Chapter Six

364 14 2
                                    

Happy Reading. Here's another update for you readers! Thank you for the support!

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Blake's POV

        PAPASOK pa lang si Blake sa gymnasium ay nilapitan na siya ni Liam. Alam niya na mang-iintriga na nanaman ito.

        “O pare kumusta?” tanong nito.

        Ito ang isa sa kanyang pinakamatalik na kaibigan. Ang isa pa niyang kaibigan ay si Kent na malamang ay late na nanamang dumating. Hobby na kasi nito ang pagiging late. Ang mga ito ang kasangga niya sa lahat ng bagay. Bukod sa pagiging magkaibigan ng kanilang mga magulang, sabay-sabay din silang lumaki at magkakasama sila sa basketball team sa kanilang unibersidad. Halos pareho rin sila ng mga hilig kaya naman ay magkasundong-magkasundo silang tatlo. Ang mga ito rin kasi ang kasama niya noong makipaghiwalay si Shey sa kanya kaya marahil ay kinukumusta siya nito.

          Nagkibit-balikat lang siya. “Heto ayos naman. Ano bang gusto mong marinig ha?”

         Tumawa lang ito.

        “Wala naman p’re. Balita ko kasi ay nalasing ka nang husto sa isang bar noong isang gabi. At narinig ko rin na isang magandang chick ang kasama mo pauwi. So what happened? Magkwento ka naman.” Sabay suntok sa kanya sa balikat.

       Kasalukuyan silang nagwawarm-up para sa basketball practice nila. Huling laban na kasi ng team nila sa isang linggo kaya puspusan na ang kanilang pag-eensayo.

          Tinawanan lang rin niya ang tanong nito. “The usual siyempre.”

        Ang the usual na sinasabi niya ay ang mga one-night stand experiences niya. 'Yong bang mga "casual encounters" na sinasabi rin ni Fabio Ide. Ang pinagkaiba nga lang ay lagi siyang maingat. Sinisigurado niya muna na may proteksyon siyang suot.  Si Fabio Ide kasi ay nagkaanak dahil sa isang casual encounter niya. Mahirap na baka bigla siyang magkaroon ng ganoong responsibilidad.

          Napahinto siya sa pag-iisip. Naalala niya tuloy si Lia.

         Did I used protection yesterday? Sh*t! I can't remember! Hindi pala namin napag-usapan kung ano ang gagawin namin kung sakaling magbunga ang nangyari kagabi! You are so stupid Blake! 

        Tinapik siya ni Liam kaya bigla siyang napahinto sa pag-iisip. Maya-maya lang ay dumating na rin si Kent at nakisali na rin sa usapan. Sadya talagang napakatsismoso ng mga kaibigan niya.

    “Woah. Maganda ba talaga iyong chick? Baka naman gusto mong ipakilala sa amin? Magaling ba? Gusto mo kami naman ang tumikim? Malay mo mas magaling pala kami kaysa sa iyo pre!” puno nang kalokohan na sabi nito.

        Mga g*go talaga! Minsan ang sarap din bigwasan ng mga ito kahit mga kaibigan niya.

      Naningkit ang mga mata niya sa narinig mula rito.

     “Hindi mga pare. Tumigil na kayo. Ituloy niyo na lang ang pag-iistretching ninyo. Maya-maya lang ang tatawagin na tayo ni Coach.”  mariing wika niya.

       Hindi niya alam pero ayaw niyang ipagsabi sa kahit na kanino ang nangyari sa kanila ni Lia. He just wanted to keep the things that happened between them to himself. Para kasi sa kanya ay masyadong pribado at sensitibo ang nangyari sa kanilang dalawa. Maybe because she was his first virgin. Sa lahat kasi ng mga naging experiences niya---na hindi biro ang dami---ay kay Lia lang siya naging una. He knows that Lia is a decent woman that is why he wants to protect her.

        Subalit, marahil ay nagtataka na ang kanyang mga kaibigan sa inasal niya. Nakaugalian na kasi nilang magkakaibigan na magkwento sa mga “the usual” na nararanasan nila. At ngayon lang siya hindi nagkuwento; kahit kasi ang kay Shey na tinuring niyang first serious relationship ay nasabi niya sa mga ito.

        Hindi naman na nagtanong ulit ang mga ito. Alam kasi ng dalawa na kapag ganoong tono na ang kanyang ginamit ay nainis na siya ng mga ito. Hinahayaan na lang muna siya makapagcool down bago kausapin uli.

        “Okay team. Let’s get going!” narinig niyang sigaw ng Coach nila.

        Pinalis muna niya sa isipan ang lahat ng iniisip at sinimulang magconcentrate sa practice game nila.

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Lia's POV

        SAMANTALA, kaharap naman ni Lia ang kanyang Lolo Fons at Lola Jean. Kakasabi niya pa lang na ayaw niyang magpakasal kay Blake kahit na mahal na mahal niya ito. Ayaw niya kasing itali ang lalaki sa kanya nang walang pagmamahal na manggagaling dito. Siya rin naman kasi ang magdudusa sa huli.

        Nagkatinginan ang matanda. Bigla tuloy siyang kinabahan. Paano kung ipilit pa rin ng mga ito ang gusto? Ano ang mangyayari kay Blake? Sa kanya? Siguradong kamumuhian lang siya nito. Alam kasi niya na mahal na mahal nito ang kalayaan na tinatamasa nito. Hindi ito basta-basta lang magpapatali sa isang babae. Isa pa ay alam niyang mahal pa nito ang dating nobya.

        Hinawakan ng lola niya ang kanyang dalawang kamay.

        “Hija, may kailangan kang malaman.”

        “A--a--ano po iyon?” pigil-hiningang tanong niya.

        At sinimulan nang sabihin ng Lola Jean niya ang isang bagay na magpapabago sa buhay niya at ng kay Blake. Alam niya na hindi na siya patatawarin ng huli dahil sa desisyon na gagawin niya. Ngunit gagawin pa rin niya iyon alang-alang sa mga taong nagmahal at nag-aruga sa kanya.

         Sana lang ay maintindihan ni Blake ang magiging desisyon niya.

        “Diyos ko po, tulungan Niyo ako! “ piping dasal niya.

After AllWhere stories live. Discover now