Chapter Sixteen

351 12 8
                                    

Lia's reason will be finally revealed :)

 Happy reading ^-^

#BlakeCalvinChangeofHeart

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Lia's POV

       WALANG tigil ang pagpatak ng mga luha ni Lia. Nakatunghay siya ngayon sa puntod ng kanyang Lolo Fons at Lola Jean. Nasunog ang bahay nila habang natutulog ang mga ito. Hindi na nakalabas pa nang buhay ang mga ito.

        Limang araw na mula nang mangyari iyon. Labis na sakit at pighati ang naramdaman niya nang mawala ang mga ito sa kanya. Ni hindi man kasi niya nagawang magpaalam sa mga ito. Bigla-bigla na lang ay iniwan siya ng mga taong pinagkakautangan niya ng lahat ng mayroon siya ngayon.

        Napakabilis ng mga pangyayari at hanggang ngayon ay hindi pa rin matigil ang kanyang pag-iyak. Labis siyang nabigla nang ibalita sa kanya ni Blake ang nangyari sa kanyang abuelo at abuela. Kailanman ay hindi niya naisip na maagang mamamaalam ang mga ito. May pinanghahawakan kasi siyang pangako mula sa mga ito. Binalikan niya ang naging usapan nilang pamilya bago siya nagpakasal kay Blake…..

        “Ano kamong sabi niyo ‘La?” ani niya sa mga ito. Para kasing bigla siyang nabingi dahil sa narinig niya mula rito.

        Huminga ito nang malalim bago ulit nagsalita.

        “Ang sabi ko, your Lolo Fons is dying. May lung cancer siya at stage four na iyon. Ilang buwan na lang ang itatagal niya.” malungkot na sabi nito.

        Bigla siyang napaupo sa narinig. Tinignan niya ang Lolo niya upang humingi ng kompirmasyon. Baka kasi niloloko lang siya ng mga ito.

        Malungkot na ngumiti ang abuelo niya.

        “It’s true hija. Marahil ay napansin mo na bigla akong pumayat at naging sakitin. Dahil iyon sa sakit ko.” paliwanag nito sa kanya.

        “Pero sabi niyo pulmonya lang ang sakit niyo. Bakit bigla naging cancer iyon?” nalilitong tanong niya rito.

        Ang Lola Jean niya ang sumagot.

        “Iyon nga rin ang akala namin. Pero nang suriin ulit ang Lolo mo ay cancer pala ang sakit niya at malala na iyon. Pain relievers na lang ang mga iniinom na gamot ng lolo mo dahil ang sabi ng doctor ay hindi na raw makakatulong ang kahit ano pang klase ng gamutan.”

        Tuluyan nang pumatak ang mga luha niya. Ginanap niya ang kamay ng abuelo.

   “This can’t be happening. Kailangan mong lumaban ‘Lo. Marami pa tayong gagawin na magkakasama. Hindi ba nangako ka na ihahatid mo ako sa altar sa araw ng kasal ko? Kailangan mong tuparin iyon Lolo.” umiiyak na niyakap niya ito.

After AllWhere stories live. Discover now