CHAPTER VI: Gold - eyed

461 10 0
                                        

Sabi ko kay Cassandra na ako na ang bibili ng requirements ko, pumayag din naman si Kuya, kaya nagbihis nako at pumunta sa NB (National Bookstore). Habang namimili ako, nakakita ako ng isang bata at kasama yung mommy nya na namimili ng notebooks, bigla ko lang naalala na dati ganyan din ako, kasama ko si mommy pumili ng design ng notebook ko, pero ngayon, ako na lang magisa.

Pagdating ko sa bahay, tawa ng tawa si Kuya dahil ako pati yung mga bodyguards ko humihigop ng starbucks. Nakakatuwa nga e.

Kinabukasan, late na ako. Since pumasok ako dito sa school na’to, di ako nakakarating on time. Ganun na talaga ako since nung kindergarten ako. Nasanay nako sa mga Pilipino, late lagi. Kaya tunay akong Pilipino. PURE ika nga.Takbo bilis takbo! Malapit nako sa room ko nang, BOGSH! Malas nabangga pa ako! Sino ba’to? Di ba nya nakitang late nako?

“Miss, sorry.. are you okay?” Yumuko sya sa harap ko, biglang ayaw bumuka yung bibig ko. Sinasabi ng utak ko, ano ba?! Pwede tumingin ka sa dinadaanan mo?!?!?!! Kita mong late na nga ako eh! Pero ayaw lumabas sa bibig ko, “Miss? Ayos ka lang?” Ulit nya. Aalalayan na nya sana ako,

"Kaya ko na!” Tumayo ako at tumakbo ng mabilis. Hindi ko nga nagawang pagpagin yung damit at kamay ko. Buti wala pa yung teacher namen, “Si Elise talaga hindi parin nagbabago, lagi pading late.” Sabi nung classmate kong si Eric.

“Hannah!” correct naman ni Irish.

“Ay oo nga pala! Hannah na pala ang pangalan mo.” Nagtawanan lang sila. Wala ako sa mood makipagtawanan. Yung lalaki kanina..

He has gold eyes?! It looks like pure gold pero mata talaga sya.

O baka nagkakamali lang ako?! Contacts? Pwede! Parang di sya tao, para syang Mythological creature! Promise! Student sya dito (DUH!) Pero ngayon ko lang sya nakita.

Sa recess, napapatulala na lang ako, snap ng snap si Jenny under my nose, “Ang lalim ata ng iniisip mo?! Di ko mahukay e!” sabi ni Jenny, pero anong aasahan nyang sagot saken. Windang na windang nga ako. NO COMMENT! Mouth zipped. “Bes, kawawa naman si Ismael..” pagkasabi nun ni Jenny, parang nagising nako sa katotohanan.

“Wala akong pake sa kanya!” Pataray kong sabi.

"Ehem! Ehem!” Pagtingin ko sa likod, si Raymart at si Ismael pala tapos umupo sya sa tabi ko. “Wala palang pake ah!”

“Wala talaga! Sino ka ba sa buhay ko?! Wala ka lang naman.”

“Ouch naman! Sakit nun!” I glared at him tapos tumayo na, “TEKA!” hinigit nya ako paupo, “Saan ka na naman pupunta? Magwowalk out?” Tiningnan ko lang sya ng masama.

“Don’t touch me!” tinanggal ko yung kamay nya sa braso ko at tumingin ako kay Jenny na nagpipigil ng tawa. Ano ba namang klaseng tao ‘to? Kung makapanghiya ng tao! ARGH! After ko kumain, kumaripas na agad ako ng takbo sa room namen pala malayo na kay Ismael.

 “Elise?” si James.

 “Hannah.” I corrected.

 “Sorry, Hannah.. About yesterday..”

“Wala ako sa mood makipagusap sa’yo.”

“Just listen to me..”

“Wala nakong dapat pakinggan sa’yo..”

“I’m begging you.”

“Wag ngayon, wag dito..”

“Pero..”

“Please wag muna..” I saw the disappointment in his face. Ano pa bang dapat kong pakinggan sa kanya?! Malinaw na saken ang lahat, wala na, ayoko na! PERIOD!

Story of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon