Chapter Twenty Five

320 8 1
                                    

Happy reading!

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Blakes' POV

PAGKARATING ko sa villa namin ay tulog na tulog pa rin si Lia. Siguro ay napagod ito sa mga nangyari. Alam ko sa sarili ko na mahal ko na ang asawa ko. Hindi naging madali sa kanya ang mga ginawa ko noon pero hindi niya ako sinukuan. She remained by my side even though I don't deserve her anymore. I did not know what she saw in me that made her stay by my side. I guess I am just the luckiest jerk in the whole world.

I am also excited to have our baby rockets. Alam ko na maaring buntis na siya sa mga oras na ito dahil araw-arawin ko ba naman eh tignan ko lang kung wala pa sa loob ng tiyan ang baby rocket #1 namin. Kahit hindi sabihin ni Lia ay alam kong excited na rin siyang maging mommy. Hinawi ko ang mga buhok na nagtatakip sa magandang mukha niya and I stared at the beautiful face in front of me. The face of the woman whom I will spend my forever with. The face of the woman who will become the "rocket mommy" of our baby rockets. And hopefully the face that I will see in our children because I want a mini Lia running around our house. I so badly want to have a little Barbie doll. Our own Barbie doll.

Ginawaran ko ito ng mabining halik sa labi at pagkatapos ay humiga na at niyakap siya nang mahigpit.

Nagising ako sa mga mumunting halik sa aking mukha. Natatawang hinapit ko si Lia sa ibabaw ko at binulungan.

"Gusto mo ba ng sexytime.....hhhmmm......hon?" Pang-aasar ko sa kanya. Alam ko kasi na ginigising niya lang ako kaya niya ako hinalik-halikan.

Naiinis na hinampas niya ako sa tiyan.

"Magtigil ka nga Blake Calvin. Kanina pa kumakatok si Liam. Mag-aalmusal na raw at pagkatapos ay uumpisahan na iyong mga games. Kaya tumayo ka na riyan at mag-ayos na." Wala na akong nagawa kung hindi ang sumunod sa kanya.

Pagkadating naming sa function hall ay nagsisimula na silang kumain. Dumiretso kami sa table kung nasaan sina Liam.

"Pare buti naman at lumabas na kayo. Akala ko ay hindi na kayo lalabas eh. Pinagod ka ba kagabi nitong si Blake ha Lia? Minsan nga ay tanggihan mo para naman hindi mukhang tanga na ngumingiti mag-isa at nakatunganga lang kahit nasa opisina na." Nang-aasar na tanong ni Kent.

Naiiling na natatawang niyakap ko si Lia. Tinago nito ang mukha niya sa dibdib ko. Alam ko na pulang-pula na ang mukha nito sa sobrang hiya.

"Pasensiya na pre. I just can't get enough of my wife. Two years of marriage and it still feels like we are just in the honeymoon stage." Umupo na kami at nagsimulang kumain.

Sumingit bigla si Liam. "I know right. Para ka na ngang linta kung makadikit kay Lia. Kulang na lang ay itali mo ang sarili mo sa kanya. Ayaw na ayaw mong nawawala sa paningin mo e!" Nagtawanan ang mga kasama namin sa mesa.

"Inggit ka lang pre. Manahimik ka na nga at kumain ka na lang diyan." Binalingan ko naman ang asawa ko na ngayon ay masyado yatang ganado sa pagkain.

"Hon dahan-dahan naman sa pagsubo. Hindi ka naman mauubusan ng fried rice at scrambled eggs." Paalala ko sa kanya. Paano ba naman kasi ay sobra siya kung makasubo. Punong-puno ng pagkain ang bibig samantalang fried rice at scrambled eggs lang ang ulam niya. Hindi naman ganito katakaw si Lia kapag ganito lang kasimple ang almusal. Usually mas marami pa akong nakakain kaysa sa kanya pero ngayon para siyang hindi kumain ng isang taon. Inabutan ko siya ng tubig pagkaubos niya ng pagkain sa kanyang bibig.

Nakangiting humarap siya sa akin. "Sorry hon. Sobrang gutom lang talaga ako. Napagod siguro ako sa biyahe. Pwedeng humingi pa ng isang serving ulit?" Nakalabing hiling niya.

After AllWhere stories live. Discover now