Happy Reading!
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Lia's POV
NAGISING si Lia sa pakiramdam na parang may nakatitig sa kanya. Hindi nga siya nagkamali dahil pagdilat niya ay ang guwapong mukha ng kanyang asawa ang nasilayan niya.
Tumikhim ito at dali-daling inilayo ang mukha mula sa kanya.
“I was about to wake you up. We’re here.” wika nito.
Binuksan nito ang pinto sa back seat at kinuha ang mga bag nila.
Bumaba siya sa sasakyan at tumingin sa paligid. Medyo madilim pa dahil alas-kuwatro imedya pa lang ng umaga. Mamaya ay lalabas siya para panuorin ang pagsikat ng araw.
Hinawakan ni Blake ang isang kamay niya at hinila na siya papasok sa bahay.
Malaki ang bahay-bakasyunan ng mga Llamanzares. It is a two-storey modern beach house. Halos gawa ito sa salamin at parang wala ka sa Pilipinas kapag tinignan mo ang naturang bahay. Ito kasi ang klase ng bahay na makikita lang sa ibang bansa.
Sinalubong sila ng mga katiwala ng mga Llamanzares, si Manang Patring at ang anak nito na si Alva. Mukhang kagigising lang ng mga ito.
“Goodmorning po, Senorito Blake.” wika ni Manang Patring sa asawa. Kinuha nito ang mga bag na bitbit ni Blake.
Nabigla siya ng biglang tumawa si Blake.
“Naku Manang Rosa, hindi ba sabi ko sa inyo huwag niyo na akong tatawaging Senorito? Para namang ibang tao kayo sa akin.” ani ng lalaki.
Niyakap pa nito ang matanda. Nginitian naman nito si Alva na namula nang husto. Mukhang kinilig pa ito.
Hmph! Bakit kapag ibang tao nakakangiti si Blake? At mabait ito sa kanila. Samantalang sa akin, kulang na lang ay huwag niya akong tignan. himutok niya.
Eh nagtanong ka pa! Alam mo naman na ang sagot diyan. Siyempre pinakasalan mo siya kaya galit siya sa’yo! kastigo ng isang bahagi ng isip niya.
“Lia?” narinig niyang tanong ng asawa.
Tinignan niya ito. “Bakit?”
Umiling-iling ito. “Pasensya na kayo sa asawa ko Manang, Alva. Mukhang kulang pa sa tulog. Mahaba-haba rin kasi iyong biyahe papunta rito.”
Hinarap siya nito. “By the way Lia, ito si Manang Patring at Alva. Sila ang mag-aalaga sa atin habang nandito tayo. Guys, this is Lianne, my wife.”
YOU ARE READING
After All
Romance"After all these years, ikaw pa rin ang kahapon, ngayon, at bukas ko." - Lia Llamanzares Blake Calvin Llamanzares had always been Lia's dream man. Unang pagkakita pa lang niya rito ay nabihag na nito ang puso niya. Simula noon ay minahal na niya it...