CHAPTER XI: This Feeling is a Mistake!

317 6 0
                                    

                OKAY! Late na naman ako. Sabi ni Kuya wag daw akong magpuyat, pero dahil masunurin akong bata, nagpuyat ako. Katext ko si James no?! sino pa ba?!

Habang mabilis akong naglalakas sa pathway, BOG! Nagkalat sa daan yung gamit ko.

“ay sorry..” pagtingin ko si Ismael.

“tumingin ka kasi sa dinadaanan mo!” sigaw ko.

“sorry, sorry ule, I have to go.” At tumakbo na sya papunta sa ..

Isang babae?

Nakilala ko yung babae, si Ericka, classmate ko.

“sorry late ako..”  narinig kong sabi ni Ismael kay Ericka.

“okay lang, halika na. baka malate pa tayo lalo..” kinuha ni Ismael yung mga dala ni Ericka at naglakad na palayo. At his last glance saken, wala syang sinabi.. eerie!

Napagtanto ko tuloy, wow! Ang lalim ng word ko – bakit sila magkasama??

.

.

.

Kinulabutan ako. “Xander?” para kong baliw na tingin ng tingin sa paligid pero wala namang tao kundi ako at yung guard sa may gate. I’m feeling eerie today.

Di pala pumasok si James ngayon dahil may sakit daw sya. Kawawa naman.. I entered the room, dumaretso sa chair at nagpangalumbaba na nakatitig sa labas. Tutal wala pa namang teacher e.

“Hannah..” napatingin ako.

“ah.. Joyce.”

“ayos ka lang?

“oo naman.”

“si James?”

“JOYCE!!!” bago pa ako makasagot sa tanong ni Joyce, lumitaw na sa tabi namin si Ericka na nagtatatalon. “may ikukwento ako sa’yoooo!” halatang masaya.

“wait lang Ericka ha, naguusap pa kami ni Hannah..” sabi ni Joyce.

“ay Hannah, sorry.”

“its okay. Kayo na magusap.” Sabi ko.

“thanks..” sabi ni Ericka tapos humarap na sya kay Joyce, “Joyce, si Ismael..” nagulat naman ako sa sinabi ni Ericka.

“anong meron kay Ismael?” tanong ko. “not to ruin your conversation ha..” napatingin yung dalawa saken.

“nililigawan ni Ismael si Ericka..” sagot ni Joyce.

“w-w-what!?!?” napahinto ako, “I mean, good for you..” buti na lang di ko nasabi yung sasabihin ko. Ano nga ba dapat kong ang sasabihin ko?!?

“kalian pa?” usisera nako ngayon ah.

“last week pa..” sagot ni Ericka, “akala ko nga ikaw ang gusto nun e.”

“excuse me?! ako?!?!” nagkatinginan lang yun dalawa at nagkibit balikat.

“eto na nga kasi Joyce..” sabi ni Ericka na hinahampas hampas pa si Joyce, “sabay kami nagsimba kahapon, hinatid nya pa ako sa bahay.. blah.. blah.. blah..” kinikilig kilig pa ‘tong si Ericka, si Joyce naman tili tili, akala mo wala ng bukas.

“yun pala yung inaasikaso ni Ismael kaya di sya nakakasama saten..” sabi ko kay Jenny habang nakain kami ng sandwich at shake.

“walang nabanggit sa akin si Ismael na may pinopormohan na sya!” sabi ni Raymart.

“saken din.” Habol ni Jenny.

“lalo naman saken! AH! Bahala nga sya!”

“bakit parang..” napatigil si Jenny na nakatingin sa taas ng ulo ko.

“ISMAEL!!” sigaw ni Raymart. Paglingon ko, si Ismael nga kasama pa si Ericka.

“can we join?” tanong ni Ismael.

“sure..” sabi ni Jenny.

“Elise???” nag sure na nga si Jenny, naninigurado pa ‘to.

“o yeah! You can sit anywhere. Mahaba ‘tong table oh?!!?” sabi ko. Jenny gave me a umayos- ka-nga-look. Yeah yeah! Whatever. Nilapag na nila yung tray nila at umupo.

“bakit di mo kasama si James?” tanong ni Ismael.

“may sakit.”

“ah ganun ba.. pakisabi pagaling sya.”

“thanks for your concern.” Tapos di na ako umimik. Naiinggit nga ako, lahat sila may partner. Ako lang loner. Err. >.< sobra pa magharutan yung dalawa kong katabi, minsan nagdadanggi nako, di man lang nagsosorry. Di ko na matiis! “mauna na ako!” tumayo ako at din a hinintay ang sagot nila, narinig ko na lang si Jenny sa sumigaw na, “see you mamayang lunch!”

Habang naglalakad ako sa corridor papunta ng room namen, nagring ang phone ko. James’ calling..

H: bakit James?

J:  wala naman, gusto ko lang marinig boses mo..

H: kamusta ka na?

J: I have fever. Ikaw?

H: I’m fine, pagaling ka na.. wala akong kasama e..

J: si Jenny?

H: kasama lagi ni Raymart.

J: sige, papagaling nako. Pero sabi ni mama, the day after tomorrow pa ako makapasok..

H: ah.. ganun ba. Gusto mo dalaw ako?

J: miss mo na ako?

H: ang tigas ng mukha mo!

J: bakit hindi ba?

Napatigil ako sa paglalakad kasi nakaramdam ako ng takot, nanginig mga tuhod ko, di ako makagalaw. Nasa malapit lang sya, nasaan?

Dumaan sya sa harap ko. Yung mga mata nya nakatutok saken. His solid gold eyes..

“Hannah.. phone mo.” Sabi ni Xander, dun ko lang napansin. Nalaglag na pala yung phone at nagkalasug lasog pa yung mga parts. “ayos ka lang?” tanong ni Xander.

“yeah!” sabay takbo. Ano na naman bang nangyari back there?!?!? Elise, ang gulo mo ngayon ah. Tinawagan ko si James para magpaliwanag sa nangyari. 

Story of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon