Bumalik na kami at naglaro na lang PS3.
“tingnan nyo naman kung ano ang tinira saten ni Ms. Vegetarian!” sigaw ni Raymart hawak yung plate. Tapos medyo uminom kami ni Jenny.
“oops! Oops! Wag masyadong madami Hannah, baka…” bulong ni Jenny. Shocks! Naalala ko pa tuloy. Hinampas ko si Jenny, kasi naman, nakalimutan ko na nga inuungkat nya pa. “nagbblush ka!” tukso ni Jenny.
“hindi ah! Dyan ka na nga. magsiCR lang ako.” Tumayo ako at pumasok sa CR. Tinignan ko sarili ko sa salamin. Hindi naman ako nagbablush e. inaasar lang ako nung si Jenny. Paglabas ko ng CR, tumabi ako kay Jenny, then nakaramdam ako ng antok.
Wait? Nasaan ako? Nasa bahay pa kaya ako nila Ismael?! Nasa isang room ako na black and white ang color. Tapos may mga canvass and paint and paint brushes. Tumayo ako at lumabas ng kwarto. Phew! Thank God nasa bahay pa ako nila Ismael. Pumasok ako sa Entertainment room at nakita ko silang naglalaro ng cards.
“oh Bes! Gising ka na!” sabi ni Jenny.
“mukha ba akong tulog!?” sarcastic kong sabi. Umupo ako sa tabi ni Jenny.
“para kang elepante..” bulong ni Ismael.
“ano?! Elepante? Ako?!??!”
“FYI Bes! sya kasi nagbuhat sayo papunta dun sa kwarto nya.” Explain ni Jenny. Ay ganon?! Kwarto nya pala yun. Ang panget!
“aah.. ganon ba? Hindi ko naman sinabi sayong buhatin mo ako e.”
“ganyan ka ba magpasalamat? Naawa lang naman ako sayo, ayoko kasing nakakakita ng babae na sa sofa natutulog.” Di nalang ako sumagot. Gentleman din pala ‘to.
“oxa.. thanks.”
“ayan! marunong ka din palang magthank you.” Sabi ni Ismael. Di na lang ako umimik.
Nagpoker na lang kami, ang matalo, lalagyan ng lipstick sa mukha. Si Ismael na mayabang, lagging talo kaya mukha na syang clown na zombie na bading, ah ewan! Basta nakakatawa sya.
*knock! Knock! Knock!*
Lahat kami napatingin sa direction ng pinto. “sir, nandyan nap o ang ate at mama nyo.” Sabi ni Leanne na sobrang ganda.
“wait lang ha.” Sabi samen ni Ismael at lumabas na ng kwarto.
“wag kayong magalala, mababait sila.” Sabi ni Raymart. Naalala ko may mga lipstick pa kami sa mukha, kaya naghilamos na kami.
Biglang bumukas ang pinto. 2 naggagandahang babae ang pumasok. Eto ba yung Ate at Mama ni Ismael?! Parang mga super model ang dating ah.
“guys, si Ate Inna..” sabay turo ni Ismael dun sa babae sa tabi nya. Matangkad at sobrang puti. Maikli yung buhok, nakasuot sya ng jeans and white tank top tapos nakaflats?! Hala! Nakaflats pa sya ng lagay nay an. Ano kayang height nya?, “and si Mama..” sabay turo naman sa katabi ni Ate Inna. Mas mukha pang mas bata yung Mama ni Ismael sa Ate nya. Mas matangkad pa kaysa kay Ate Inna, morena, medyo singkit at ang ganda ng smile. Sino kaya ang doctor ng mga ‘to. Belo? Calayan?
“you look familiar..” sabi bigla ni Jenny na nakatingin kay Ate Inna., “saan ba kita nakita? YEAH! Sa billboard sa Metro, right? One of the Von Dutch’s billboard?”
“you’re good.” Sabi ni Ate Inna, may pagka British accent sya, “yea, it was me, but actually, we didn’t let people recognize us.” Tuloy pa ni Ate Inna.
“Ma, Ate, si Jenny at Hannah. Kilala nyo na naman po si Raymart.”
“nice to meet you po.” Sabay naming sabi ni Jenny at nagbow kame.
“nice to meet you too, young ladies,” sabi ng Mama ni Ismael, “would you like to join us for dinner?” nakita kong angact si Ismael na wag kameng pumayag pero nakita sya nung Ate nya. “FRANCE! Bakit ayaw mo silang sumabay saten for dinner?!” galit na sabi ni Ate Inna. Tumingin sya samen at ngumiti, “please, join us. Let’s go, dinner is ready.”
Wala na kaming nagawa, sumunod na lang kami habagng higit higit ni Ate Inna yung damit ni Ismael.
Pagpasok naming ni Dinning Hall. Ooookay? Whooow! Parang may fiesta ah! Ang bilis naman nilang maghanda. Isang mahaba at malapad na table, parang kasya ang 20 persons, ang punong puno ng pagkain. Nakita ko yung mga bodyguards ko na nakaupo na. paano sila napunta dito? At paano naman namen ‘to uubusing lahat. Umupo na kami. I’m speechless!
“okay! Let’s eat.” Sabi ng Mama ni Ismael. Habang naglalagay pa ng food sa plate. “so, who’s family these two young ladies belong..” panimula ng Mama ni Ismael.
“Samson and Lucy Mendoza po..” sagot ni Jenny.
“sounds familiar Ma..” sabi ni Ate Inna.
“yes! Yes! You owned the Hacienda in Davao and the Salon, what’s its name again?” sabi ng Mama ni Ismael.
“Top Rated Salon.” Sagot ni Jenny.
“Yeah! Absolutely TOP RATED! I met your parents once sa isang symposium.” Amp! Ang dami namang alam netong Mama ni Ismael sa mga business, halos lahat ata ng business men and women, kilala nya. Yung parents ko kaya kilala din nya!? “how about you?” sabay tingin saken.
“uhm.. uh.. Ding and Maria Torres..” nahihiya kong sabi. Nagkatinginan sila ni Ate Inna. Parang naguusap pa sila sa tingin lang.
“AAH! The owner of one of the most pretegious hotels in the world, the Lincoln Hotel, right?” tumango lang ako, “may mga branch na kamyo sa Hongkong,Venezuela, Mexico and your working on your branch sa LA, right?” I nodded. Paano naman nya nalaman yun, eh ang alam ko, pinaplano pa lang yung branch sa LA, wala pang final yun. Sobrang updated naman sya. Kakamangha. “your hotel is so good, we once checked- in there, and that’s the most wonderful day in my life.” Ngumiti na lang ako. Baka kasi tanungin ako tungkol sa Hotel, eh wala naman akong pakialam dun, tsaka wala rin akong kaalam alam.
“well Ma’am..its good to know na marami po kayong alam sa business kaya hindi naman po katanggi tanggi na may business din ako. What exactly is your business?” sabi ko. Tumaas bigla ang kilay ni Ate Inna, HALA! Natarayan ko ata.
“ija, Tita na lang..” sabi ng Mama ni Ismael, “we owned the Bennise Hotel.. your hotel’s rival.”
![](https://img.wattpad.com/cover/326068-288-k196962.jpg)