Blake's POV
NATATAWA si Blake habang hinahalikan siya ni Lia na puno nang pagkasabik. Hindi niya lubos maisip na magiging ganito ka-aggressive ang asawa sa kanilang sexytime. Madalas kasi ay siya ang laging sabik dito.
Napatingin siya sa asawa nang bigla itong huminto at humiwalay sa kanya.
"Bakit ka tumatawa Mr. Llamanzares?" nakasimangot na tanong nito.
Hinalikan niya ito ng mabilis. "Nothing hon. Natatawa lang ako sa'yo. I did not know na ganito ka kasabik sa akin. You missed me that much huh?"
Namula ito at muli siyang niyakap.
"I don't know hon. 'Di ko rin maintindihan ang sarili ko. Lately I've been so horny. And my breasts got bigger and sensitive." Nababahalang sabi nito sa kanya.
May hinala na siya sa maaaring kondisyon ng asawa ngunit ayaw muna niya itong sabihin dito. Kailangan muna niyang makumpirma kung tama ba ang kanyang hinala.
"Do you want to go to the doctor? Napansin ko rin na you've gained weight. I mean------"
Hindi na niya natapos ang sasabihin dahil bigla na lamang itong umiyak.
What the hell?! This is one of the symptoms!! Mood swings!!
Naiinis na pinagpapalo siya nito.
"So sinasabi mo na tumaba ako ganon? Na hindi na ako maganda and you don't want me anymore? I hate you!" Singhal nito sa kanya. Patuloy pa rin ito sa pag-iyak.
Inalo niya ito. "That's not what I mean hon. Ang ibig ko lang sabihin ay napansin ko na lumakas ang pagkain mo at medyo nagkalaman ka."
"So sinasabi mo nga na tumaba ako ganon?!" Umiiyak na tanong nito sa kanya.
Niyakap niya ito. "Shhh. Tahan na okay? Always remember na kahit na lumaki ka pa na parang isang refrigerator ay mamahalin pa rin kita hon. Napansin mo naman siguro iyong mga sinasabi ko sa'yo 'di ba? Totoo naman hindi ba?
Tumango-tango naman ito.
He wiped her and kissed her nose. "See kaya stop crying. Hindi maganda iyan para sa'yo. Nahihilo ka pa ba at nasusuka these past few days?"
"Yes."
There goes the symptoms again! Malapit na niyang makumpleto ang mga ito!
Hinawakan niya ang mukha nito ang tinitigan. "When did you last had your menstruation hon?"
Natigilan naman ito at saglit nanag-isip. "I don't know. But I think the last one I had was when we left for Paris. And that was two months ago."
Bingo!
"Could it be....." Naluluhang tanong nito sa kanya at muli siyang niyakap nang mahigpit.
Kahit siya ay hindi napigilan ang emosyon. Pumiyok pa nang konti ang boses niya habang sinasagot ito.
"Yes hon. We could be pregnant right now. I think my wish came true after all. We are going to have a honeymoon baby. I think makikita na natin si baby rocket # 1." Natatawang sabi niya rito.
"Yeah. Baka nasa tummy ko na si Paris Eiffel hon! I am so happy!" Masayang sabi nito.
Hinaplos niya ang tiyan ng asawa.
Kapit ka lang diyan Paris Eiffel ah? Daddy loves you so much anak.
He is so happy right now. Kahapon noong mapansin niya ang pagiging matakaw at iyakin ni Lia ay agad siyang nagresearch "The Symptoms of a Pregnant Woman" at lumabas nga ang mga nakita niyang pagbabago sa asawa niya.
"Magiging daddy ka na hon." Ani ni Lia sa kanya.
Before, just the thought of being a dad makes his heart flutter so fast. But now that the symptoms were confirmed, it feels like he was already on cloud nine! Ilang buwan na lang ay mayayakapo at mahahalikan na niya ang kanyang anak!
"Yeah. I'm gonna be a dad. But we need to be sure first. We are going to the doctor to have you checked."
"But hon we can try the pregnancy test kit first."
Umiling siya. Nabasa niya rin kasi sa kanyang niresearch na mas maganda kung dumiretso na agad sila sa doctor. Hindi naman daw kasi lahat ng kit ay accurate ang results na ipapakita. Mahirap na baka mali pa ang resultang lumitaw doon.
"No hon. Sa doctor na tayo magpapacheck-up. Come on. Let's get ready."
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Lia's POV
PINAGHALONG kaba at excitement ang nararamdaman habang papunta sila sa hospital. Of course she was very happy. Sobra-sobrang saya ang nararamdaman niya lalo pa at magkakaanak na sila ni Blake. Hindi rin naman kasi biro ang ginawa nilang paghihintay para sa kanilang munting anghel. Two years in the making rin kasi ang kanilang baby rocket # 1 kapag nagkataon. Binalingan siya ni Blake na hindi na mawala ang ngiti sa mga labi magmula pa kanina.
"Are you nervous?" Hinawakan nito ang kanyang kamay at hinalikan.
"Yeah. But I'm also excited." Ani niya rito.
Sino ba ang hindi maeexcite? She's gonna be a mom!
"Don't be nervous okay? Everything's gonna be alright. Sige ka, baka mafeel ni Paris iyan at malungkot siya."
Natawa na lang siya sa sinabi nito.
Pagkarating nila sa clinic ng kanilang ob-gyne na si Dra. Karenina Sandico ay agad sila nitong inasikaso. Ito ang ob-gyne na nirecommend sa kanila ni Mommy Cynthia. Matagal na rin itong doctor ng huli kaya naman kampante silang dalawa ni Blake.
"So tell me what do you feel these past few days Lia?" tanong nito sa kanya.
Agad naman siyang sumagot.
"I've experienced nausea and the sudden urge to vomit whenever I smell something bad. I also eat a lot recently and I gained weight. My breasts got bigger and sensitive. And I also got horny." Medyo pinamulahan pa siya sa huli niyang sinabi.
Tumango-tango ito.
"Well based from what you had said, you might be pregnant. But we need to be sure. Did you used a pregnancy test kit?"
Si Blake ang sumagot. "No Doc. We just want to be 100% sure so dumiretso na kami sa inyo."
"Okay. So we just need to do an ultrasound to see if you are really pregnant Mrs. Llamanzares. Please lie down on the bed."
Humiga siya at hinawakan naman ni Blake ang kanyang kamay.
"Don't be afraid okay?" sabi nito.
"Yeah."
Naramdaman niya ang paglagay ng ultrasound gel sa kanyang tiyan at ang paggalaw ng probe. Nakita niyang tumingin ang doctora sa monitor.
"So what can you say doc? How is my baby? Kumusta po ang mag-ina ko?" narinig niyang tanong ni Blake. Siya naman ay kay Doctor Sandico lang nakatingin.
Matagal bago ito sumagot. Iginalaw-galaw pa nito ang probe nang matagal sa ibabaw ng kanyang tiyan bago sila hinarap na mag-asawa. Pigil-hiningang hinintay niya ang sasabihin ng doctor.
"Well......"
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Bitin? I would love to hear your thoughts and reactions!
Vote. Comment. Be a Fan
Thank you!
YOU ARE READING
After All
Romance"After all these years, ikaw pa rin ang kahapon, ngayon, at bukas ko." - Lia Llamanzares Blake Calvin Llamanzares had always been Lia's dream man. Unang pagkakita pa lang niya rito ay nabihag na nito ang puso niya. Simula noon ay minahal na niya it...