Chapter Twenty Seven

440 12 4
                                    

Disclaimer: The following medical terms you will encounter were from google and yahoo. Feel free to message me for any incorrect information. 

Thank you! Happy reading!

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Lia's POV

TILA nabingi si Lia dahil sa narinig mula sa doctor. Nag-umpisa nang sumakit ang kanyang dibdib at tila nahihirapan na siyang huminga.

"Pakiulit nga po ang sinabi mo." Nanginginig na pakiusap niya kay Doctora Sandico.

"Well....I'm so sorry to tell you hija......but there is no baby." Ani nito.

Umiling-iling siya. Hindi pa rin naniniwala sa sinasabi nito. Hindi na rin niya napigilan ang kanyang mga luha.

"Doc ulitin niyo po iyong ultrasound. Baka naman nagtatago lang iyong anak ko at hindi niyo lang siya makita." Pagmamakaawa niya rito.

Binalingan niya si Blake na ngayon ay tahimik lang na nakikinig. Hinawakan niya ang mukha nito.

"Hon 'di ba hindi totoo ang sinasabi niya? Hindi ba nasa loob ko na si Paris? Our baby rocket is already in my tummy 'di ba?" Hinaplos niya pa ang kanyang tiyan. Hindi alintana ang ultrasound gel na nakalagay.

Wala siyang pakialam kung mukha na siyang desperado dahil iyon naman talaga ang nararamdaman niya ngayon. Para siyang mababaliw sa sinabi ng doctor na hindi siya nagdadalang-tao!

Kinuha niya ang probe at iginalaw-galaw ito sa tiyan na. 

"Hon tignan mo nga kung nandiyan na si Paris? Dalian mo! Tignan mo na dali!" Naghihysterical na sabi niya sa asawa. Sunod-sunod ang pagtulo ng kanyang luha dahil sa sobrang sakit ng kanyang nararamdaman.

Naramdaman niyang pumaikot sa kanyang katawan ang mga bisig ni Blake. Hinalikan nito ang kanyang ulo. He was comforting her.

"Tama na Lia. Please hon. Makinig muna tayo sa sasabihin ng doctor." Alam niya na nahihirapan din ito. At dahil doon ay dumoble ang nararamdaman niyang sakit. 

Why is she not pregnant?! Ano bang ginawa niyang mali?!

Matagal bago siya napatahan nito. Noong huminto na siya sa pag-iyak at medyo kumalma na ay nagsimula ng mag-explain ang doctor.

"Lia, I am sorry to tell but you are not pregnant hija. You have just experienced pseudocyesis or false pregnancy."

Si Blake ang unang nagtanong. 

"Pero paano pong hindi buntis ang asawa ko? Gayong naexperienced po niya lahat ang mga symptomas ng isang buntis like nausea, vomiting, weight gained and enlargement of breasts.Heck! She was also having mood swings! At hindi rin naman po kami gumagamit ng contraceptives so malaki po talaga ang chance na mabuntis siya. Bakit nagkaganito?!" naiinis na tanong nito.

"Calm down hijo. I know both of you are still in the state of shock and denial. Alam ko naman iyon. Pero ang lahat ng iyon ay dahil ganoon ang pseudocyesis. People with pseudocyesis experience the symptoms of pregnancy with the exception of an actual fetus."

"Ano po ang causes nito doc?" Tanong niya rito.

"Wala pang exact cause ito but some say that when a woman has an intense desire to get pregnant, her body may produce some pregnancy signs and her brain might misinterpret those signals as pregnancy. Napepressure ba kayo ng mga tao sa paligid niyo to get pregnant already hija? Maari kasing maging isang factor ito."

"Hindi naman po doc. In fact we are so relaxed and confident that we will conceive a baby immediately." Sagot niya rito.

Totoo naman kasi iyon. Hindi naman sila napepressure masyado. Alam niya na gustong-gusto ng magka-apo ng mga magulang ni Blake at sila rin namang dalawa ng kaniyang asawa ay gustong-gusto ng magka-anak. But it was their own decision to start their own family already. Not someone else's.

Tumango-tango ang doctora.

"What will be the treatment for this doc?" muli niyang tanong. Pinatatag niya kanyang sarili. Alam niya na malalampasan din nilang mag-asawa ito.

"Actually this is a psychological condition so there is no specific cure for this. I suggest that you will see a psychiatrist or if you want, you can do a counseling together with your husband para matanggal ang emotional pain and trauma that this condition has caused you both. Ang pinaka-importante naman ay ang suporta ng asawa at pamilya mo. I'm sure that Blake will always be there for you naman." 

Naramdaman niya ang pagpisil ng kamay ni Blake sa kanyang balikat. I think she just got the assurance that she needed from her husband-----that he will never leave her side. Dahil doon ay napanatag na siya.

Maya-maya ay biglang nagtanong si Blake. 

"But how come we did not get pregnant doc? We practically do it almost everyday just to get results. Paano pong hindi nabuntis si Lia? Does that mean one of us has a problem?"

Bumuntong-hininga si Doctora Sandico. "About that......Based on my observations, I found out that Lia has PCOS or Polycystic Ovary Syndrome. This is caused by the hormonal imbalance that disrupts ovulation. Kaya hindi siya nagbubuntis."

Bigla naman siyang kinabahan sa sinabi nito. "Does that mean I will never get pregnant doc?" Nanlulumong tanong niya rito.

Nag-umpisa na nanamang pumatak ang kanyang mga luha niya. Hindi niya yata matatanggap kung hindi niya mabibigyan ng anak si Blake.

"You will still get pregnant hija but it will not be easy. It might take a while for you to get pregnant."

Nababahalang tinignan niya ang asawa. Lalo pa siyang naiyak sa nakitang disappointment sa mukha nito.

"What do you mean a while? How long will that take? I will do everything just to get pregnant doc." Desperadang tanong niya rito.

Kaya niyang tanggapin na hindi siya buntis ngayon pero ang malaman niya na maaring mahirapan siyang magbuntis o 'di kaya ay hindi na magkaanak ay hindi niya kaya. Paano na lang ang pinapangarap nilang pamilya ng kanyang asawa? Ang mga baby rockets nila?

"I'm sorry Lia pero hindi magiging madali ang gamutan nito." Malungkot na sabi ng doctor.

"So ibig sabihin nito doc ay may posibilidad na hindi na talaga kami magkaanak?" Lalong sumakit ang puso niya dahil sa tanong nito. Parang pinanlamigan siya dahil sa boses ng asawa. It sounded foreign to her. Parang bumalik ang dating Blake. The cold-hearted Blake.

"I really can't give you a definite answer Blake. It might take days, weeks, months or even years to cure Lia's PCOS. But hijo, hindi impossibleng magkaanak kayo. With the proper medication and attention, Lia will be able to conceive. Depende na lang iyon sa katawan niya kung gaano kabilis ang magiging treatment. I suggest that you will give her your full love, attention and support. You would do that right?" tanong ng doctor dito.

Tila nalito si Blake sa tanong ng doctor. Siay naman ay walang nagawa kung hindi ang umiyak lang ng umiyak habang naghihintay sa magiging sagot nito. Hindi na siya makahinga dahil sa sobrang pag-iyak.

At noong sumagot ito ay tuluyan na siyang ginapos ng dilim. Patungo sa lugar kung saan pansamantala niyang makakalimutan ang sobrang sakit na kanyang naramdaman dahil sa naging sagot nito.

"I can't......"

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Ouch. Can you feel Lia's pain? :(

Vote. Comment your violent reactions (haha). Be a Fan.

Thank you!



After AllWhere stories live. Discover now