Happy reading readers ^-^
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Lia's POV
MONTHS passed and they are now celebrating their second wedding anniversary. She still can't believe na tumagal sila ng dalawang taon ni Blake. Their relationship had turned into a full spin. From being a dull, loveless one, it now became a happy, sweet and satisfying relationship. Para siyang nakalutang sa ulap nitong mga nakaraang buwan. Ngayon nga ay nasa sasakyan sila at kasalukuyang nagbibiyahe. He said that he will take her somewhere special.
"Hon, are we there yet?" naiinip na tanong niya.
He chuckled and held her hand.
"Malapit na hon. Konting tiis na lang."
Ilang minuto pa ay huminto na ang sasakyan.
"We're here." anunsiyo nito.
Lumabas ito at pinagbuksan siya ng pinto.
"We're going to have dinner."
Iminuwestra nito ang braso at masuyong inabrisete ang kamay niya.
Iginala niya ang paningin. Nasa isang fine dining restaurant sila. Mabuti na lang at kapwa nakaformal attire din sila kaya hindi sila na out of place. The restaurant has a cozy, romantic ambiance. Nakadagdag pa ang mga love songs na tinutugtog ng piyanista gamit ang isang grand piano. Parang Valentine's Day ang araw na iyon. Marami-rami na rin ang mga tao sa loob.
Iginaya sila ng isang waiter sa isang mesa. Si Blake na ang nag-order.
"We'll have two medium cooked steak and a bottle of champagne." ani nito.
Binalingan siya ng asawa.
"So honey, anong gift mo sa akin?" tanong nito.
She saw mischief in his eyes. Alam niya na aasarin na nanaman siya nito.
Ngumiti siya nang matamis.
"Later hon. I'll give it to you. When we got home." nanunuksong bulong niya rito.
Nanlaki ang mga mata nito. Kapagkuwan ay ngumiti ito nang malapad.
"Aasahan ko 'yan ha." sabay pisil sa kamay niya.
She rolled her eyes. There goes her insatiable husband.
They ate happily during the entire evening. Nagkukuwentuhan sila sa mga nangyari sa kanila ng araw na iyon. They are now enjoying the champagne nang bigla itong tumayo.
"I'll just do something." paalam nito sa kanya.
Hinalikan nito ang noo niya bago ito umalis.
She is busy drinking her champagne when suddenly, umalingawngaw sa paligid ang boses ng asawa. Nakaupo ito sa pwesto ng piyanista. Wala siyang nagawa kundi pakinggan na lang ito.
"Goodevening ladies and gentlemen. Today I would like to play a song for my beautiful wife, Lianne." sabi nito gamit ang mikropono at itinuro siya.
Napatingin tuloy ang mga tao sa kanya. Namula ang mga pisngi niya dahil sa mga nanunuksong ngiti ng mga tao sa kanya.
Nag-umpisa itong tumugtog. Tinitigan siya nito.
YOU ARE READING
After All
Romance"After all these years, ikaw pa rin ang kahapon, ngayon, at bukas ko." - Lia Llamanzares Blake Calvin Llamanzares had always been Lia's dream man. Unang pagkakita pa lang niya rito ay nabihag na nito ang puso niya. Simula noon ay minahal na niya it...