Chapter Five

406 14 1
                                    

Lia's POV

       GUSTO nang magpalamon sa lupa ni Lia ng mga sandaling iyon. Bakas na bakas kasi sa mukha ng Lolo Alfonso at Lola Regina niya ang galit sa nakikita ng mga ito ngayon.

        “Anong ibig sabihin nito ha Lia?!” sigaw ng lolo niya.

       Napangiwi tuloy siya. Natatarantang tinignan niya si Blake. Wala kasi siyang maisagot.

        “I’m sorry po Sir.”  ani ni Blake.

        Tila lalo naman nagdilim ang mukha ng lolo niya sa sinagot ng binata.

       “Iyon lang ba ang sasabihin mo sa amin?”

        Iniumang nito ang hawak na taga na parang tinatakot si Blake. Napaatras naman ang huli.

       Sinaway niya ito. “Lolo! Ibaba mo nga iyan. Baka lalong matakot si Blake sa inyo.” sabi niya.

       Binalewala lang siya nito. “O ano lalaki? Anong balak mo? Aba eh hindi ka ba nahihiya na pinagsamantalahan mo itong anghel namin?”

        Tumingin si Blake sa kanya na puno nang kapilyuhan. May gana pa talaga itong magbiro sa mga ganitong sitwasyon.

        Nag-init tuloy ang pisngi niya. “’Lo naman eh. Hayaan mo na lang ito. Pareho naman naming ginusto ang nangyari.”

        Huminga ito nang malalim at nilapitan sila. Kahit ang lola niya ay sumunod din. Lalo tuloy siyang kinabahan.

        “Lolo-------“ Napahinto siya ng tignan siya nito nang matalim.

        Hinarap nito si Blake.

        “Kailangan mong pakasalan ang apo ko!” ani nito sa galit na tinig.

        Marahas na nagkatinginan silang dalawa.

        Napaamang ito. “Ho?! Kailangan ko siyang pakasalan?”

      “Oo. Kailangan mo siyang panagutan. Paano na lang kung magbunga ang nangyari sa inyo ngayon?” paasik na tanong nito. “Aba eh ayaw ko naman na nadedehado ang apo ko!”

        Napalunok si Blake sa mga narinig. Tila hindi na rin nito alam ang gagawin.

      Sinalo niya ito. “Lola suwayin mo nga si Lolo. Hindi naman ako kailangang pakasalan ni Blake dahil dito.” pakiusap niya sa abuela.

      Malungkot na tumingin ito sa kanya. “Hija, hindi mo ba naririnig ang sarili mo? Ikaw ang nawalan at nadehado. Ipinagtatanggol lang namin ang dangal mo. Saan ba kami nagkamali ng lolo mo?” naiiyak na sagot nito.

After AllМесто, где живут истории. Откройте их для себя