CHAPTER XVI: The Story behind the Sculptor.

267 6 0
                                    

Doorbell! Doorbell! May nagbukas ng gate at tumindig mga balahibo ko. Ano ba naman ‘to?!?! Ngumiti sya at sinabing, “pasok ka!”

May maliit na fountain sa labas na may mga malilit na fish, madaming halaman sa garden, para ngang bahay sa gubat e, modern version lang. Sa may entrance door, may dalawang elves statue. Tinignan ko saglit, ang ganda ng pagkakagawa, simula ulo hanggang kamay at paa pinong pino. Saan kaya nila ‘to nabili? Parang gusto ko din ng ganito.

“nagustuhan mo?” tanong ni Xander.

“oo.. ang ganda. Sinong gumawa?”

“ako." sabay pasok sa loob ng bahay. TALAGA!? Hindi, baka nagloloko lang. Sumunod ako sa kanya.

“Xander! Di nga? Ikaw gumawa nun?”

“ako nga.”

“di ka nagjojoke?”

“nope!” tinitigan ko sya sa mata at nagsitayuan ang mga balahibo ko.

“okay! Convinced nako.” I finally said, “ang galing mo naman.”

“halos kulang kulang  1 year ko natapos ang isang ganun.”

“WOW! Nakaka AMAZE! Idol na kita!” :D

Naglakad na kami papasok pa, isang malaking portrait ang bumungad saken. Pamilya siguro nila, nilapitan ko at tinitigan.

“pati siguro ‘to ikaw din ang gumawa?!?!”

“hindi ah. Lola ko ang gumawa nya,”

Talented ang angkan nila ah. Kaya walang duda na artist din ‘tong si Xander. Namukhaan ko yung parents ni Xander pero may dalawa pang babae. I think yun yung Ate nya kasi photo copy ang mukha e. Magaganda, pero nakakapagtaka, bakit yung mga mata nila hindi katulad nung kay Xander. Sya lang ang may gold na mata, why?

“Ate ko yung dalawa,” biglang nagsalita si Xander, “parehas na silang may kanya kanyang pamilya.”

“uhm.. pwede magtanong?” sige Elise! Chance mo na yan.

“ano yun?”

“uhm.. napansin ko lang, ba- bakit? Iba yu- yung mata mo? Bakit gold?” tanong ko. Tumalikod sya at nagsimulang maglakad. Oooookay?!?! Ayaw nyang pagusapan. Sinundan ko na lang sya. Marami pa akong nadaanang statues. Bigla syang tumigil sa harap ng mga picture frame,

“dahil..” he started, “hindi naman sakin ang mga matang ‘to.” What did he mean by that, ‘hindi nya mata’??? ngumiti sya at kumuha ng isang picture frame, nakita ko yung picture, a woman with gold eyes. “when I was 5 years old. Nagkaroon ng accident at nakasama ako dun with my Lola. Nagkaroon ng sugat ang mga mata ko, and my Lola died on the spot, she’s just 56 that time. The doctor said hindi na daw ako makakakita unless may magdonate ng mata, tapos isang araw, nagising na lang ako na nakakakita na ako at ito na yung mga mata ko nun.”

“parang lumalabas na yang mga mata mo, ay mata ng..”

“mata ng Lola ko.”

“sorry, dapat di ko na tinanong.”

“ayos lang, alam ko namang natatakot ka sa mga mata ko.” Ngumiti sya at kuminang ang mata nya. Paano nya nalaman na nakakatok ako?? “tama na nga ‘to! Magpractice na lang tayo.”

Habang nagpapratice kame, di maalis sa isip ko yung kinuwento nya.

“break muna tayo, mukhang pagod ka na.” Sabi ni Xander, “kukuha lang ako ng food.” At umalis na sya.

PHEW!!! Ang sakit sa daliri ah. Tumayo ako para mag- unat at para libutin yung Living room hanggang napunta ako sa garden. Ang dumi, nagkalat ung mga marmol, tama ba marmol tawag dun?!? Dito siguro nagawa si Xander, tumingin ako sa bahay namen, SHOCKS!! Kitang kita dito yung kwarto ko. May nakita akong di pa tapos na statue. Ano naman kaya yung gagawin nya? May napansin akong picture na nakabaliktad, eto siguro yung pinaggagayahan nya. Dahil curious ako, pupulutin ko na..

“HANNAH!!!” Di natuloy pagpulot ko, si Xander tumatakbo na palapit saken at kinuha yung picture at tinago. “anong ginagawa mo dito?”

“wala naman, naglilibot lang.”

“wag ka na dito, makalat pa. di ko pa napapalinis. Dun tayo sa loob.” Tinulak na nya ako.

Nakain kami habang nanunuod sa TV.

“Xander, ano yung ginagawa mong statue ngayon?” nagtataka kasi ako dahil ayaw nya pakita yung picture.

“di ko alam.” Sagot nya.

“huh? Paanong di mo alam?” naguluhan ako dun ah.

“ang hirap nya ukitin , isang buwan na wala parin akong nasisimulan.”

“so, tao yun? Sino?”

“isang babae..” hinihintay ko yung susunod na salita na lalabas sa bibig nya, pero ang lumabas lang sa bibig nya ay, “ligpit ko na’to.” Bigla na lang syang tumayo.

Isang babae? HELLO? Ang dami daming babae sa mundo. Haix. Binitin pa ako! Yun na nga eh. Tss. Bahala na nga. Nagpractice na ulit kami. 6pm pinauwi na nya ako.

****************

Thanks guys for supporting. Please Leave some comments and opinions, para kung may pangit na side ng story na'to, mabago ko pa. Salamat senyo!

Story of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon