Conservative na SPG. Haha enjoy reading!
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Blake's POV
NAPABALIKWAS ng bangon si Blake ng makarinig siya ng isang malakas na sigaw. Sisinghalan na sana niya kung sino man iyon ng bigla na lang siyang napahinto.
“What the------------!!!!” gulat na gulat na saad niya.
Paano ba naman hindi siya magugulat eh may katabi lang naman siyang isang hubad na babae. At lalo pang sumakit ang ulo niya ng makitang wala rin siyang saplot sa katawan.
Damn! How did this happen??!!
“A-a-anong nangyari?” tanong nito sa kanya. Bakas ang takot at kaba sa mukha nito.
“Iyan din ang tinatanong ko sa sarili ko at hindi ko rin alam. Lasing na lasing na kasi ako kagabi.” sagot niya rito. Although parang may isang panaginip na pilit sumisiksik sa isip niya.
Habang nag-iisip ang katabi niya ay pinilit niyang inalala ang mga nangyari kagabi. At nang maalala na niya ang lahat ay napamura na lang siya.
“Oh sh*t!” bulalas niya. Hindi siya nanaginip kagabi. Totoo pala ang mga iyon!
Unti-unti niyang binalikan ang mga nangyari…..
Naalimpungatan siya dahil kailangan niyang pumunta sa banyo. Alam niya na nalasing siya noong pumunta siya sa bar at natatandaan niya rin na may kausap siyang isang magandang babae bago siya tuluyang ginupo ng antok. Tumayo na siya mula sa kama nang mapansin niyang wala siya sa kanyang kuwarto. Inilibot niya ang paningin doon. Masyadong maliit ang silid na iyon kumpara ng sa kanya bagaman malinis naman ito. Mainit din dahil walang aircon na nakalagay. Tanging bentilador lang ang nagbibigay ng hangin doon at wala ring banyo sa loob. Halatang babae rin ang may-ari noon dahil puro pambabaeng gamit ang nakikita niya. Lalabas na sana siya ng kuwarto upang hanapin ang babae nang biglang bumukas ang pinto.
“Gising ka na pala. Pupunasan sana kita ng maligamgam na tubig para mahimasmasan ka. Maayos na ba ang pakiramdam mo?” sabi ng magandang babae sa kanya.
“Nasaan ako?” tanong niya rito nang hindi inaalis ang tingin dito.
Infairness to him, kahit na masakit pa ang kanyang ulo ay hindi pa rin niya maiwasan ang pagtitig sa napakagandang mukha nito. Kahit na medyo madilim sa silid ay litaw na litaw pa rin ang kagandahan nito. Nakadagdag pa ang sinag ng buwan mula sa labas upang mas maging maganda ito sa kanyang paningin.
“Nasa bahay namin. Sa kuwarto ko. Pasensiya na at dito kita dinala. Wala ka kasing dalang wallet o ID. Hindi naman kita naiuwi sa inyo dahil ayaw tayong papasukin ng guard sa subdivision niyo.” sabi nito.
YOU ARE READING
After All
Romance"After all these years, ikaw pa rin ang kahapon, ngayon, at bukas ko." - Lia Llamanzares Blake Calvin Llamanzares had always been Lia's dream man. Unang pagkakita pa lang niya rito ay nabihag na nito ang puso niya. Simula noon ay minahal na niya it...