Chapter Fifteen

305 15 3
                                    

Kasi naghihingi na ng update ung mga friends ko! Hahaha

Enjoy reading friends and gals ^_^

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Blake's POV

        "GOODMORNING po, Sir Blake." ani ni Jha sa kanya.

        Pinagbuksan siya nito ng pinto dahil nakalimutan niyang bitbitin ang sariling susi. Kakauwi niya lang mula sa bahay ni Kent. Doon kasi siya nakatulog dahil nalasing siya nang sobra kagabi. Hindi na siya pinagmaneho ng mga ito dahil baka madisgrasya pa raw siya.

        "Goodmorning din. Nasaan ang Ma'am Lia mo?" tanong niya rito.

        "Nasa kwarto pa po. Baka natutulog pa. Hindi pa po kasi siya lumalabas." sagot nito.

        Tinignan niya ang relong pambisig. Alas-otso na ng umaga pero hindi pa rin nagigising si Lia. He found it weird. Sa loob kasi ng halos isang taon na kasama niya ito ay napansin niya na maaga itong nagigising. Usually, she was already awake at seven am. Pati nga siya ay nahawa na rin nito sa pagiging morning person.

        Nakita niya si Jha na may itinatapon sa basurahan. Nilapitan niya ito.

        "Ano iyan? Bakit mo itinatapon?"

        "Nilagang baka po. Niluto po ni Ma'am Lia kagabi para sana sa inyo. Kaso Sir hindi naman po kayo umuwi kaya wala ring kumain. Nasira lang tuloy. Sayang po, pinaghirapan pa naman ni Ma'am na lutuin ito. Pumunta pa nga po siya sa mansiyon para hingin iyong recipe ni Ma'am Cynthia. Paborito raw po kasi ninyo iyong recipe ng nilagang baka na niluluto ng mommy niyo. Excited pa naman po siya na patikman ito sa inyo." ani nito.

        Parang piniga ang puso niya sa narinig. Bigla tuloy siyang naguilty.

        Alam kasi niya na nag-aaral pa lang magluto ang asawa dahil hindi talaga ito marunong magluto. Alam rin niya ang effort na ibinigay nito para lang mailuto ang paboritong ulam niya. Hindi kasi basta-basta ang pagluluto riyon. Dapat ay ang recipe ng mommy niya ang ginagamit. Otherwise, hindi niya ito magugustuhan.

        "Sayang nga. Cge magbibihis na muna ako. Ipaghanda mo na lang ako ng kape." sabi niya rito.

        Pumasok siya sa master's bedroom at nakakabinging katahimikan ang sumalubong sa kanya. Simula kasi ng tumira si Janine sa bahay nila ay kinailangan na rin nilang magsama ng asawa sa iisang kwarto. Mahirap na, baka kasi magsumbong ito sa mommy niya.     

        Naabutan niya si Lia na nakaupo sa kama. Mukhang kanina pa ito gising at tila hinihintay lang siya.

       Tumikhim siya para maalis ang guilt at kabang nararamdaman niya. He was planning to apologize to her.

         "Uhm Lia I'm--------" Hindi niya naituloy ang sinasabi dahil tinignan siya nito.

         Namumula ang mga mata nito, halatang umiyak ito. Lalo tuloy siyang naguilty.

        "Don't apologize Blake. I deserve this anyway. If hurting me and making me cry will make you happy, then do it. I will accept all of it. I know this is your revenge to me. Besides, kasalanan ko naman talaga. Kaso minsan hindi ko pa rin maiwasang itanong kung bakit galit na galit ka sa akin. Why do you hate me so much Blake?"

        Malungkot itong ngumiti. Mukhang naiiyak na rin ito.

        Gusto niya niyang mag-sorry rito. Sobrang naguguilty kasi siya at gusto na niyang sipain ang sarili dahil pinaiyak niya ang asawa.

       Great! Ngayon mo lang talaga na-realize na napaiyak at patuloy na pinapaiyak mo pa rin ang asawa mo? kutya ng isang bahagi ng isip niya.

       He was about to say something pero pinigil siya nito.

       "Don't. Hayaan mo muna akong matapos." ani nito. There were tears in her eyes now. Itinuloy na nito ang sinasabi.

        "Alam ko na nagtataka ka dahil pinakasalan pa rin kita kahit na ilang ulit kang nakiusap sa akin para umatras ako sa kasal. Hindi ko na sasabihin ang mga dahilan ko dahil hindi na rin kasi naman importante ang mga iyon."

         Tuluyan ng tumulo ang mga luha nito. Pinahid nito ang mga iyon.

        "Alam ko rin na gusto mo nang maging malaya ulit. I'm sure namimiss mo na iyong buhay binata mo. You do not want to be trapped in this loveless marriage that we have." Tinignan siya nito.

      "So..........I'm giving you your freedom Blake. You are free now. Magfifile na ako ng petition for annulment within these days. You can be happy again. Hindi na ako magiging hadlang para gawin mo ang lahat ng gusto mo. I'm setting you free." Malungkot itong ngumiti.

      "Huwag mo pa lang alalahanin sina Mommy Cynthia, ako na ang bahalang kumausap sa kanila. Alam ko maiintindihan nila ang sitwasyon natin. Aalis na rin pala ako mamaya. Mag-eempake lang ako ng mga gamit. Ang tanging hiling ko lang, sana ay mapatawad mo ako sa mga kasalanan na nagawa ko sa iyo. I'm sorry Blake. For all the troubles that I had caused you. Patawarin mo ako."

      Wala siyang mahanap na mga salita para isagot sa mga sinabi nito. Nalunok niya yata ang sariling dila dahil ang tanging nagawa niya lang ay titigan ang asawa. He was still absorbing the things that she had said. Humihingi ito ng kapatawaran dahil sa mga nagawa nito sa kanya. She is also annulling their marriage. This just means that he will be free again. He will gain the freedom that he desperately wish to have. Dapat ay masaya siya dahil sa wakas ay matatapos na ang problema niya kay Lia. 

      Pero bakit ganoon? Wala siyang makapang kasiyahan sa puso niya. Puro lang iyon kahungkagan at kalungkutan. Nagpasya siyang kausapin na muna ang asawa. Kailangan niyang humingi ng tawad rito.

          Isang tawag ang nagpatigil sa kanyang pag-iisip. Kinuha niya ang cellphone sa bulsa at sinagot iyon. Ang Mommy niya ang tumatawag.

        "Yes Mom. Napatawag kayo?" tanong niya rito.

        Pinakinggan niya ang mga sinasabi nito at tila bigla siyang nanlambot sa nalamang balita.

        "Okay I will tell her Mom. Pupunta po kami agad diyan."

        Tinignan siya ni Lia. "A-anong problema?"

        Hinawakan niya sa balikat ang asawa.

        "Nasunog daw iyong bahay niyo kagabi. Wala na si Lolo Fons at Lola Jean."

        Bumalatay ang pagkagulat sa mukha ng asawa. Niyakap niya ito at kanya sanang dadamayan pero bigla na lang itong hinimatay. Natatarantang dinala niya ito sa kama at pinaypayan.

       Alam niya ng mga sandaling iyon ay kakailanganin ng asawa niya ng isang taong masasandalan. Someone who will be strong for her. Someone who will be there for her. Someone who will never leave her.  And he will be that person.

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Comments? Violent Reactions? Haha


After AllWhere stories live. Discover now