CHAPTER VIII: The Matured and Independent Woman.

397 8 6
                                    

                Its Monday. Pinagisipan ko talaga ang sasabihin ko, pinaractice ko pa sa harap ng salamin para sure na hindi ako mauutal at mabblank! Sa sobrang kaba ko, ang aga ko nagising. I texted James and Joyce to be there. At ayan na nga, mas excited pa pala sila saken, nakita ko na silang nakaupo at masayang nagkukwentuhan sa sinabi kong meeting place. Parang gusto ko na magback- out! Ayokong ituloy! PERO ELISE! Lakas lang ng loob yan. Kaya ko ‘to! I sat in front of them. Nakatingin lang silang dalawa saken with their confused look.

Walang nagsasalita. Yung mga ibang students na nadadaanan kami, rinig na rinig ko na kame ang pinaguusapan nila. Ano ba Elise?! Ang tanga mo. Pinapunta punta mo sila tapos hindi ka naman magsasalita. Mauna ka na.

“Hannah..” Joyce said.

“Makikinig ako..” sabi ko. Nagkatinginan lang sila.

“Hannah, believe James. Walang kame..” Sabi ni Joyce.

“Last time na nagusap tayo, nung sinabi kong si Joyce ang mahal ko. Nagkamali lang ako sa feelings ko Elise. Maniwala ka saken, ikaw lang talaga .. hanggang ngayon.” Sabi ni James.

Grabe! Yung mga pinaractice ko kagabi ayaw lumabas sa bibig ko.

“Joyce, pwede ba?” sabi ni James. Anong ibig sabihin nya? Nagets ko lang nung umalis na si Joyce.  “Elise..” patuloy ni James.

“Hannah..” I corrected.

“Elise, sorry. I was wrong! Very wrong to let you go. Matagal ko ‘tong inisip. When I’m with Joyce, hindi sya yung nagpapasaya saken. Hindi sya yung kumukompleto ng araw ko. Mas masaya pa nga ako kahit nakikita ko lang yung likod mo or yung buhok mo kesa kasama sya..” lalong bumibilis ang tibok ng puso ko, “pero Elise, maniwala ka. Hindi ko naman balak patagalin ng mahabang panahon, hindi ko lang alam kung paano haharap sayo…” pause, “natatakot ako.” Eh! Bading naman pala ‘tong taong ‘to eh?! Pati ako kinatatakutan. Sabi ko sa isip ko. “Hindi ako sa’yo natatakot.. sa magiging sagot mo ako natatakot, I’m afraid to be rejected by you, Elise.” Nabaling bigla ang tingin ko sa left side ko, then I saw Ismael standing from far away, just staring at us. “At the night sa disco club, kung saan ako nagjajam. Alam kong ikaw yun Elise, alam kong nandun ka.. hinanap kita pero sabi ni Jenny, umalis ka agad. Gustong gusto kitang kausapin. Lagi akong pumupunta sa labas ng bahay nyo, tumatambay ako, nagbabakasakaling makita at makausap ka.” Natulala nako sa mga narinig ko. Bakas sa mukha nya ang sincerity.

“Siguro kaya mo sinasabi ang lahat ng yan, kaya desperado ka na dahil nagiba na yung itsura ko, dahil maganda nako.” Sabi ko.

“I-nexpect ko na na yan ang sasabihin..”

“Nakit? Hindi mo naman maaalis na isipin ko yun, dahil kilala kita..”

“Elise, nung hindi pa ganyan ang itsura mo, sa tingin mo ba liligawan kita?” Nabara nya ako dun ah. Di na ako nakasagot, “Hindi importante saken ang itsura mo, kung nagbago man o hindi, Elise..” Bakit ba ang hilig nyang mambitin.

“Elise, I love you and I want you back..” Parang tatalon na palabas yung puso ko sa sobrang lakas ng pagtibok. Lahat ng pplinano ko kagabi, lahat hindi nangyari. Err. I’m so stupid!

Natigilan ako bigla, parang hindi ako makagalaw. Nakita ko yung gold na mata sa isip ko, pero nung tumingin ako sa paligid baka nandun sya, wala.

“May problema ba?” tanong ni James.

“Nothing.” I looked at him, and he’s waiting for me to reply sa napakahaba nyang explanation saken. “James,” tumingin sya saken with his twinkling eyes. Then I smiled.

“Talaga?”

“Ayaw mo?" Nagtataka kong sabi,

“Naninigurado lang.”

Story of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon