CHAPTER XXXIX: Confession.

227 4 0
                                        

                Gumaling agad ako kaya Monday pumasok nadin ako. Pagdating ko sa school, mga hindi makamove –on sa JS eh. Kahit saan ka tumingin, kaliwa, kanan, taas, baba, likod harap, lahat sila bukambibig ang JS. Palibhasa kasi first timers ‘tong mga Juniors kaya pagbigyan na.

                “uy. Si Hannah oh.” Sabi nung mga babae na nakaupo sa bench.

                “hi Hannah.” Bati nung nakasalubong ko. Kailan pa naging friendly sakin ang mga estudyante dito?!

                “Hannah, bakit hindi ka umattend nung JS?” tanong ng hindi ko kilalang bading pero kilala nya ako, tapos parang kinikiliti sila nung mga kasama nyang mga babae.

                “ahh.. nagkasakit kasi ako.” Sabi ko.

                “aww.” Sabay sabay nilang sabi, “sayang hindi mo nakita.” Tili sila ng tili kaya nilayasan ko. Teka! Ano ba kasi yun? Pagpasok ko ng room, pinagtinginan lang ako ng mga classmates ko. Walang nagsasalita, si Eric nga nakanganga pa habang nakatingin sakin.

                “why are you all staring at me?” tanong ko. Walang nagsalita. Pinunasan ko yung mukha ko, baka may dumi, wala naman. “a?!” sigaw ko. Nagalisan silang lahat. May nagyaring hindi ko alam nung JS. Umupo ako sa upuan ko tapos yung mga classmates ko may pinapanuod tapos tumitingin sila sakin. Pucha! Pinindot ko yung clip, pero ang tagal pumunta ni Jenny.

                Ayan na sya sa tapat ko na parang kinakabahan. “Jenny..”

                “Bes..” hinawakan ni Jenny yung kamay ko.

                “tell me kung anong nangyari nung JS!” sabi ko.

                “Bes.. ah.. ganito kasi yun..” pautal utal na sabi ni Jenny.

                “ANO NGA?!?!?!”

                “sinabi ni Ismael na mahal ka nya infront of all nung JS!” sigaw ni JS. Pinagtitinginan na kami ng mga classmates ko. Napatingin ako dun sa laptop tapos nakita ko si Ismael sa stage na may hawak na mic.

                “Hannah Elise Torres, kung nasaan ka man. Magpakita ka na.” Narinig kong sabi ni Ismael dun sa video, ang daming nagsasalita. “I love you, Elise.”

                Pagkarinig ko nun, tumakbo na ako at pumunta sa lugar kung saan ko makikita yung kampon ni Satanas. BANG! Napatingin sakin ang mga nasa loob ng classroom. “Hannah, DON’T!!” sigaw ni Jenny. Pero its too late. Nakita ko na si Ismael at nilapitan agad. Naglalaro sya ng PSP at napatayo nung nakita ako.

                “Elise?! Ano-“ sinuntok ko agad sya bago nya pa matapos ang walang kwenta nyang sasabihin. Hinawakan nya yung pisngi nya na sinuntok ko.

                “ano bang problema mo?!” sigaw ko, tumingin lang sya sakin. “why the hell you did that!!!” ayaw nyang sumagot. “nabingi ka na ba ngayon? PIPI KA NA BA!? BAKIT AYAW MONG SUMAGOT?! Ang kapal ng mukha mong gawin yun tapos ngayon ganyan ka! Nababa-“ napatigil ako nung.. my second kiss with the same person. “BASTOS!” sinampal ko sya at tumulo ang luha ko. Wala na akong nagawa kundi tumakbo ng tumakbo ng tumakbo ng tumakbo.

                “BES! Pumasok bigla si Jenny ng kwarto. Niyakap nya ako.

                “bumalik ka na sa school Jenny.”

                “Hannah, hindi na ulit. Hindi na ulit kita iiwan. Hindi ko na uulitin yung dati.”

