Chapter Nine

359 14 1
                                    

Comment your reactions. Thank you. Happy reading!

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Lia's POV

        HINDI pa rin mawala sa isip ni Lia ang galit at pagkamuhi na nakita niya sa mga mata ni Blake. Oo nga at inaasahan na niya ang galit na makukuha rito pero hindi niya inaasahan na ganoon katindi ang galit namakikita niya. Kulang na lang ay sakalin at patayin siya nito noong kausap niya ito. Takot na takot siya rito. Ngayon lang kasi niya ito nakitang ganoon kagalit. Lagi kasi itong nakangiti at nakatawa kapag nakikita niya ito sa kanilang campus.

        Buo pa rin ang desisyon niya na magpakasal dito sa kabila ng mga masasakit na salita na binitawan nito sa kanya. Hindi siya pwedeng umurong dahil may pangako na siyang binitawan at higit sa lahat, malapit na kasing ianunsiyo sa publiko ang nalalapit nilang pag-iisang dibdib.

        Kasalukuyan siyang inaayusan ng isang make-up artist dahil ngayong araw ang graduation party ni Blake. Ibig sabihin ay ngayon din iaanunsiyo ang kanilang kasal. Noong isang linggo ay nakapagtapos na rin silang dalawa. Hindi dumalo si Blake sa graduation niya ngunit nandoon naman ang kanyang lolo’t lola pati ang mga magulang nito. Hindi rin siya nito pinapansin  sa mga nakalipas na araw. Hindi na rin ito itinatanong ng mga magulang nito kung ano ang gusto at ayaw nitong ayos sa nalalapit na kasal. Bale-wala rin lang kasi ang mga iyon dahil hindi sumasagot si Blake. Alam niya na desidido pa rin itong hindi ituloy ang kasal. Ngunit wala rin itong magagawa.

        Napabuntong-hininga siya dahil sa mga naiisip. Napatingin tuloy si Crinna sa kanya. Ito ang make-up artist na kinuha ng Mama Cynthia niya. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya sanay na tinatawag ito nang ganoon. Ito kasi ang nagpilit na tawagin na niya itong Mama at Papa Anton naman ang sa ama ni Blake dahil kung tutuusin daw eh isa na silang pamilya.

        “Mukhang malungkot ka ah? May problema ba?” nababahalang tanong nito.

        Ngumiti siya nang pilit. “Wala naman. Marami lang akong iniisip.”

        Tumawa ito. “Sus. Huwag mo munang isipin iyon. Ang isipin mo na lang ang gUwapong fiancé mo na malamang ay hinihintay ka na sa ibaba. Paano mo nga ba nabingwit iyong ubod ng gwapo at yaman na nilalang na iyon?” nanunudyong wika nito.

        Pinikot ko! ngalingaling sabihin niya rito.

        Pinasaya niya ang boses. “Siyempre maganda ako.  Nahumaling siya sa aking kagandahan kaya hindi na niya ako pinakawalan pa. Baka kasi magsisi pa siya kapag pinakawalan niya pa ako. Aba eh hindi naman din siya dehado sa akin hindi ba?” pagbibiro niya rito.

        Kinikilig naman na tumawa si Crinna. Babae ang make-up artist niya pero kung makaasta ito ay parang bakla. Iyong bang parang babaeng bakla.

        “Ay bongga ka girl! Naku kung ako siguro ikaw, malamang ay nagpabuntis na ako. Para naman agad-agad ay may tsikiting na kami ng gwapong jowa ko! At wala na talaga siyang kawala sa akin ‘non.” maarteng wika nito sa kanya.

After AllWhere stories live. Discover now