Chapter Seventeen

382 14 4
                                    

Rated SPG.

Read at your own-risk. And please be open-minded. ^-^

Happy reading ^_^

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Lia's POV

        “HON, we need to change our clothes. Baka magkasakit tayo nito.” ani ni Blake sa kanya.

        Kakauwi lang nila sa penthouse. Dadaan pa sana sila sa mansiyon pero napagpasyahan na nilang dumiretso nang uwi dahil basang-basa na sila mula sa ulan.

        Tinaasan niya ito ng kilay at humagikgik.

        “Hon talaga? At kailan mo pa ako naging hon ah?”  tanong niya rito.

        Nahihiyang niyakap siya nito.

     “Dati pa kaya. Di mo lang talaga napapansin iyon. Yup. That’s my endearment to you. ‘Di ba hon?” itinaas-taas nito ang mga kilay at hinalikan ang ilong niya.

      Natatawang inilayo niya ang mukha rito.

     “Ayoko nga. Hindi pa ako umo-oo noh. You need to catch me first para maging hon mo ako.” pilyang sabi niya sabay takbo sa may kusina.

        “Ah ganon ah! Humanda ka sa akin ‘pag nahuli kita!” ani nito sabay takbo palapit sa kanya.

        Para silang mga bata na naglalaro. Hindi niya ito hinayang makalapit sa kanya. Hindi rin naman ito tumitigil sa paghabol sa kanya. Nang mapagod na siya ay umupo na siya sa sofa.

        Nilapitan siya ng asawa at niyakap.

        “Gotcha.” Sabay halik sa kanyang pisngi.

        Humihingal na binalingan niya ito. Akmang magsasalita siya pero bigla siyang natigilan.

        The way her husband looks at her right now is full of admiration and affection. It is like he wants to make love  to her right here, right now.

        Bigla tuloy siyang napalunok. Hinaplos nito ang kanyang pisngi.

        “You are so beautiful hon.” ani nito na hindi pa rin inaalis ang pagkakatitig nito sa mukha niya.

        Pinamulahan siya ng pisngi. Tatayo na sana siya pero hindi na niya nagawa iyon dahil siniil na nito ng halik ang mga labi niya.

        Ipinikit niya ang mga mata at ninamnam ang paggalaw ng labi nito sa kanya. He kissed her slowly, softly, his lips sucking hers gently. Hinawakan siya nito sa batok at hinila siya nang mas malapit. She moaned and she started to kiss him back, passionately and urgently. He tilted her head and kissed her deeper.

After AllWhere stories live. Discover now