Chapter Two

580 20 2
                                    

Say Hi to Blake Calvin!

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Lia's POV

        PASULYAP-SULYAP na tinitignan ni Lia ang isang lalaki na nakaupo sa isang sulok dahil mukhang lasing na lasing na ito. Naroon siya ngayon sa EastSide Bar and Resto para magtrabaho bilang isang bartender. Part-time lang ang trabaho niyang iyon dahil kasalukuyan pa siyang nag-aaral bilang isang Hotel and Restaurant Management student sa St. Benedict’s University, the most celebrated university in their place. Ito kasi ang eskwelahan kung saan halos mga mayayaman at sikat ang mga nag-aaral. Madiskarte ang kanyang Lolo Fons at Lola Jean kaya siya nakapag-aral sa naturang unibersidad.

        Magastos ang pag-aaral niya kaya heto siya ngayon, nagtatarabaho bilang isang bartender upang makapag-ipon para sa kanyang nalalapit na graduation sa naturang unibersidad. Kailangan niya kasi ng pambayad sa kanyang graduation picture at iba pang fees. Ayaw naman niyang humingi ng pambayad sa kanyang lolo’t lola dahil alam niya na marami na rin ang mga nagagastos ng mga ito sa kanya. Isa pa ay kaya naman niyang magtrabaho para makakuha ng pera.  Konting tiis na lang at makakaahon na rin sila mula sa kahirapan. Masusklian na rin niya ang lahat ng mga sakripisyong ibinigay ng mga ito para sa kanya.

         Hindi biro ang paghihirap na pinagdaanan ng kanyang abuelo’t abuela upang siya ay mapalaki. Hindi niya alam kung sino ang totoong mga magulang niya dahil ayon sa mga ito ay nakita lamang siya sa gilid ng isang simbahan noong siya ay sanggol pa lamang. Hindi rin nagkaroon ng mga anak ang mga ito kaya siya na ang itinuring na anghel sa kanilang pamilya. At dahil nga raw masyado nang matanda ang mga ito upang maging mga magulang niya, pinalaki siya na ang turing niya sa mga ito ay lolo at lola. Hindi naman siya nagkaroon ng sama ng loob sa mga ito sa pagsabi sa kanya ng katotohanan; sa halip ay mas minahal pa niya ang mga ito dahil sa kabutihan ng loob at pagmamahal na ipinaramdam ng mga ito sa kanya.

           

       Kasalukuyan siyang umiinom ng isang baso ng wine na ibinigay sa kanya ng isa niyang customer. Noong una ay ayaw pa niya itong tanggapin ngunit sa huli ay kinuha na rin niya ito. Hindi kasi siya umiinom dahil masyadong mababa ang alcohol tolerance niya. Ngayon nga ay nararamdaman na niya ang epekto ng alak sa kanyang sistema.

           

        “Lia!”  

        Narinig niyang tawag sa kanya ng kanyang kaibigan at kasama sa trabaho na si Nikki. Tulad niya ay sa St. Benedict’s University din ito nag-aaral at malapit nang makapagtapos.

       “Oh bakit?" nagtatakang tanong niya rito.

        Patapos na kasi ang shift niya at naghahanda na siyang umuwi.

    “Sabi ni Sir Allen, tulungan mo raw iyong lalaki na nakaupo sa sulok na makalabas at makakuha ng taxi. Sa lagay daw eh, hindi na makatayo sa sobrang kalasingan.”

 

         Patay! Sa dinami-rami ng mga customers, bakit siya pa??

        “O-ocge. Kukunin ko lang iyong bag ko.” napipilitang sagot niya.

After AllWhere stories live. Discover now