Chapter One

1.6K 29 5
                                    

Enjoy reading. Be a FAN. VOTE AND COMMENT. THANK YOU!

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Lia's POV

"GOODMORNING my love!" masayang wika ni Lia sabay halik sa katabing pader. Doon kasi nakadikit ang mga larawan ng kanyang sinisinta, si Blake. Simula kasi noong una niya itong makita ay nabihag na nito ang kanyang puso. Hindi na rin niya napigilan ang sarili na kolektahin ang mga larawan nito na nakikita niya sa mga diyaryo at magazines. Madalas kasi itong mafeature sa mga pahayagan dahil sa angking kasikatan. Tandang-tanda pa nga niya noong una niya itong makita. Masayang binalik-tanaw niya iyon....

Hindi na mabilang ni Lia kung nakailang ikot na siya sa buong university pero hindi pa rin niya makita ang kanyang classroom. Unang araw kasi ng pasukan kaya naliligaw pa siya. Idagdag pa na iyon din ang unang tapak niya sa napakaprestihiyosong university sa kanilang bayan, ang St. Benedict's University.

Huminga muna siya nang malalim at inumpisahang maglakad ulit. "Kaya ko 'to." puno nang determinasyon na sabi niya sa sarili.

Lumipas ang halos thirty minutes ay hindi pa rin niya nakikita ang classroom. Nagpasya muna siyang umupo sa isang bench at magpahinga.

"Go Blake! Go! Go! Go!" Naagaw ng atensiyon niya ang mga malalakas na sigaw na iyon. Malapit na pala siya sa gymnasium kaya medyo maingay na sa paligid. Tumayo na siya at nagdesisyong pumunta sa gym. Nacurious kasi siya. Hindi niya akalain na may isang lalaki na titilian ng mga babae nang ganoon katindi. Gusto niyang makita ito. Gusto niyang malaman kung karapat-dapat ba ito sa mga tiliang iyon.

Pag-apak pa lang niya sa gymnasium ay nakarinig na nanaman siya ng ubod na lakas na tili mula sa mga nanunuod. Nang tignan niya ang dahilan ng mga iyon ay napanganga na lang siya. Tila biglang huminto ang pag-ikot ng mundo niya. Ang tanging nakikita na niya lang ay ang guwapong lalaki na tumatakbo papunta sa court. Napabuka ang bibig niya sa sobrang paghanga rito. Hindi nawala ang angking kakisigan nito kahit na tumatakbo ito ng pawisan. Mas lalo pa ngang nakadagdag iyon sa karisma nito. Maya-maya lang ay nagslum dunk ito. Muli na nanaman nagtilian ang mga nanunuod at parang siya rin ay gusto nang tumili. Marahil na ang lalaking pinagkakaguluhan ng mga sandaling iyon ay si Blake. At talaga namang karapat-dapat ito sa mga tiling iyon.

Nanghihinang napaupo siya sa isang upuan dahil tila tumili rin ang kanyang puso. Napakabilis kasi ng tibok niyon. Alam kasi niya na sa mga sandaling iyon ay pati puso niya ay na-islam dunk na rin nito...

Isang tawag ang nagpabalik sa kanya sa kasalukuyan. Tinatawag na siya ng kanyang Lola Regina.

"Lia lumabas ka na riyan at nang makapag-almusal ka na. Mahuhuli ka na sa klase mo." wika nito.

"Nandiyan na 'La." sagot niya rito.

Nadatnan niya ito at ang Lolo Alfonso niya na nag-aalmusal na. Hinalikan niya sa pisngi ang dalawa.

"O ano, nagsalita na ba 'yang Blake mo? Lagi mo na lang hinahalikan ang mga larawan niya ah. Cge ka, baka isang araw magsalita na ang mga iyan." pang-iinis ng Lolo Fons niya.

Hinampas niya ito. "'Lo naman eh." Tinawanan lang siya nito. Hindi kasi lingid sa mga ito ang lihim na kabaliwan niya kay Blake.

Tinignan niya ito. Mukhang mas lalong nabawasan ang timbang nito. Lately ay pumayat ito nang husto at naging sakitin. Hindi na niya ito pinagtatrabaho dahil patapos na rin naman siya. Isa pa ay may buwanang pensiyon naman na dumarating sa mga ito dahil pareho ng retiradong guro ang mga ito. Pero minsan ay nagkukulang pa rin ang mga iyon kaya nagtatrabaho rin siya sa isang bar and restaurant para makatulong sa mga ito. Masyado pa kasing maraming gastusin ang kailangang bayaran kaya tumutulong na rin siya sa mga ito. Idagdag pa ang mga gamot na iniinom ng Lolo Fons. May kamahalan rin kasi ang mga iyon.

"'Lo mukhang lalo yata kayong pumayat ah. Iniinom niyo ba iyong mga gamot niyo?" puno nang pag-aalala na tanong niya rito.

May pulmonya ito ngayon at kasalukuyan pa itong ginagamot.

Nagtinginan muna ang mga ito bago siya sinagot. "Oo naman. Mas malakas pa yata ako sa kalabaw." ani nito.

Itinaas pa nito ang mga braso at nagflex.

Nangingiting tumango-tango siya. "Mabuti naman 'Lo. Kailangan niyo talagang mabuhay nang mahaba dahil ihahatid mo pa ako sa altar sa araw ng kasal ko." pagbibiro niya rito.

Nagkatawanan ang dalawang matanda. "Aba eh oo naman. Ikaw pa. Matitiis ko ba ang nag-iisang anghel namin? Love na love kaya kita." wika nito sabay halik sa kanyang ulo.

Sa mga ganoon pagkakataon ay parang lolobo ang puso niya sa sobrang kaligahayan. Araw-araw ay nagpapasalamat siya sa Diyos dahil ibinigay siya Nito sa mga ito.

"Asus. Nagdrama na nanaman kayo." Naluluhang sabi niya sa mga ito.

Pinasaya niya ang tinig. "Kumain na nga lang tayo."

Pagkatapos kumain ay naligo muna siya. Habang naliligo ay iniisip niya ang biglaang pagpayat ng Lolo Fons niya. Ayon sa kanyang Lola Jean ay maayos naman daw ang lagay ng kanyang abuelo. Pero hindi pa rin mawala ang pagdududa niya. Para kasing may itinatago ang dalawa sa kanya.

Hanggang sa pagbihis ay iyon pa rin ang iniisip niya. Paano kung naglilihim nga ang dalawa sa kanya? Mabilis na pinalis niya ang ideya. Hindi magagawa iyon ng mga ito sa kanya. Napatingin siya sa relong pambisig. Late na siya! Muli muna niyang hinalikan ang mga litrato ni Blake. Iyon kasi ang energy booster niya.

"Goodbye my love! See you later!"

Tumakbo na siya palabas para mag-abang ng jeep.

After AllWhere stories live. Discover now