Chapter Seven

369 13 1
                                    

Tuluy-tuluy na update para sa aking mga loyal readers! Thank you po sa support. Enjoy reading!

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Blake's POV

        PAGTAPAK pa lang ni Blake sa kanilang bahay ay alam na niyang mayroong mali. Masyado kasing tahimik roon at wala ni isang katulong sa labas na sumalubong sa kanya. Kagagaling niya lang sa eskuwelahan. Nasa huling buwan na sila ng school year. Tapos na lahat ng mga exams niya at nagpapractice na lang sila para sa graduation kaya wala na siyang dapat isipin. Gagraduate na siya in two weeks time sa cursong Business Management. He will be the heir to the chains of hotels and businesses of his parents. So far, he is having the best days of his life these past few weeks. Nanalo kasi ang kanilang team sa huling basketball game at siya ang itinanghal na MVP. Naipasa na rin niya ang lahat ng clearance na kailangan.  Walang problemang dumarating sa kanya. Hindi na rin masyadong naghihigpit ang parents niya dahil nga patapos na siya. Oh, how he love his life!

        Pumasok na siya sa loob ng bahay. Natagpuan niya roon ang kanyang yaya, si Yaya Percy. Nakakatuwang isipin ngunit kahit na matanda na siya ay mayroon pa rin siyang yaya. Ito kasi ang nagpalaki sa kanya at kahit nga hindi na niya ito kailangan ay naroon pa rin ito sa kanila. Napamahal na kasi siya rito at hindi na rin ito nakapag-asawa kaya hindi na ito pinaalis ng kanyang mga magulang.

        “Hi yaya.” bati niya rito sabay halik sa pisngi.

         Tinignan siya nito.

         “Blake pumunta ka raw sa library sabi ng daddy mo.” ani nito sa seryosong tinig.

        Binale-wala lang niya ang tonong ginamit nito. Sanay na kasi siya doon. Masyado ngang seryoso ang kanyang yaya pagdating sa kanya, lalo na kapag pinagsasabihan siya nito.

            “Okay ‘Ya.” sagot niya rito bago pumanhik sa itaas.

         Ngingiti-ngiti pa rin siya nang marating niya ang library. Subalit biglang nawala ang kanyang saya ng makita kung sino ang katabi ng kanyang mga magulang. Walang iba kundi si Lia kasama ang Lolo Fons at Lola Jean nito.

           Tumikhim siya para alisin ang kaba sa kanyang lalamunan. “What is happe-------“

        Hindi na niya naituloy ang sasabihin dahil tinignan siya ng kanyang ama. Anton Llamanzares possesses a certain kind of authority that even him, his own son, cannot refuse his orders. Only one cold stare from this man and everybody will shut up.

         “You sit down Blake. Mag-uusap usap tayo.” anito sa matigas na tinig.

          Agad naman siyang tumalima.

        “Tungkol saan?” tanong niya kahit na parang alam na niya ang tungkol doon.

        Pinukulan muna nito ng tingin si Lia. “Tungkol sa nangyari sa inyo ni Lia noong isang buwan.”

            Oh crap! That again?

           “So what about it?” pakibit-balikat na sagot niya sa ama.

          Sinaway naman siya ng kanyang ina. “Blake! Umayos ka. Hindi kita pinalaki nang ganyan.”

          Mataman siyang tinignan ng ama. “You need to marry her.”

         Halos himatayin siya sa narinig. Ano nga ulit ang sabi nito? Kailangan niyang pakasalan si Lia--na ngayon ay matamang nakikinig lang.

         Tumawa siya nang pagak. “You’re kidding right?”

         “No. Do I look like I'm kidding? Kailan ba ako nagbiro, ha Blake?” sagot sa kanya ng ama.

          Tuluyan na siyang pinanlamigan ng katawan dahil sa sinabi nito.

      Nagsalita ang kanyang ina. Cynthia Llamanzares always look at him with love. Pero sa mga sandaling iyon ay tila nais siyang sakalin ng ina.

       “Pinuntahan kami ni Lia ngayon. Sinabi niya ang lahat ng nangyari sa inyo last month. How can you be so irresponsible son? Bakit hindi mo ginawa ang dapat ay gawin ng isang tunay na lalaki?” 

           Bigla siyang napatayo. “But I did! Kinausap ko siya. Ang sabi niya ay ayos lang sa kanya ang nangyari. Nagpasya pa nga kaming maging magkaibigan.”

           Binalingan niya si Lia. “Tell them Lia.”

            Magsasalita pa lang sana ito ngunit inunahan na ito ng ama.

        “Kahit na Blake. Dapat ay pumayag ka. Pinili mong gawin iyon. Kaya dapat harapan mo rin ang mga kaakibat na konsikwensya. Kung hindi pa kami pinuntahan ni Lia ay hindi pa namin malalaman ang mga pinaggagagawa mo. You will marry her after your graduation party. We will announce your engagement during that party.”

          “But------“ protesta niya rito.

        Tumayo na rin ang kanyang ama. “No more buts Blake Calvin. You will follow what I had said. And that’s final!”

          Iyon lang at iniwan na sila nito.

           Nahahapong napaupo siya. His life is over. He was so happy ten minutes ago pero agad iyong nawala. At tila panghabang-buhay na na inialis iyon sa kanya.

        Naihilamos niya ang mga kamay sa mukha sa sobrang frustration na nadarama. Marahil ay napansin iyon ng kanyang ina kaya niyaya muna nito sina Lolo Fons at Lola Jean na magmerienda sa may veranda.

           “Blake…..” tawag sa kanya ni Lia sa mahinang boses.

            Pinakalma muna niya ang sarili bago hinarap ito. Baka kasi masaktan niya ito dahil sa galit na nararamdaman niya ngayon rito.

            “What?!” paasik niyang tanong rito.

           Tila natakot ito nang marinig siya kaya hindi ito nakapagsalita. Napagdesisyunan muna niyang kausapin ito nang masinsinan. Baka sakaling mapabago pa niya ang isip nito.

         Hinawakan niya nang mahigpit ang kamay nito at hinila. “Let’s talk. Doon tayo sa kuwarto ko.”

 

After AllWhere stories live. Discover now