                “walangya sya Jenny. Saang impyerno ba sya galing?!”

                “ilabas mo lang. Nandito ako.”

                Ilang tissue box ang naubos ko bago ko marealize na bakit ko ba iniiyakan yung nagyari. This is not worth crying for. “here, drink this.” Binigyan ako ni Jenny ng juice. “are you okay na?”

                “bakit ganun sya Jenny?” tanong ko. Gulong gulo na kasi ako.

                “calm down Bes. Mahinahon natin ‘tong pagusapan. Okay?” i nodded. “bakit ka ba nagagalit ha?” tanong ni Jenny.

                Ang tagal kong nagisip kung anong isasagot. Kahit ako sa sarili ko hindi ko lama kung bakit ayaw ko, kung bakit nagagalit ako sa taong ang ginawa lang ay mahalin ako.

                “nagagalit ka ba kasi sinabi nyang mahal ka nya..” sabi ni Jenny, “Bes, hindi sa pinagtatanggol ko si Ismael. Pero hindi mo naman sya masisisi kung magustuhan ka man nya.”

                “hindi naman ako kagusto gusto eh.” Singit ko.

                “hindi totoo yan Hannah. Wala namang may gustong mangyari ‘to..”

                “ayoko Jenny..” sabi ko. Nagsneeze ako sa tissue. “ayoko talaga.”

                “anong ayaw mo?”

                “ayaw kong mahalin nya ako.” Nakatingin lang sakin si Jenny, “pagod na pagod nadin kasi ako Jenny ng kakaasa.  Masasaktan din naman ako sa huli, bakit pa ako magmamahal? Kaya ngayon pa lang dapat tumigil na ako sa kalaokohang ‘to.”

                “hindi kalokohan ang magmahal Hannah. Siguro nasasabi ko ‘to kasi may Raymart ako. Pero Bes, wala kang magagawa, dadating at dadating ang isang taong mamahalin mo at si God lang ang nakakaalam nun..”

                Bumalik ng recess time si Jenny because I insist. Mas gusto kong magisa ngayon para makapagisip isip ako ng ayos at mabuti. Bzzt. Bzzt. Bzzt.

                                Hannah, pupunta ako sa inyo. We should talk. It’s very important.

                Hinintay kong magdissmisal. Narinig kong may nagdoorbell. I think it’s her.  Pumasok si Cassandra kasunod si Ericka, tinanggal nya yung school cap at umupo sa tabi ko.

                “sabi mo importante.” Masungit kong sabi.

                “sobra.”

                “wala ako sa mood makipagusap ha. Kaya simulan mo na.”

                Nagbuntong hininga sya. Halatang kinakabahan tapos parang nagiisip pa sya kung paanong gagawin. “ginamit lang nya ako..” panimula nya, “ginamit nya lang ako para makalimutan ka. Pinalabas naming nililigawan nya ako dahil nalaman nyang binigyan mo ng second chance si James. Sa totoo lang nasasaktan sya.” Sabi ni Ericka na parang maiiyak na. “Hannah, sabi nya sakin, susubukan ka daw nyang kalimutan at pagaaralang mahalin ako..” tumulo ang luha nya, “pero kita ko sa bawat galaw nya, kitang kita ko kung paano nya ikaw tingnan.. pilit nyang nilalabanan ang lahat. Habang pilit ka nyang kinakalimutan, lalo ka nya minahal..” hindi ko nadin napigilan ang pagtulo ng luha ko.

 May nilabas sya sa bag nya. “dapat sa’yo nya ‘to ibibigay, dapat talaga sa’yo..” inilagay nya sa lap ko, “di nya mabigay kaya sakin nya na lang binigay. “ binuksan ko yung plastic, “hindi nya alam kung paano ibibigay sa’yo.. pero hindi ko pa yan ginagamit dahil baka dumating ang araw na ako mismo ang dapat magbigay sa’yo nyan.”

Si Taz Mania, na pinagawayan pa namin.

Story of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon