Chapter Eleven

322 13 1
                                    

Happy Reading! Please follow me, vote and place a comment.  Para naman mamotivate ako na tapusin na ito. Thank you readers! Lots of love from yours truly! :*

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Lia's POV

      NAKAHARAP silang dalawa ni Blake kay Judge Dominic Pabustan. Ngayon ang kanilang civil wedding. Kasama nila ang mga magulang ni Blake, ang kapatid nito na si Katherine o Kath, at ang lolo at lola niya. Hindi na sila nag-imbita ng ibang mga tao dahil gusto ni Papa Anton na maging pribado ang kasal nila ng anak nito.

        Marami ang nagulat nang mabalitaan ng mga tao na uunahin muna nila ang civil wedding. Ang inaasahan na kasing mangyari ng mga ito ay isang malaki at magarbong church wedding. Ngunit kinausap siya ni Blake upang sabihin sa mga magulang nito na ang gusto lang niyang kasal ay civil wedding na muna. Sinunod na lang niya ang gusto nito kahit na nahihiya siya sa mga magulang nito. Alam kasi niya na naghahanda na si Mama Cynthia para sa kanilang church wedding. Excited na kasi itong maging manugang siya. Isa pa ay ayaw na niyang lalong galitin pa si Blake kung sakaling pumayag siya sa church wedding na gusto nina Mama Cynthia.

        Katulad ng sa engagement party ay si Crinna rin ang naging make-up artist niya. Simple ngunit elegante lang rin ang suot niyang white long gown. Nagmamatch din ang suot niyang stilettos sa gown niya. Binigyan din siya ni Mama Cyntia ng mamahaling magkakapares na hikaw, kwintas at bracelet. Ang mga iyon ang suot niya ngayon kasama ang diamond engagement ring na ibinigay ni Blake sa kanya. Ang hula niya ay inutusan lang ito ng mga magulang na ibigay sa kanya ang naturang singsing.

        Samantala, si Kath naman ang pumili sa suot niya. Ang sabi nito ay bagay raw ang suot niya sa kanyang malaporcelanang kutis. Wala na siyang nagawa kundi sundin ito. Ito ang nakababatang kapatid ni Blake. Galing ito sa America dahil doon ito nag-aaral. Umuwi lang ito sa Pilipinas para magbakasyon. Agad naman silang naging magkaibigan. Mabait kasi ito at kwela. Ito na ang naging kasa-kasama niya sa mga nakalipas na linggo. Napamahal na nga ito sa kanya. Lumobo ang puso niya nang sabihin nito na masuwerte ang kuya nito dahil napakaganda niya raw. Idinagdag pa nito na kapatid na rin ang turing nito sa kanya.

        “With the power vested upon me, I now pronounce you, man and wife. You may now kiss your bride.” ani ni Judge Pabustan. Ngumiti ito sa kanila.

      Iniangat ni Blake ang mukha niya at hinalikan siya sa labi. Dampi lamang iyon ngunit pakiramdam niya ay para na siyang hinalikan nito nang maalab.

        Tinignan niya ito. Katulad ng dati ay wala na naman itong pinapakitang emosyon.

        Nagpalakpakan ang mga mahal nila sa buhay. Pawang may ngiti sa mga labi ang mga ito. Hindi tuloy niya napigilang mapaluha. Sana ay maramdaman din niya ang sayang nararamdaman ng mga ito para sa kanya.

        Masaya naman siya dahil asawa na niya si Blake. Siya na si Mrs. Blake Calvin Llamanzares. Sa wakas ay natupad na rin ang kanyang pangarap. Subalit sa kabila ng kanyang kasiyahan ay mayroon pa rin siyang sakit na nadarama. Alam kasi niya na hindi siya mahal ng asawa at hindi siya nito mamahalin kailanman.

        Haayy...ganon-ganon lang ay natapos na ang kasal na pinakahihintay ko. Malungkot na sabi sa sarili. 

      Iba kasi ang inaasahan niyang kasal sa nangyari sa kanya ngayon. Pangarap kasi niyang makasal sa isang magandang simbahan noong siya ay bata pa lamang.

        Bigla siyang napapitlag ng hawakan ni Blake ang mga kamay niya.

        Binulungan siya nito. “Let’s go my dear wife. Let’s celebrate our marriage. Let’s show the people that we are going to heaven when in fact, we are really going to hell.”

After AllDonde viven las historias. Descúbrelo ahora