Chapter Twenty

400 10 3
                                    

Happy reading readers ^-^

Rated SPG. 

Read at your own risk.

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Lia's POV

        NAPALAKAS ang sampal na naibigay ni Lia kay Blake pagkatapos niyang marinig ang sinabi ng piloto.

       "Aray naman! Battered husband na talaga ako nito honey!" reklamo nito habang hinihimas -himas nito ang pisngi.

        Nakatitig lang siya rito. Gulat na gulat pa rin kasi siya.

        "P-p-aris?!"

        Hindi makapaniwalang tanong niya rito. Ayaw pa kasing magsink-in sa utak niya na nasa Paris, France na siya ngayon.

        Kinuhanan siya nito ng litrato. Tumatawang tumango lang ito.

        "Eiffel Tower?" tanong niya ulit.

        "Uh-huh. We will have dinner in one of the restaurants there one of these days." ani nito.

     Masayang niyakap niya ang asawa at pinaghahalik ang mukha dahil sa sobrang kasiyahan. Pangarap kasi niya ang pumunta sa Paris at makita ang famous na Eiffel Tower. 

        "This is my other anniversary gift to you. Happy?" tanong nito sa kanya.

        Naluluhang tinignan niya ito.

       "Oo. Sobra. Nakakainis ka ah! Sobra mo na akong iniispoil. Thank you!" sabi niya rito.

       Niyakap siya nito nang mahigpit.

        "Okay lang honey. I love spoiling you. And seeing your happy face makes me happy too. Tara na at bumaba na tayo." Nasa loob pa rin kasi sila ng eroplano.

       Pagkarating sa hotel ay agad na lumapit sila sa receptionist. Inilibot niya ang kanyang paningin. Sobra ganda ng lobby ng hotel at halatang mahal ang pag-iistay dito. Mala-palasyo nga ang dating nito sa sobrang ganda.

       Halos mga French people lang din ang mga nakikita niya sa hotel. Though may iba rin namang lahi tulad ng Koreans at siyempre Filipinos.

        "Réservation pour monsieur Blake Calvin Llamanzares s'il vous plaît."

        Narinig niyang sabi ni Blake. Magaling pa lang mag-French ang asawa niya. Ang alam niya lang yatang french word ay "Je t'aime" na ang ibig sabihin ay "I love you".

        "Juste un instant monsieur" sabi ng receptionist.

        Maya-maya lang ay may inabot na susi ang babae.

       "Ici est la clé. Chambre 531 monsieur. Profiter de votre séjour" nakangiting sabi nito.

      Medyo napatagal ang pagkakahawak ng babae sa kamay ng asawa niya kaya tumikhim siya.

      Hello! Wife here! Kulang na lang ay sabihin niya ito sa babae.

        Inabrisete niya ang kamay sa braso ni Blake.

     "Anong sabi niya hon? Bakit masyado yatang tumagal ang pag-aabot niya ng susi sa iyo?"

      Tumawa ito.

After AllWhere stories live. Discover now