa 'yon. Mapa-Boracay o Zambales pa."
Hindi maitago ng boses niya ang hinanakit at sakit na nararamdaman niya.
YOU ARE READING
After All
Romance"After all these years, ikaw pa rin ang kahapon, ngayon, at bukas ko." - Lia Llamanzares Blake Calvin Llamanzares had always been Lia's dream man. Unang pagkakita pa lang niya rito ay nabihag na nito ang puso niya. Simula noon ay minahal na niya it...