CHAPTER XXIV: What's more important?

230 4 0
                                    

                Tahimik lang ako habang nakain kami. I know our Hotel had many rivals, but Bennise? Ibahin nyo. They’re one of our greatest competitors ever since.

                Binigyan na ako ni Kuya ng brief information about sa kanila. They’re so horrible. Hindi ko pa nakikita dati personally yung owner kaya hindi ko nakilala na sila pala yun. They looked at me like I’m a prey. Jenny holds my hand.

                “don’t worry ija, business is just business. Walang personalan.” Malambing na sabi ni Tita. Pinilit kong ngumiti.

                Ginawa ko ang lahat para makaalis agad kami. Nagsasakit sakitan ako ng tyan para makalayas na kami ditto. Feeling ko kase kakainin nila kami ng buhay. Hinatid nila kami sa labas ng gate.

                “ija.. sure ka bang ayos ka na? ayaw mong dalhin ka namin sa hospital?” tanong ni Tita.

                “okay na pa ako Tita, ipapahinga ko  na lang po. Salamat po ule.” Di na ako nagatubiling magpatagal pa, pumasok nako sa kotse.

                Maya maya, pumasok nadin si Jenny. Nagkatinginan kami, parehas kaming nagwoworry at natatakot at the same time, pero sa tinging yun napagdesisyunan na naming wag pagusapan pa ang nangyari.

                Napahaba ang travel naming pauwi kasi kailangan pang umiikot dahil maarte yung subdivision naming. Nadaan kame s Café na pinagkainan namin ni Xander dati.

                “Bes, si James ba yun?” ako naman ‘tong si tingin. May nakita akong kasama nya pero dahil mabilis yung takbo ng kotse nawala agad sila sa paningin ko.

                “nakita mo ba?” tanong ni Jenny.

                “hindi. Masyado tayong mabilis.”

                “kasama nya yung lalaking lagi kong nakikita na kasama nya.”

                “ano ba Jenny?! Ang gulo nung sinabi mo?”

                “basta Bes, lagi silang magkasama.”

                “baka bestfriend nya lang.” palusot ko.

                “Pssh! Sabi nya kanina may importante syang gagawin kaya umuwi sya agad. Importante ba yan?”

                “wag ka ngang OA! Baka may usapan sila. Importante yun kung bestfriend nya yun. Kung ikaw ba at ako magkikita, hindi ba importante yun?”

                “syempre importante! Pero dapat sinabi nya sayo yung dahilan. Bakit? Matanong nga kita, alam mo bang may bestfriend si James?”

                “wala syang nababanggit.”

                “o kitams!” hindi na ako nikapagargue. Para matigil na’tong si Jenny. Tinawagan ko na si James.

Hannah: hey? Uhm.. nasan ka?

James: at home.

Hannah: kanina pa?

James: oo. Nung umalis ako sa bahay nila Ismael, daretso nako pauwi.

Hindi sya makakauwi ng ganung kabilis kung kakakita lang naming sa kanya sa Café. Di sya nagsasabi ng totoo.

James: Elise? Still there.

Hannah: yeah! Sige tawagan na lang kita ule. Nasa bahay na kame.

James: sige bye!

Hannah: bye!

James: lo… ve yoooo *toot*

                Parang napilitan syang sabihin yun ah. Nako James! Wag mo akong gagaguhin kundi makakatikim ka talaga saken.

                Nakit namin ni Jenny si Kuya na nakaupo sa sofa at nakatutok sa TV with matching junk foods pa. umupo kami ni Jenny sa tabi nya.

                “oh? Bat ganyan ang mga mukha nyo? Hindi ba nagging maganda yung hangout nyo?” tanong ni Kuya na punong punong ang bibig.

                “we’ve met the owner..” di ko pa natatapos yung sasabihin ko, napakunot na ang noo ni Kuya, “of Bennise Hotel.” Napatingin sya samen ni Jenny. Pinause yung player.

                “when?”

                “few minutes ago. Sa bahay nila Ismael.”

                “parents ni Ismael?” gulat na gulat si Kuya.

                “yeah! Kahit kami nagulat.” Sabi ni Jenny.

                “anong ginawa nila sa inyo? Sinaktan ba kayo?”

                “Kuya, wag kang OA. Wala silang ginawa samen. Mabait pa nga sila eh.”

                “hindi sila mabait. Remember yung kinuwento ko sa’yo dati?”

                “yeah Kuya, pero hindi naman halata sa mukha nila yung mga pinagkukwento mo saken.”

                “Princess, mom and dad will not be happy if something bad happened to you, so please layuan mo sila.”

                “talagang lalayuan ko sila.”

                “including Ismael.”

                “WHAT?!?! Kuya naman. He’s our friend.”

                “not anymore. Just follow me Princess. Para ‘to sa ikakabuti mo at ng business naten.”

                “bakit kailangan pang isacrifice ang kaibigan ko para sa lintik na bisuness nay an! Sila ba magiging dahilan para bumagsak ang company naten?!” galit nako.

                “Princess! You CAN’T trust anyone when it comes to business.”               

                “NO!!” tumakbo ako sa kwarto ko at ni- lock ang pinto.

                “Princess! Open the door! NOW!!!” sigaw ni Kuya habang kinakalampag ang pinto.

                “GO AWAY! LEAVE ME ALONE!”

                “Cassandra! Susi!” narinig ko yung mga tunog ng susi, pero di nila nabuksan. Nasakin ang duplicate ng susi ng kwarto. Natuto nako nung isang beses na ginawa saken ni Jenny. “Princess! Open –up!” tumakbo ako sa walk- in closet ko at dun nagstay.

                Nakakainis si Kuya. Bakit kailang pili padin ang dapat kaibiganin?! Sila ba nakaranas ng ganon? Wala naman kaming pakialam ni Ismael sa business business nay an. I guess so?! Ah basta! Hindi nila ako kayang diktahan. This is a democratic country! Wala na tayo sa Martial Law. 

Story of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon